MARTINA
“Ha?” gulat kong tanong kay Warren ng makabalik ito galing ng cashier area.
Bayad na daw ang bills namin at wala na itong binayaran pa na pinagtaka namin pareho. Nang tanungin naman daw nito ang staff na naka assigned doon ay hindi na sinabi kung sino ang mabuting tao na nag nag-ayus ng bayarin namin sa hospital.
Ang bilin na lang nito ay maaari na kaming umuwi kapag ayus na ang mga gamit namin.
Laking pasalamat ko na nabasawasan ang alalahanin naming mag-ama sa bayarin dito sa hospital.
Maging si Warren ay hindi makapaniwala na may isang tao na tutulong sa aming mag-ama sa mga bayarin namin sa hospital.
“Kung sino man ang mabuting tao na tumulong sa atin anak, pagpalain sana siya ng Diyos.” Hindi napigilang sabi ni tatay ng marinig nito na maayos na lahat ng bayarin namin dito sa hospital at makakauwi na rin kami sa wakas.
Naging maayos naman ang sumunod na mga araw ng makauwi kami sa bahay.
Kahit papaano ay naalagaan ko si tatay ng maayos. Nagpalaam din ako sa amo ko na isang lingo akong hindi makakapasok habang inaalagaan ko si tatay at naintindihan naman nito ang lakagayan naming mag-ama.
Buti na lang talaga at naka back-up palagi sa likod ko si Warren. Siya ang nagsisilbing armor ko sa ngayon, sa lahat ng mga kailangan kong pagdaan na hirap kasama si tatay.
Bukas ay naka sched na bumalik si tatay sa hospital para sa check-up. Iyon ang mahigpit na bilin daw ng doctor na tumingin kay tatay habang nasa hospital ito.
Kailangan nitong makita kung nagtuloy-tuloy ang magandang kundisyon nito ng umuwi na ito sa bahay namin. Naiintindihan ko naman ang gusto niyang mangyari.
Siguro ay hindi lang ako kumportable na masilayan ang guwapong doctor na tumulong kay tatay para bumuti muli ang kalagayan nito na pinaktaka ko rin.
Parang palagi na lang na may kakaiba sa mga titig nito sa tuwing magsasalubong ang mga mata namin.
Hindi ko tuloy alam kung may mali ba sa hitsura ko at ganun ito makatingin. Hindi ko na lang pinansin at mas mahalaga sa akin ang kalagayan ni tatay ng nasa hospital ito.
Bahala na. Ang kailangan ko ay maipa check-up si tatay para gumaling ito. Hindi ko dapat isipin pa ang ibang bagay o tao katulad ni Doctor Yohann Revaz.
***
Kinabukasan ay maaga kaming gumayak ni tatay para magpunta sa hospital. Noong una ay ayaw pa niyang pumayag at ayus naman daw ang pakiramdam niya.
Pero ng ipaliwanag ko sa kanya na kailangan ang follow-up check up ay naintindihan naman nito ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang pagpilit ko sa kanya na magpatingin ulit sa doctor.
Nang dumating kami sa mismong hospital ay tinanong ko muna kung nasa mismong office na si Dr. Yohann at sinabi ng staff sa information desk na kanina pa kami nito hinihintay.
Inalalayan kong maglakad si tatay hanggang sa makasakay kami ng elevator papuntang opisina ni Dr. Yohann.
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa mismong pinto nito. Nagtinginan pa kami ni tatay bago ako magpasyang kumatok ng tatlong beses at buksan ang pinto.
Pag bukas ko ng pinto ay agad na nagtama ang mga mata namin ni Dr. Yohann na saktong nakatingin sa pinto na kasalukuyang ko ngayon sinasarado.
Malamig ang aircon sa loob nito na bahagyang kinataas ng mga balahibo ko sa balat.
Isang ngiti ang sumilay sa guwapong mukha nito ng makita si tatay na kasunod ko. Napalunok ako gamit ang sarili kong mga laway dahil sa kabang nagsimula na namang mangibabaw sa puso ko ng mga sandaling iyon.
“M-magandang araw po doc…” kinakabahan kong bati sa kanya. Hindi nito inaalis ang tingin sa akin at maging kay tatay na parang may iniisip na malalim sa pagkakita kay Dr. Yohann.
“Good morning Martina, at sayo Mang Antonio.” Bati nito sa amin pareho ni tatay. Napatingin pa si tatay sa akin pagkatapos.
“Have a seat.” Yaya nito sa amin. Tinulungan kong makaupo si tatay at saglit lang ay maayos na itong nakaharap sa doctor nito.
“Pasensya na po doc kung late kami.” Naghintay pa kasi kami ng pampasaherong jeep. Hindi ko naman gustong doon sumakay kaya lang ay wala naman akong magagawa at tinitipid ko ang binali kong pera sa trabaho para may pambili kami ng pagkain na mag-ama.
“It’s okay.” Sagot niya sa akin. Saglit niya akong sinulyapan saka binaling ang tingin kay tatay. “Kumusta po ang pakiramdam nyo, Mang Antonio?” nakangiti pero seryosong tanong nito kay tatay.
“Ayos naman po ang pakiramdam ko doc. Hindi na nga sana ako babalik para sa follow-up check ko ngayon at mabuti naman ang pakiramdam ko. Kaso itong anak ko,” sinulyapan ako ni tatay saglit saka muling nagsalita. “…ang mapilit.”
“Tama po ang ginawa ni Martina na pagsama sa inyo dito sa hospital para sa check -up.” Sabi ni Dr. Yohann.
