"The new de Angelis is hot. Look at that body." Biglang lumingon si Kristian sa lalaking nagpa-practice ng arnis sa tabi niya. Galing ang mga ito sa angkan ng Romanov subalit wala sa practice ang atensiyon ng mga ito kundi sa kay Alta na nasa isang bahagi ng martial arts training area at nagpa-practice ng cappoiera. Nakasuot ito ng gray sando na basa na sa pawis at jogging pants. The sweat accentuated her pert breasts. Napaka-graceful din nito habang sumasayaw subalit iyon din ang pambungad nito sa pakikipaglaban. Her braid added more sexiness to her moves. Nandoon siya para sa aikido training niya kay Hideo. Pero lumipad na ang training sa utak niya dahil gusto niyang panoorin na lang ito. He was attracted to her before. Pilit niyang iniiwasan ito pero ngayon ay mukhang lalo siyang mah

