PABALIK-BALIK ng lakad si Kristian habang nasa security headquarters sa main mansion ng Valle. Kaharap niya ang lahat ng council habang naghihintay sila ng update kay Alta. Lumipas na ang buong maghapon at magdamag subalit hindi pa rin sila nakakakuha ng kahit anong balita. “Sugurin na natin ang kuta nila. Kung saan man ‘yon!” aniya at iwinasiwas ang kamay. He felt helpless. Nasa gitna siya ng meeting nang makatanggap siya ng tawag na basta na lang itong nawala sa Enchanted Kingdom. In-activate nito ang tracker nito na nasa singsing ngunit natagpuan nila iyon sa isang grupo ng teenager na papasakay ng carousel. Napulot lang daw ng mga ito ang singsing sa parking lot. That means more trouble. Naipakita lang sa CCTV ang isang black na van kung saan kusang sumakay si Alta. Nang i-trace nila

