CHAPTER 19- PAGTITIG

1547 Words
MARTINA Naabutan kong malamin ang iniisip ni Warren sa grocery store kung saan kami nagtratrabaho na dalawa. “Uy…” hindi nito namalayan ang paglapit ko sa kinaroroonan niya dahil nakisabay ako sa pagpasok sa isa sa mga regular na costumer ng store ng pumasok ito sa pinto. Halos manglaki ang mga mata nito sa gulat at hindi ko mapigilan ang matawa ng todo sa naging reaksyon niya dahil sa ginawa ko. “Muntik ng nalaglag ang puso ko sayo ah. Ginulat mo ako.” Nakangiti na nitong sabi sa akin. Wala na ang kanina lang ay malungkot nitong hitsura. “Ang seryoso mo kasi ih. May problem aba? Ang aga-aga mukhang ang lalim ng iniisip mo.” Kumento ko pa. Hindi agad nakasagot si Warren sa tanong ko at kinailangan nitong suklian ang customer ng magbayad ito ng isang libong piso para sa binili nitong softdrinks at isang chocolate. Sinamantala ko naman ang oras na iyon para iayus ang dala kong bag sa isang tabi malapit sa counter at ito na ang kinasanayan kong puwesto ng mga gamit ko dati pa. “Wala nuh, may naisip lang ako bigla kaya naabutan mo akong nakatulala.” Pagtanggi nito sa una kong sapantaha. “Tsssk. Huli na ih, lulusot pa.” Napangiti uli ito ng marinig nito ang sinabi ko. “Kumusta si Tay’ Antonio?” pag-iiba nito ng topic. Nilingon ko siya saglit habang inaayus ang ilang mga grocery na naipon na naman sa counter. “Okay naman siya, medyo nakakabawi na siya ng lakas.” Positibo kong sagot sa kanya kahit na walang kasiguruhan kung hanggang kailan ang ganoong kondisyon ni tatay. Umaasa na lang ako sa dasal na kahit papaano ay magiging okay ang kalagayan ni tatay at tinitingnan naman ito ng doctor. “Medyo dumadalas ata ang punta ng doctor ni Tay’ Antonio sa bahay nyo.” Bigla ay sabi ni Warren sa mababang boses. Naging dahilan iyon ng muli kong pagsulyap sa gawi niya. Marahil ay napansin lang nito ang pagiging malapit ni Doctor Yohann kay tatay dahil na rin dati pa nagkakilala ang mga ito. “Binibisita lang niya si tatay kaya dumadaan siya sa bahay nitong nakaraang mga araw.” Mabilis kong sagot sa kanya. Hindi ko naman pwedeng ipagtabuyan si Doctor Yohann at sabihing huwag na itong pumunta sa bahay namin at kahit saang anggulo mo tingnan ay mali ang gawin ang bagay na iyon. “Baka hindi lang si Tatay Antonio ang gusto niyang bisitahin sa bahay nyo.” Napatitig ako ng wala sa oras sa mukha ni Warren dahil sa sinabi nito. Saan kaya nito nakuha ang ganoong idea at nasabi nitong may iba pang gustong dalawin si Doctor Yohann maliban kay tatay? Napailing ako pagkatapos. “Ano ba yang pinagsasabi mo, Warren?” kunwari ay hindi ko naintindihan ang pahaging nito. Saglit din akong tinitigan ni Warren dahilan kung bakit nagkatitigan kami ng ilang segundo. “Wala…” maikli nitong sagot saka napabuntong hininga. Lumipas ang ilang oras at hindi na muling nagkuwento pa si Warren tungkol sa huli naming pinag-usapan kanina tungkol kay Doctor Yohann. Kung may itatanong lang ito tungkol sa mga supplies saka ito magtatanong o magsasalita. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon bigla ng isang malaking harang na pader sa pagitan naming dalawa simula ng pag-usapan namin ang tungkol kay Dr. Yohann kanina. Hindi ko na lang siya pinansin at alam ko namang kakausapin din niya ako mamaya kapag okay na ito at hindi busy. Pareho kaming napalingon na dalawa ng tumunog ang pintuan at kasabay nun ang pagkalasing ng chain na nakasabit din sa pinto kaya talagang mapapatingin ka. Napaawang ang mga labi ko ng makita kung sino ang taong nakatayo ngayon sa tabi ng pinto matapos nitong buksan ang glass door ng store. Hindi katulad ng nakasanayan kong suot nito na office suit na long sleeve at pants, ngayon ay parang nag-iba ito ng pagkatao sa paningin ko. Nakasuot ito ng shirt na kulay gray na hapit sa katawan nito kaya nakabakat halos sa suot nitong damit ang mga muscle sa braso nito. Pati ang malapad nitong balikat at maliit nitong tiyan na halatang puro abs din ay hindi nakaligtas sa paningin ko. Ka partner nito ang isang khaki pants na kulay puti na hapit din sa malalaki nitong hita. Nakasuot din ito ng mamahaling rubber shoes kaya talagang hindi ko matanggal agad ang mga mata ko sa hitsura niya ngayon. Napatingin lang ako sa gawi ni Warren ng malakas itong tumikhim at saka sunod niya akong tiningnan ng pahapyaw na para bang sinasabing, obvious na obvious naman ang pagtitig ko bagong dating na customer namin. Nakita kong unti-unting naglakad si Dr. Yohann papalapit