“W-wala kasi kaming malaking pera para sa gamutan ko, doc.” Nahihiyang sabi ni tatay sa harap ng doctor nito. Ako man ay biglang nakaramdam ng awa sa sarili ko dahil sa katotohanang wala akong magawa para sa nag-iisa kong magulang na kasama ngayon sa buhay.
“Huwag nyo na pong intindihin ang tungkol sa pagpapagamot ninyo, Manong Antonio.” Bigla akong napalingon sa harapan namin na ngayon ay nakaupo ang doctor na kausap namin.
“Ano pong ibig ninyong sabihin doc?” tanong ni tatay sa mabagal na salita. Naglakas na ito ng loob na tanungin ito.
“Totoo po ang narinig nyo, wala po kayong dapat na intindihin sa bayad o pambili ng gamot nyo sa tuwing magpapagamot kayo dito sa hospital. Libre na po ang lahat.” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko mula sa guwapong doctor na kausap namin ngayon.
Tama ba ako ng dinig? Hindi na kailangang magbayad ni tatay ng consultation at gamot sa tuwing magpapa check-up siya sa hospital na ito?
“Hindi nyo po ba ako natatandaan, Manong Antonio?” mayamaya ay sunod na tanong nito kay tatay. Saglit na kumunot ang noo ko sa tanong nito at sunod kong binaling ang tingin ko kay tatay para marinig ang sagot nito.
Ilang sandali kaming naghintay sa sagot niya pero isang iling lang ang sinagot nito.
“Pasensiya na pero hindi ko matandaan kung saan tayo nagkita o nagkakilala.” Paumanhing sabi ni tatay na kinangiti naman ni Dr. Yohann.
“Kilala nyo po ba si Tiyo Andres?” banggit nitong pangalan. Nang marinig nito ang pangalan na sinabi ni Dr. Yohann ay nag-angat ng ulo si tatay at parang nabuhayan ng loob.
“O-o…kilala ko siya. Matagal ko siyang naging kaibigan sa lugar kung saan ako dati nagtitinda ng lutong ulam at kanin.” Sabi ni tatay.
“Hindi nyo po ba natandaan ng minsan nyo akong pinakain sa karenderia ninyo at pinag-uwi nyo ako ng lugaw para kay Tiyo Andres?”
Unti-unti ay lumilinaw kay tatay ang mga pangyayari na naganap kung saan una nitong nakita ang doctor na kausap namin ngayon.
Ako naman ay hindi ko masabing nakita ko siya minsan sa karinderya namin dati. Sa tagal na rin siguro ng panahon ay baka talagang nakalimutan na ni tatay ang dating hitsura ni Dr. Yohann dati.
“Naalala na kita hijo. Ikaw ba ang pamangkin ni Andres?” hindi makapaniwalang tanong nito kay Dr. Yohann. Nakita ko itong tumango habang nakangiti ito kay tatay.
“Ang laki ng pinagbago ng hitsura mo dati hijo sa hitsura mo ngayon kaya hindi kita naalala agad.” Paliwanag nito at saka nagkuwentuhan ang dalawa sa harap ko.
Manghang tinitigan ni tatay si Dr. Yohann pagkatapos at hindi makapaniwalang isa na itong mahusay na doctor.
Nagtawanan pa ang dalawa ng sabihin ni tatay ang ulam na pinakain nito kay Dr. Yohann ng araw na iyon na walang-wala itong makain. Pati ang lugaw na pinauwi nito sa tito ni Dr. Yohann na hindi na raw nakain ng tiyuhin nito dahil pagdating nito sa bahay ay binawian na ito ng buhay.
Hindi matapos ang kuwentuhan ng dalawa habang sinasabay na ang pag check-up nito kay tatay. Manaka-naka ay nakikita kong nakatitig sa akin si Dr. Yohann at ngingiti pagkatapos. Ako naman ay parang napapaso sa mga titig na ginagawa nito na hindi man lantaran pero nakakadagdag ng kaba sa puso ko.
“Oh paano po Tatay Antonio, next week ulit ay magkita tayo? Isama nyo po ulit si Martina para may mag-alalay sa inyo.” Nakangiting bilin nito kay tatay.
“Ako na lang siguro hijo ang babalik sa susunod na lingo. Itong kasing anak ko ay may trabaho at kailangan na rin niyang bumalik sa mga susunod na araw. Nakakahiya na rin kasi sa amo niya at kay Warren na pamangkin nito dahil matagal ng hindi pumapasok itong anak ko sa trabaho.” paliwanag ni tatay.
“Tay…” bawal ko sa ano pa mang sasabihin nito sa harap ng doctor na dati nitong tinulungan.
“Ganun po ba.” Parang hindi nito nagustuhan ang sinabi ni tatay at biglang nag-iba ang mood nito.
“Oo hijo. Oh, kung hindi man makasama itong anak ko, si Warren na lang ang pakikiusapan ko na sumama sa akin para itong si Martina ko ang tatao naman sa grocery nila.” Dugtong pang paliwanag ni tatay kay Dr. Yohann.
Napatango si Yohann sa sinabi ni tatay at hindi na bumalik ang guwapo nitong ngiti pagkarinig pa lang nito na baka mag-isa na lang na makabalik si tatay sa susunod na lingo para sa check-up nito.
“Paki kumpleto na lang record data ni Mang Antonio para sa mga susunod pa niyang check-up.” Bigla ay naging seryoso ang boses at hitsura ni Dr. Yohann.
Alangan kong inabot mula sa kanya ang papel na inaabot nito sa akin. Nagsalubong ang mga mata namin at biglang huminto ang t***k ng puso ko.
Ang mga titig niya ay may dulot na kakaibang pakiramdam sa akin na hindi ko maipaliwang ang ibig sabihin.