“Bakit naman ayaw mong pakasalan si Kristian? Siya ang destiny mo. You are meant to be together. Kaya ka nga niya nagawang iligtas mula sa dominare mo dahil ang lalaking nakatadhana lang sa iyo ang mas makapangyarihan kaysa sa bampirang lumikha sa iyo.” Sinapo ng tiyahin niyang si Olivia ang dibdib at suminghap. “That is so romantic. Pangarap ng kahit sinong babae na pakasalan siya ng lalaking mahal niya at ng lalaking nakatadhana sa kanya. Hindi lahat ng bampira ay kasing swerte mo. Sana nga makita ko ring ikasal si Rafflesia. Wala nang gustong manligaw sa kanya dahil lahat hinahamon niya ng suntukan.” Nanlumo si Alta nang marinig ang pahayag ni Olivia at malungkot na pinagmasdan si Rafflesia na behave na behave matapos ma-grounded nang buong isang buwan. Iniikot lang ni Rafflesia ang

