Nanginginig na ang buong katawan ni Alta sa sakit nang agising siya. Hinang-hina na ang katawan niya dahil sa kawalan ng pagkain o tubig man lang. Nanlalabo na ang mga mata niya at naghuhumiyaw na ang katawan niya sa sobrang gutom. Marahil ay dumadaing na rin ang anak niya sa gutom. Nakuyom niya ang palad at pinagmasdan si Grazilda na nahihimbing sa sofa. Parang isa itong masarap na pagkain na naghihintay lamang na tikman niya. Bahagyang nakabukas ang sugat sa balikat nito, sapat para maamoy pa rin niya ang dugo nito. Lalong lumakas ang tawag ng dugo sa kanya habang patagal ng patagal ang pagkalam ng sikmura niya. Naramdaman niya ang paglabas ng pangil niya at bumaba ng kama. Kailangan lang niya ng ilang patak ng dugo nito para mabuhay. Hinawi niya ang buhok nito at tiningnan ang dalawa