sa kinaroroonan namin ni Warren kaya medyo nag-alangan pa ako kung ano ang dapat kong gawin ng mga sandaling iyon. Bigla akong binundol ng kaba ng sa wakas ay makalapit ito sa puwesto namin ni Warren na malapit sa cashier. Wala akong makapang emosyon kay Warren habang nasa harapan namin ngayon si Dr. Yohann, samantalang ako ay may kakaibang kaba na nararamdaman sa tuwing mag tatama ang mga mata naming dalawa. “Good morning…” narinig kong bati niya sa amin ni Warren, pero obvious naman sa akin siya nakatingin habang bumabati ito. “G-good morning po doc…” nauutal kong sabi sa kanya. Hindi nagsalita si Warren kaya ako na an unang bumati sa kanya. “Naka istorbo ba ako sa trabaho ninyo?” salitan kaming tiningnan ni Warren ng sabihin iyon ni Dr. Yohann. Katulad kanina ay hindi na naman nagsalita si Warren kaya naobliga akong sumagot at nakakainis na’tong katabi ko. Feeling mo ay may kaaway ng kaaway at parang hindi maipinta ang mukha, samantalang wala namang sinasabing masama si Dr. Yohann sa aming dalawa. “Hindi naman po doc…may sasabihin po ba kayo tungkol kay tatay?” naisipan kong tanungin siya at talaga namang nagulat ako sa bigla niyang pagsulpot sa trabaho ko at malamang na may kinalaman kay tatay kung bakit ito nasa harapan namin kaya nilakasan ko na ang loob ko na tanungin siya. “Actually may importanmte akong gustong sabihin tungkol kay Mang Antonio kaya gusto sana kitang makausap.” Sagot niya na kinabundol naman ng dibdib ko sa kaba. Pagdating sa kalagayan ni tatay ay hindi ko kayang basta ito baliwalain. Si Dr. Yohann lang ang makakapitan namin ngayon sa pagpapagamot kay tatay kaya kailan kong malaman ang lahat tungkol sa sinasabi nitong dapat kong malaman. “A-no po iyon doc?” kinakabahan ko pa ring tanong sa kanya. “Can we talk in other place? Baka kasi maka istorbo tayo sa mga customer kung dito tayo mag-uusap sa mismong trabaho mo.” At sakto naman na may dalawang taong pumasok ng store at tumingin ng mga tinda. Binalingan ko si Warren para hingin ang pagsang-ayon nito at kahit na hindi ito magsalita ay alam kong may problema ito sa narinig nitong pagpapaalam ni Dr. Yohann para makapag-usap kaming dalawa tungkol sa kalagayan ni tatay. “Sige na Tin, makipag-usap ka na sa kanya para malaman mo ang tungkol sa kalagayan ni Tay Antonio. Ako na ang bahala dito.” Napangiti ako ng lihim sa sinabi iyon ni Warren, at least ay alam nitong magtago ng inis sa mga sitwasyon na katulad nito. Pero ang hitsura nito ay halatang hindi masaya sa sinabi nito. Nagkibit balikat na lang ako at hindi pansinin ang naging reakyon niya. Ang buong akala ko ay hindi ito papayag at titingnan ng masama si Dr. Yohann pagkatapos. Ilang sandali nga ay hawak ko ang isang wallet na naglalaman ng cellphone ko at kaunting pera. Pinagbuksan pa ako ni Dr. Yohann ng pinto para makalabas. Tinuro nito ang isang kulay maroon na kotse na alam kong pag mamay-ari nito. Katulad kanina ay pinagbuksan niya ako ulit ng pinto saka inalalayang makaupo sa loob nito. Pagkaupo ko pa lang sa loob ng kotse niya ay bumungad na agad sa akin ang mabangong amoy nito sa loob. Aaminin ko na hindi ako ganoon kadalas na makasakay ng kotse dahil mahal ang pamasahe kung mag tataxi ako pauwi o papunta sa trabaho kaya kung talagang kailangang kailangan lang talaga saka ako sumasakay ng taxi. Hindi tuloy ako pamilyar sa ganitong sasakyan at maging sa mabangong amoy nito. Magara ito at halatang mamahalin kaya nahihiya ako at baka umamoy ang pawis ko sa loob nito. Pasimple ko pang inamoy ang ibabaw ng damit ko na suot na mabango naman dahil sa cologne na ginagamit ko araw-araw pagkatapos maligo. Nang makaupo na ito sa loob ng sasakyan, sa mismong driver’s seat ay tiningnan ko kung paano ito magmaniobra ng sasakyan na parang sisiw lang dito. Walang kahirap hirap nitong pina usad ang kotse na sinasakyan namin hanggang sa tuluyan na kaming makalayo sa grocery store na pinagtratrabahuhan namin ni Warren. Habang nasa biyahe kami ay nagtaka ako at medyo malayo ata ang lugar na pupuntahan naming dalawa para mag-usap. Marami naman fast food chain o milktea shop kaming nadaanan na pwede itong huminto para makapag-usap kami pero hindi ito nag abalang ihinto ang kotse nito. Naghintay ako na sabihin niya kung saan talaga kami pupunta ng bigla ay binaling nito ang kotseng sinasakyan namin sa isang restobar Quezon City at hindi ko napigilang mapatingin sa gawi ni Dr. Yohann pagkatapos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD