Hindi maipinta ang mukha ni Kristian habang nasa loob ng restroom at nakatitig sa mga damit na ipinasusuot ni Fleur. Drat! It smells like crap. Anong naisip nito at ipinapasuot iyon sa kanya? Nang-aasar ba ito? Nagulat pa siya nang katukin nito ang pinto. "Hoy! Hanggang anong oras ka magbibihis diyan?" tanong ni Fleur at muling kinatok ang pinto. "Ito ba talaga ang isusuot ko? It stinks." "Wala akong oras sa mga pag-angal mo. O gusto mong iba pa ang magbihis sa iyo?" Sa loob ng ilang segundo ay bihis na siya. Hindi na niya maipinta ang mukha nang lumabas ng restroom. Fleur gave him an appreciative look. "Bagay na bagay sa iyo," anito at inayos ang collar sa leeg niya. "Boots na lang ang kulang at chain." He crinkled his nose at looked the black boots' direction. Nakalapag iyon sa baba

