Tumayo siyang bigla sa kinauupuan at luminga sa paligid. Si Homer iyon. Sumasal ang kaba sa dibdib niya. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang takot lalo na’t naalala niya kung paano siya nito ginawang sanguis samantalang itinuturing niya itong matalik na kaibigan. Akmang puputulin niya ang tawag nito nang muli itong magsalita. “Huwag mong tangkaing i-cut ako. Baka pagsisihan mo. Akala mo ba naprotektahan mo na ang sarili mo dahil magpapakasal ka na sa iba at malakas ka? Sa akin ka pa rin, Alta. At oras na gumalaw ka ng mali o balewalain ako, susugod ang mga umbra na pagala-gala sa park at wala kang magagawa para maprotektahan ang mga inosente.” “Anong kailangan mo?” mariin subalit mahina niyang tanong. “Ikaw. May naghihintay na black van sa iyo sa labas.” Ibinigay nito ang

