Agad kong tinulak sina Lali at mabilis akong tumakbo papanik sa hagdan. Mabilis akong pumasok sa kuwarto ko dail gusto kong mapag-isa. Masyadong mabilis ang ginawa nila para iharap agad sa akin ang psychologist na tinutukoy ni Doctor Satora. Inaakala ko ay bibigyan pa nila ako ng oras para makapag-isip-isip pa, pero hindi nangyari. Hinahagilap ko sa aking isip kung may nagawa ba ako para ganoon na lang ang naging desisyon nila. Pero wala akong maalala aside sa weird ang katawan ko pagkagising ko kanina. I am pacing back and forth habang nag-iisip kung ano ba ang gagawin ko o sasabihin pag bumaba ako mamaya. But I was stunned nang may biglang humila sa aking braso na naging dahilan para mapaharap ako sa taong gumawa no’n. Kamuntikan ko pa siyang masampal dahil doon. "Can you tell me

