CHAPTER 8

1024 Words
Parang dinikdik ang dibdib ko sa aking narinig. Habang naghihintay ako sa asawa ko ay kasama niya ang kapatid ko. Habang nagugutom ako para lamang masabayan siya kumain ay kasama na niya pala ang kapatid ko. Nasa loob ako ng kwarto at walang ganang lumabas. Hindi na rin ako nakakain ng tanghalian. Pinagmasdan ko ang telepono ko ngunit walang text o tawag. “Hindi man lang niya sa akin ni-chat na gagabihin siya,” bulong ko at umiyak mula sa pagkakahiga. Pinilit kong maging maayos ngunit wala. “Parang dinudurog ang puso ko…” Sa pang apat na pagkakataon ay naramdaman ko ulit ito. Pero kakaiba ngayon. Una noong namatay ang nanay ko. Pangalawa iyong tatay ko at ang pangatlo ay noong umalis ang kapatid ko… ngayon ay ito. “Hija?” Boses iyon ni manang mula sa pinto. “Kumain ka na ba? May meryenda akong niluto sa ibaba, gusto mo dalhan kita r’yan sa kwaro mo?” Pinunasan ko ang luha ko’t sinikap na sumagot. “Huwag n-na po, Manang Lourdes.” Lumunok pa ako nang mapansin kong nanunuyo na ang lalamunan ko. Pang ilang araw pa lang rito ni Anthonet at ito na ang bumungad sa pagkikita namin. Sa ilang oras kong pagmumukmok sa loob ng kwarto ay kita na sa akin ang pamamaga at pamumugto ng mata ko. Iyong talukap ko ay parang kinagat na ng ipis. “Paano ko ba ito matatago?” Nasa salamin na ako na nakadikit sa banyo habang nakatapis ng tuwalya. Naligo ako para lang maalis sa mukha ko ang luha na tumutulo. Nahihilo na rin ako sa kakaiyak. Naglagay ako ng puff sa mata ko at wala naman akong nakitang pinagkaiba. Maliban na lang nu’ng yelo na ang nilagay ko. “Mugto ba ang mata mo?” Sinundan ni manang ang galaw ng mukha ko makita lang kung totoo ang tanong niya. “H-hindi po,” Nahihiya kong tugon. “Ano ang sinasabi mong hindi? Kitang kita sa mata mo, Leveste. Ano ang nangyari? Magsabi ka sa akin.” Para siya na ang naging nanay ko. Noong nawala ang mommy ay hindi naman tiyahin ko ang nag-alaga sa akin ng kapatid ko. Ayaw ng tiyahin ko na alagaan kami at isalba ang kumpanya sa takot na baka pati sila ay magbayad ng utang ng daddy. Ngayon naman ay parang kay babait nila at animo’y mistulang anghel na nagpapakasantita kay Weston. Mas matimbang nga raw ang pera kaysa sa dugo… “Manang… ayoko po muna ikwento at ayoko po muna maalala.” Huminga siya ng malalim at hindi na ako pinilit pa. Sinyales na may respeto siya sa desisyon ko. “Hindi mo kinain ang bigay ng kapatid mo. Nagtataka siya’t baka raw ‘di mo na gusto ang manok na ‘yon.” Umangat ang tingin kay manang at saglit lang no’n nang ilapag niya ang manok na ininit nito. “Lumamig na kasi kanina. Baka gusto mo kainin…” Ngumiti siya sa akin at iniwan na ako sa kusina. Napalunok akong tignan ang manok at naalala ko muli ang sinabi ng kapatid ko. Nanginginig ang labi ko sa lungkot. May namamagitan ba sa kanila? Bakit hindi man lang sinabi ni Weston? Napapatanong ako sa aking sarili. Baka dahil pangit ako at maganda ang kapatid ko. “Oh, Ate? Ngayon mo lang kakainin?” Nasulyapan ko si Anthonet sa aking likod at siya naman itong kumuha ng tubig. Wala siyang narinig sa akin na sagot. “Ate? Nag-text nga pala si Archer. Sabi niya sa akin ay may gusto ako na drinks. Sabihin mo na lang, Ate, gusto ko ‘yung matcha.” Bago siya lumisan ay iyon ang binanggit niya. Narinig ko na lamang ang kaniyang yakap papalayo nang pigilan ko ang mga luha muli. Nanginginig ang kamay kong pindutin ang telepono ko’t napansing wala pa ring chat at reply sa akin si Weston. Walang call o kahit ano… pero nagawa niyang tanungin si Anthonet ng maiinom? Hindi na maganda ang nasa isip ko nang inurong ko ang pagkain na binili ng kapatid ko. Nawalan ako ng gana ngayong araw. Hinihintay ko ang asawa ko na dumating at mag-text man lang sa akin ngunit sa hindi ko inaasahan ay bumukas na ang pinto’t pumasok si Weston. “Sorry, my wife…” Lambing niya sa akin at agad na yinakap ako. Mapait lang akong ngumiti at tinapik ang kaniyang brasong nakapulupot sa akin. “Na busy ka sa meetings?” Tanong ko. “Uhm-uhm…” Sagot niya na may tungo pa. “Nagpadala ako ng lunch kanina sa office mo. Natanggap mo?” Lumayo siya sa akin at tumungo ulit. “Yes, inilagay ko na sa hugasin.” “Ano oras ka kumain ng lunch? Baka nalipasan ka, ha?” Kilala ko siya at alam kong hindi siya magsisinungaling sa akin. “Nag-lunch ako talaga sa labas pero kinain ko rin ang luto ng asawa ko.” Lambing pa niya. “Sa labas ka kumain? Sino kasama mo?” Pinagsingkitan niya ako ng mata. “Iyong mga client ko for another project,” masaya niya pang sagot. Tila parang isang malaking sampal sa akin na hindi siya nagsasabi ng totoo ngayon. Hindi ganiyan ang taong napangasawa ko. Hindi ganiyan ang pinakasalanan ko. Pigil na pigil ang luha ko kaya para hindi tumulo iyon ay humikab ako. “Inaantok ka na? Kumain ka na ba? Sabi ni manang ay hindi ka raw kumain.” Habang hinuhubad niya ang kaniyang office attire. “Kumain ako… hindi lang ako nakita ni manang.” Parehas na kami ngayon na nagsisinungaling. “Gano’n ba? Magliligo lang ako, mahal ko…” Isang lapad ng halik sa akin kinuha niya na ang teleponong madalas niyang iniiwan kapag maglilinis siya ng katawan. Ilang saglit din nang tumunog pa iyon na para bang may nag-text o chat sa kaniya. “Maglilinis na ako, ha?” Isang halik pa muli nang umalis na siya sa harapan ko. Hindi naman ako tanga para hindi mahulaan ang kinikilos niya. Hindi ako bobo para hindi makita na may tinatago siya Isa lang ang sigurado ako… totoo ang mga sinasabi ni Anthonet at ang asawa ko ay nagsisinungaling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD