CHAPTER 14- UNANG HAKBANG

1141 Words
YOHANN I've made my decision. Finally, ay nagkita na rin kami ni Mang Antonio ng mag pacheck-up ito sa hospital na pag mamay-ari ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapakita ang saya na naramdaman ko ng makita ang mag-ama paglipas ng maraming taon. He’s still the humble and quiet person I met before. Mabait pa rin ito at talagang hindi ako nagkamali ng tulungan ko siya. Nag-iba lang ang mood ko ng marinig ko muli ang pangalan ni Warren. He seems to be closed with him and Martina. Hindi ko alam kung selos ang naramadaman ko sa kaalamang iyon oh baka masyado lang akong umasa na pagkatapos ng maraming taon ay isang dalagang Martina pa rin ang makikita ko. Isang babaeng walang commitment. Iyon ang hiniling ng puso ko kung sakaling magkita kami sa hinaharap. Pero lahat ng iyon ay gumuho ng malaman kong may isang lalake na itong pinapangalagaan sa buhay. And it made me even hurt more just like how we separated years ago. Hindi ko gustong lumayo o umalis sa tabi ni Martina dati but our fate made that way na maghiwalay ang mga landas namin. Now that I have found her, I will do everything to make her…kahit imposible. I don’t know how, but my heart is more powerful now than my mind. I have all means right now to do what I want. Isang tawag ang narinig ko mula sa cellphone na nagpawaglit sa isipan ko kay Martina. “Hello.” Walang buhay kong sagot sa kanya. It was Bridgitte. Kasalukuyan itong nasa London kasama ng mga kaibigan nito. Living her life to the fullest. Ang mga magulang nito ay may business trip sa U.S at next month pa ang balik. That’s how she's spending her life, buying expensive things and travel abroad. She has this life that every woman desires. Napapailing ako sa tuwing naiisip ko ang mga taong katulad niya. Nakukuha ang gusto, naibibili ang nais at lahat ng iyon ay dahil sa perang taglay ng pamilya nito. How lucky that woman. But even she has everything, I didn’t see myself settle with her. “Is that how you speak after a week that we haven’t seen other, Darling?” malambing nitong sa akin. I smirked and then spoke. “How should I greet you, Brigitte? Tell me.” “At least pretend that you miss me." Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya at wala akong balak na gawin iyon. Nang mainip ito ay ito na mismo ang muling natanong. “I get it. But expect me that I will be around any time soon darling.” May halong pagbabantang sabi nito sa akin. I’m so sick and tired of pleasing her, understanding her. At hindi ko gustong gawin ang mga bagay na’yun. I needed to do that because of her parents. We don't have any relationship at all but she still doing this f*****g things to me. Nang hindi na ako nagsalita sa huli nitong sinabi ay kusa na itong nagbaba ng tawag sa kabilang linya. Naihagis ko ang sarili kong cellphone sa working table dahil sa inis. She ruined my day! MARTINA Nagulat ako ng pagbukas ko ng pinto ay may isang babaeng nakasuot ng uniform na pang nurse ang nasa labas. Wala akong matandaan na may pinapunta akong nurse sa bahay namin, at ng sipatin ko ang logo ng hospital na nakatahi sa uniform nito ay nakita ang logo ng hospital na pinaggagamutan ni tatay. Revas Hospital Nakangiti ang babae at parang hinihintay talaga niya ang paglabas ko mula sa loob ng bahay. “Sino po ang kailangan nila?” takang tanong ko sa kanya. “Pinadala po ako dito ni Dr. Yohann Revas para po alagaan at tingnan ang tatay nyo po na si Mang Antonio.” Saglit na napakunot ang noo ko pagkarinig sa sinabi ng babaeng nurse sa labas ng gate namin. Bakit naman magpapadala ng isang nurse ang doctor na tumingin kay tatay? Wala naman kaming pambayad para sa serbisyo nito. “Ah miss, pakisabi na lang kay Dr. Yohann na hindi namin kailangan ang mag-aalaga kay tatay. S-saka wala kaming pambayad sayo.” Prangka kong sagot sa kanya. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi nito kahit na sinabi ko ang huling bagay tungkol sa bayad sa serbisyo nito. “Naku Ma’am Martina huwag po kayong mag-alala. Hindi nyo po kailangan initindihin ang bayad sa akin at sagot po ng hospital ang serbisyo ko.” matamis ang ngiti nito sa akin samantalang ako ay gulong-gulo pa rin sa mga nangyayari. At wala na nga akong nagawa at pinapasok ko na lang siya sa loob ng bahay namin para matingnan daw nito ang kalagayan ni tatay. Pagpasok namin ng bahay ay katulad ko nagulat din si tatay ng makita ang nurse na kasunod ko. “Tay', isa po siyang nurse galing ng hospital na pinagpapagamutan mo.” Paliwanag ko sa kanya. “Nurse? Pinapunta mo ba siya, anak?” tanong ni tatay sa akin. umiling ako pagdaka. “Ammmm, excuse me Tatay Antonio. Hindi po ako pinapunta dito ni Ma’am Martina. Si Dr. Yohann Revas po ang nagpapunta sa akin dito sa bahay nyo para tingnan at alagaan po kayo.” Singit na paliwanag nito kay tatay. Napaawang ang mga labi ni tatay pagkarinig sa sinabi ng nurse na kasama namin ngayon. “Ang batang talagang iyon. Sinabi ko naman sa kanya na ayus lang ako. At saka wala kaming pambayad hija sa serbsiyo mo.” “Katulad po ng sinabi ko kay Ma’am Martina kanina, hindi nyo po kailangang intindihin ang bayad sa serbisyo ko po Tatay Antonio. Ang hospital po na pagmamay-ari ni Dr. Yohann Revas ang bahalang magbayad sa akin.” Saglit akong namangha sa huli nitong sinabi tungkol sa doctor na tinulungan ni tatay maraming taon na ang lumipas. Sa kanya pala ang hospital na pinuntahan namin? “S-sa kanya ang hospital na iyon?” mangha ring tanong ni tatay sa nurse. “Opo, sa kanya po iyon. May mga hospital din po siya sa ibang part ng Visayas katulad ng Cebu. Hindi po ba kayo aware na siya ang may-ari ng hospital na pinagpagamutan nyo?” nakita kong napailing si tatay at marahil ay nagulat talaga ito sa natuklasan nito tungkol sa taong tinulungan nito dati at ngayon nga ay siya naman ang tinutulungan. Maging ako ay namangha sa nangyaring malaking pagbabago sa buhay ni Yohann Revas. Marahil ay may mga taong tumulong dito para maabot ang buhay na mayroon ito ngayon. Hindi ko man siya personal na nakita o natandaan dati katulad ng naikuwento nito sa amin ay paniguradong mabuting tao ito. Ngayon pa lang na naisipan nitong tulungan si tatay bilang kabayaran sa kabutihang natanggap nito dati ay isa na iyon sa katunayan na hindi ito nakalimot sa mga taong tumulong sa kanya ng walang-wala ito sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD