Hindi ko alam kung saan ba ako pupwesto sa upuan ngayong parang hindi naman ako kailangan sa usapan nila.
I really don’t know what to act…
“Kaya nga! Hindi ko nga alam na nakarating ka na pala ng Pinas at napangasawa mo ang kapatid ko! Akala ko nga ay girl friend mo si Sonia!” ani ng kapatid ko sa loob ng sasakyan. Napapagitnaan nila akong dalawa, ngunit ako ay nakatingin lamang sa bintana mula sa harap. “Psh! Hindi,” matipid naman na sagot ni Weston sa aking tabi.
“Nakakapagtaka talaga na… hayss…” Ramdam ko ang pagtingin ni Anthonet sa aking gilid. “Ate? Ang tahimik mo naman! Hindi ka nagsasalita r’yan!” Napalingon ako sa kaniya at ngumiti. Wala rin akong alam na sasabihin sa kanila. “Nako, Archer! Hindi mo pa rin napapabago ang kapatid ko. Tahimik pa rin siya at parang loser,” sunod ng kapatid ko sa aking asawa nang maramdaman ko ang paghawak ni Weston sa aking kamay. Tumingiin ako sa aking asawa nang itaas niya ang dalawang kilay nito sa akin.
“What?” tanong ko nang itaas niya muli ang dalawang kilay nito. “What’s wrong?” siya naman ngayon ang nagtanong sa akin. Umiling naman ako at ngumiti sa kaniya. “Nothing…” sagot ko nang hindi niya na inalis ang mata nito sa akin.
“Archer? Are you listening?” Si Anthonet na para bang medyo may pagkairita ang boses niyang itanong iyon sa aking asawa. “Gosh! So, boring na! Mabuti na lang talaga at narito ka, Archer! Kasi I’m so tired of Ate’s dramatic life like her life was so boring,” sambit nito nang isandal niya ang kaniyang likod at ako naman itong napahiya.
“Ganiyan ba siya sa ‘yo?” Kunot ang noo ni Weston na itanong iyon sa akin. Pinilit kong ngumiti at umiling sa asawa. “Nasanay siya sa ibang bansa at totoo naman na medyo boring nga ang buhay ko,” sagot ko, ngunit mas nakita ko kung paano nagalit ang kaniyang itsura.
“Hindi ‘yan totoo. Huwag mo laging ida-down ang sarili mo para lamang sumangayon sa ibang tao. That’s not good.” Kung kanina ay kinakabahan ako, ngayon naman ay natuwa ang puso ko. Hindi ko akalain na ganito ang sasabihin niya sa akin, kahit pa napupuno naman siya ng quotes at motivation sa katawan.
Ito ang isa sa nagustuhan ko kay Weston, ngunit palagay ko ay hindi ko pa siya lubos na kilala.
“Hindi ba itatanong sa akin si Sonia? Baka nag-iisip ka.”
“No, past is past. Kung sino man siya ay sabihin mo na lang na may asawa ka,” bulong ko na ikinakagat ng kaniyang labi. “Baby, I want to kiss you right now.” Parang isang anghel na boses ang kaniyang ibinulong sa aking tainga na animo’y nagpakiliti sa aking katawan.
Napahagikgik ako nang marinig kong umayos ng upo ang aking kapatid.
“PDA, ha? May katabi kayong maganda, oh! Respect me, please…” Imbis na mapangiti ako lalo ay nawala iyon sa boses ng aking kapatid. Kaya’t nang makarating na kami sa bahay ay sinalubong na agad kami ni manang.
“Ang laki-laki mo na! Ang ganda-ganda pa!” Bati ni manang sa kaniya at yakapin ito. “Si manang naman! Tumanda ka na lalo, ah!” Nawala ang ngiti ni manang nang iyon ang sabihin sa kaniya.
“Pakilagay na lang po sa kwarto ko, manang.” Sabay bigay kay manang ang maleta niyang pink. Tumaas ang tingin ni manang sa akin at siniko ko na lamang si Weston. “Pasuyo naman-”
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang mahawakan na ni Weston ang maleta ng aking kapatid.
“Ako na ang maghahatid nito sa kwarto mo.” Saka siya naglakad nang hawak-hawak ang maleta. “Wow! Thank you! Wait lang!” sunod naman ni Anthonet sa kaniya na sinundan ko lamang ng tingin.
Hindi ko alam kung ano ba ang pakiramdam na ito. Hindi ba’t iyon naman ang sasabihin ko sa kaniya? Ang iakyat ang maleta ni Anthonet? Pero bakit may kung ano sa sarili ko ang naiinis at nasasaktan.
“Hindi na ata si Anthonet ang nasundo mo, Leveste,” bulong ni manang sa akin nang mamuo ang luha sa aking mga mata. “Oh? Bakit ka naluluha?” Agad naman na tanong ni manang sa akin nang ngumiti ako.
“N-narito… narito na po si bunso,” sagot ko. Hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit para akong nalulungkot nang hawakan ni manang ang braso ko. “Matagal mo talagang hinintay ang kapatid mo…” Ayos pa ni manang sa aking buhok.
Sinundan ko ang tingin ko sa kanila na ngayon ay naglalakad paakyat ng hagdan.
“Hindi mo ba sila susundan sa itaas?” tanong naman ni manang sa akin. “Iaayos ko lang po ang kakainin at baka nagugutom na po si Anthonet,” sambit ko at umiwas ng tingin. Naglakad ako palayo mula sa gawi ni manang at tumungo sa kusina.
Nahihilo ako…
Kumuha ako ng tubig mula sa ref at agad iyong ininom. Masyado lamang siguro akong napagod kaya nahihilo ako. Bumigat na rin ang aking paghinga na hindi ko alam kung para saan at bakit.
“Nasaan po si Leveste?” rinig kong tanong ni Weston sa kasambahay nang magsalita ako. “Narito ako!” sigaw ko at agad na hinawakan nanaman ang ulo ko. Pinikit-pikit ko ang aking sarili at nang makita ko si Weston na papalapit sa akin ay dali-dali siyang humawak sa aking braso. “Are you okay? May masakit ba sa ‘yo?” sunod-sunod ang tanong niyang ikinalayo ko.
“Y-yeah… nahilo lang ako sa byahe,” wika ko na sa tingin ko na dahilan kung bakit. “Upo ka muna… naakyat ko na ang gamit ng kapatid mo.” Inayos niya ang upuan at dali ko naman inupuan iyon.
Naubos ko na rin ang tubig ko bago pa bumungad si Weston sa akin. Sandali lamang ng masdan ko siyang kumuha ng tubig ref.
Lumapit siya sa akin habang hawak ang isang baso ng tubig at halikan ang noo ko na aking ikinapikit.
“Aakyat muna ako saglit at ibibigay ko lang itong tubig sa kapatid mo,” paalam niya. Nang madilat ko ang aking mga mata ay ito nanaman ako sa pag-iisip.