Hindi makapag-concentrate si Alta sa pinag-aaralang libro. Tungkol iyon sa mga kasaysayan ng iba’t ibang ng mga rojo. Kasama iyon sa dapat pag-aralan niya bilang bagong rojo para bigyan din niya ng respeto at maintindihan ang pinagdaanan ng mga naunang sanguis. Ilang araw na mula nang sabihin niya kay Kristian na mahal niya ito. Halatang iniiwasan siya nito. Hindi naman niya ipinipilit dito ang sarili niya. Okay lang na hindi siya nito mahalin. Ang gusto lang naman niya ay mahalin ito ngunit pati iyon ay ipinagkait nito sa kanya. “Alta?” magkasalubong ang kilay na untag sa kanya ni Eskaya, ang bunsong anak nina Lupita at Pinunong Kaptan. “May problema ba?” Ito ang tagapag-ingat ng mahahalagang aklat at datos ng mga angkan. Hindi niya ito madalas makausap dahil mas gusto pa nitong magb

