“Manang! Paayos na lang, ha?” turo ko pa sa ibang mga gamit. “Masyado ka atang excited, Leveste.” Hawak nito sa aking braso na ikinatawa ko pa.
“Hindi naman po. Ngayon na lang po kasi kami magkikita ulit,” sagot ko.
“Alam ko naman iyon. Masaya akong magkikita kayong muli. Halos ilang taon na rin siyang hindi umuuwi,” ani ni Manang Lourdes.
“Ako nga rin po. Natatakot ako kasi ilang taon na po iyong huling pagkikita naming magkapatid,” sambit k okay Manang Lourdes nang hawakan niya ang aking balikat at siya naman itong ngumiti. “Hindi mo kailangan matakot, Hija. Kung hindi dahil sa ‘yo ay hindi makakapag-aral ang kapatid mo. Hindi niya mararating lahat nang kung ano ang mayroon siya ngayon.”
“Hindi naman na po kailangan sabihin iyan. Ginawa ko lang po kung ano ang tungkulin ko bilang kapatid niya. Saka iyon naman po ang kahilingan ni Daddy at Mommy bago sila… umalis.”
“Hindi madali ang pinagdaanan mo para matupad lang ang pangako mo na iyan sa magulang mo, Hija. Kitang-kita ko ang lahat…”
Tila tumulo ang luha ko nang maalala ko ang lahat. Kung paano bumagsak ang maliit na kumpanyang naiwan sa akin ni Mommy at Daddy at ano ba ang alam ko sa negosyo. Bata pa lamang ay ako nang mawala sila.
“Pasalamat na nga lang po ako at nariyan po ang asawa ko.”
“Nagpapasalamat rin ako kay Weston, dahil alam kong siya ang naging lakas mo.”
Parang ang sarap sa pakiramdam na makitang may gusto at nagsu-support sa akin para kay Weston.
Pinagmasdan ko ang asawa ko na kausap ang ilang kasambahay para sa mga pinaayos na gamit sa kung saan.
“May usapan ba kayong dalawa para sa paglipat niyo ng bahay? Mag-asawa na kayong dalawa, Hija…” tanong ni Manang Lourdes sa akin na ikinagat ko ng labi.
“Napag-usapan na po namin iyan. Sadyang tumanggi lang po ako na umalis sa bahay na ito kasi ito na lang po ang natitirang ala-ala sa akin ni Mommy at Daddy.” Hindi ko naman kasi pwedeng iwan ang bahay na ito nang gano’n-gano’n lang.
“Nariyan naman ang kapatid mo, Hija. Maiintindihan ka ng magulang mo, pero ito lang ang masasabi ko sa ‘yo, Hija. Kailangan niyo ng space mag-asawa. Lalo na ngayong uuwi na ang kapatid mo.” Nagtataka ako sa kaniyang sinasabi.
“Manang? Ano po ang kinalaman ng kapatid ko?”
“Ang sinasabi ko lang ay kailangan niyo ng space mag-asawa. Hindi maganda na may kasama kayong iba, dahil kasal ka na.”
“Walang kaso naman po iyon sa akin. Maraming salamat sa inyong concern, Manang.” Hindi niya na ako pinagsabihan pa, dahil tumungo na lamang ito at pumunta sa ilang kailangan pang tapusin sa decorasyon.
“Are you excited?” bulong ni Weston sa aking tainga nang lapitan niya ako at hawakan ang aking bewang. “Oo… matagal na kasi kaming hindi nagkikita, hindi ba? Alam ko naman na alam mo ‘yon kasi lagi ko naman sa ‘yo kinikwento.”
“Lahat naman nang sinasabi mo ay hindi nawawala sa utak ko. Masaya ako na nagse-share sa akin ang asawa ko.” sabay halik nito sa aking noo. “Maraming salamat, Weston. Hindi ko alam kung paano ako makakarating sa ganitong sitwasyon kung wala ka.”
“You don’t need to be thankful, my wife… ako dapat ang nagsasabi niyan, dahil ikaw ang magandang dumating sa buhay ko na ayaw kong mawala.” Isang mariin na halik ang kaniyang ibinigay sa akin na halos ikipunta ko sa langit ng ilang saglit lamang.
Kaya naman nang pumunta na kami sa airport par a kami na mismo ang magsundo sa aking kapatid ay may halo itong kaba.
“Would you think? Magugustuhan niya ako bilang asawa mo?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko. “Of course! Baka nga ay agawin ka pa niya sa akin kapag nakita niya kung gaano ka ka-gwapo,” biro kong sabi na ikinakunot lamang niya ng noo at ngumisi. “You’re Weston Archer! Sino ang hindi mai-inloved sa ‘yo? Saka ang kapatid ko ay lagi naman iyong support sa akin. Kaya’t alam kong magugustuhan ka niya… para sa akin,” sunod kong sabi nang ilapit niya ako sa kaniyang gawi at hinihintay ang aking kapatid na magpakita.
