TAHIMIK na umiiyak si Alta habang nakaupo sa tabi ng hot spring. Umaga noon at mag-isa lang siya doon. Bugbog na bugbog ang puso niya matapos ang pag-uusap nila ni Kristian tungkol sa pagpapakasal. “Responsibilidad? Ako pa ang walang alam sa responsibilidad ngayon? Ako pa ang mali? Ako pa ang iresponsable? Hindi ko naman gusto ang ganitong buhay! Hindi ko pangarap magpakasal sa lalaking ‘di ako mahal! Na kailangan lang makipag-s*x sa akin dahil sa responsibilidad? Gago ka! Hindi ko alam bakit mahal pa kita!” Umalingawngaw ang boses niya sa buong kagubatan at nag-echo iyon. Nabulabog marahil niya ang mga ibon at mga paru-paro. Wala namang ibang makakarinig sa kanya dahil may kalayuan iyon sa mansion at tulog pa ang mga rojo. Ano ngayon kung marinig ng mga ito? Mabuti na rin na malaman