Nang makita ko ang kapatid ko na ngayon ay hawak-hawak ang kaniyang kulay pink na maleta ay nanlaki agad ang mata ko.
“Anthonet!” malakas kong sigaw nang yakapin ko siya. “Oh, my gosh! Ate!” yakap niya rin sa akin nang bitawan niya ang maleta. Nang makalayo ako sa kaniya ay hawak-hawak ko pa rin ang kaniyang magkabilaang braso at agad na pinagmasdan ang kagandahan niya. Nakuha niya talaga ang hugis at mukha ni mommy, hindi maipagkakaila na maganda nga siya talaga.
“Ang ganda mo na lalo!” masaya kong sabi nang naningkit ang mga mata niyang nahihiya sa mga sinabi ko. “You…” nguso niya pang sabi at agad na sinundan din iyon. “Still the same,” sunod niya.
“Tumaas grado mo? Blooming ka na lalo, ah!” turo niya pa sa akin nang hawakan niya na ang maleta nito. “Nambola ka pa!” gusto ko sanang sabihin na ‘hindi ka pa nasanay’ kaso baka isipin nito ay nagkaroon lang ako ng asawa ay nag-iba na ako.
Ang hirap nang hindi mo lagi kasama ang kapatid mo. Ngayon na magkasama kaming dalawa ay parang nag-iba. Na-miss ko siya, pero alam mo ‘yung pakiramdam na naiilang kayo sa isa’t-isa? Parang hindi kayo sanay sa prisensiya niyong dalawa.
“Akala ko ba ay may asawa ka na, Ate? Asan?” see? parang halos lahat talaga sila ay hindi naniniwala na nagkaroon ako ng asawa. “Weston!” tawag ko sa aking asawa na ngayon ay may kausap sa kaniyang telepono. Kaya agad niyang ibinaba iyon at agad na tumakbo patungo sa amin.
Ngunit nanlaki ang mata ng asawa ko ng makita niya ang kapatid ko.
“Anthonet meet my husband, Weston.” Lahad ko pa ng kamay sa aking asawa. “Oh, my gosh! You’re here? Kailan pa?” kumurap-kurap akong tignan ang asawa ko mula sa mga tanong ng aking kapatid sa kaniya. Feeling ko tuloy ay out of place na ako. “Matagal na akong narito. Hindi ko alam na kapatid ka pala ng asawa ko,” ani ni Weston at hinawakan ang aking bewang.
Pinagmasdan iyon ni Anthonet at ngumiti ng mapait sa akin.
“Magkakilala kayo?” tanong ko kay Weston nang tumungo siya. “Nagkakilala kami noong party ng kaibigan ko sa ibang bansa. You’re John’s girl friend, right?” What? She have a boy friend?
Ang rami kong hindi alam!
“Well! We’re done na kasi, e!” maarteng sabi ni Anthonet na ikinatungo lamang ni Weston. “May… boy friend ka na?” tanong ko sa kaniya na medyo mahina. “Ate? Hindi ka ba nakikinig? Sabi ko nga, ‘di ba? We’re done…” maarte niya pang sabi na ikinaawang ng aking labi at tumungo rin tulad ng aking asawa. “Ang sad naman, hindi mo naipakilala sa akin.” Ngumiti ako, ngunit siya naman itong ngumiti rin sa akin.
“Hindi mo na kailangan malaman kasi, Ate. Kasi hindi naman talaga siya worth it! Kapag nagka-boy friend na ako ulit…” huminto siya at nawala ang tingin sa akin. Sinundan ko kung saan siya nakatingin nang kumalabog ang tingin ko nang makita kong pinagmamasdan ako ng asawa ko. “Grabe makatingin, Archer, huh? Baka matunaw ang kapatid ko,” ani ni Anthonet.
Archer?
“I can’t help to stare at her beautiful face. What’s your name again?” naningkit pa ang mga mata niyang itanong ni Weston kay Anthonet na ikinakunot ko. “Hindi ba’t sinabi ko na sa ‘yo ang pangalan niya? Paulit-ulit ko na nga sinasabi iyon sa ‘yo, Weston.” Malumanay kong sabi sa kaniya nang ikinangiti niya sa akin.
“Thoey!” pag-peace pa ni Anthonet.
“Hindi nila ako tinatawa na Anthonet, ‘Te. Thoey ang tawag niya sa akin.”
“Ah!” dinilaan ko na lamang ang aking labi nang naglakad na kaming tatlo patungo sa sasakyan para makauwi sa bahay.