CHAPTER 15- PAGTULONG

1073 Words
MARTINA Buong maghapon na nakabantay ang nurse na inutusan ni Dr. Yohann para tumingin kay tatay. Hindi ako makapaniwala at ngayon ay bigla na lang itong nagkaraoon ng makakasama. Namomoblema pa naman ako at si Warren kung sino ang maaaring mabantay kay tatay kapag pareho na kaming nasa grocery ulit. Ngayon nga ay nasagot na ang mga tanong namin ni Warren at iyon ay dahil kay Dr. Yohann. Kasalukuyang nakatingin si Warren kay tatay at sa nurse na nag-aalalaga dito. Malapit na itong umuwi at inaayos lang ang ilang gamit ni tatay sa isang box bago ito magpaalam na babalik na lang bukas. “Talaga bang si Dr. Revas ang nagpadala ng nurse para alagaan si Tatay Antonio?” hindi makapaniwalang tanong ni Warren sa akin. “Oo…” at pinaliwanag ko sa kanya ang dahilan kung bakit bigla-biglang nagpadala si Dr. Yohann ng isang mag-aalaga kay tatay dito sa bahay namin. “Ang suwerte pala ni Tatay Antonio kung ganoon. Sino ang mag-aakalang sa tagal-tagal ng panahon ay matatandaan pa siya ng taong tinulungan niya, fifteen years ago?” manghang tanong ulit ni Warren. Ako rin ay hindi makapaniwala sa malaking tulong na nangyari kay tatay dahil sa kabutihan niyang ginawa dati. Nagpapasalamat na lang ako sa Diyos na dumating sa buhay namin si Dr. Yohann Revas para tulungan kami sa mga gastusin at pagpapagamot kay tatay. “Tama ka. Malaking tulong na nagkita ulit si tatay at si Dr. Yohann. Hindi na kami mamomoblema sa mga gastusin niya sa hospital at sa iba pa niyang pangangailangan habang nagpapagaling. Iyon ang mahalaga.” Nakita kong umayos ng upo si Warren at bigla ay naging seryoso ang mukha nito ng titigan ako. “Bakit?” Curious kong tanong sa kanya. “Wala…masama bang titigan ka?” Nagsisimula na naman itong maging kuwela. “Tskkk! Hindi nga, nang-aasar ka naman ih.” Reklamo ko. “Bakit naman kita aasarin?” nakakaloko nitong tanong sa akin. Bukod sa asaran ay nagbatuhan na kami ng balat ng rambutan na kinakain namin kanina pa. “Ano ba!” Napahiyaw na ako dahil sa walang habas niyang pangbabato ng balat ng rambutan sa akin pati sila tatay at ang nag-aalaga dito ay napatingin na rin sa amin ni Warren. “Kayo talagang dalawa…” Naiiling na komento ni tatay. At nagpatuloy sa pang-iinis si Warren sa akin. Maging ang nag-aalaga kay tatay ay napangiti na rin dahil sa ginagawa naming kalokohang dalawa ni Warren. Kinabukasan ay hinintay ko ang mag-alalaga kay tatay na nurse bago ako pumasok sa trabaho. Nagkasundo rin kami ni Warren na papasok na ako sa trabaho para mabayaran ang binali kong pera na ginamit namin habang nasa hospital si tatay. Ang ilang personal na pangangailang ang siyang pinagkagastusan namin kaya kahit na nalibre si tatay sa pagpapagamot ay nangangailangan pa rin kami ng pera. Pinaliwanag ko naman kay tatay kung bakit kailangan ko ulit bumalik sa trabaho at mabuti ay naintindihan nito ang sitwasyon naming dalawa. Balak ko ding personal na magpasalamat kay Dr. Yohann at puntahan ito sa hospital. Malaking tulong ang ginawa nito na pagbibigay ng isang nurse na maaaring tumingin kay tatay habang nagpapagaling ito. Isasama ko na lang siguro ni Warren sa hospital para personal din nitong makilala si Dr. Yohann. “Jessy, ikaw na ang bahala kay tatay ah.” Bilin ko sa nurse na nag-alalaga kay tatay. “Opo, Ma’am Martina.” Muntik pa akong masamid ng ulitin na naman nito ang pagtawag sa akin ng ‘mam'. Sinabihan ko kasi siyang huwag na akong tawagin ng ‘mam’ pero hindi ito pumayag. Ako daw ang amo ng inaalagaan niyang pasyente kaya kailangan niya akong tawagin sa ganoong paraan. Wala na akong nagawa at sumang-ayon na lang ako sa huli. Kung doon siya magiging kumportable ay hinayaan ko na lang siya. Ang mahalaga naman ay gawin nito ng maayos ang trabaho nito at iyon ay nang alagaang mabuti si tatay. “Maaga naman akong umuuwi sa hapon kaya bago ka umalis ay nandito na rin ako.” Dagdag kong sabi sa kanya. “Okay po ma’am.” Nagpalitan na lang kami ng number na dalawa para maupdate niya ako kung may magiging problema kay tatay habang nasa trabaho ako. YOHANN I keep my eyes on Martina especially to her father. Gusto kong masiguro na magiging maayos ang pagpapagaling ni Manong Antonio kahit na nasa bahay lang ito nagpapagaling kaya kumuha ako ng isang private nurse para tumungin sa kanya. I don’t know kung kinatuwa ito ni Martina, buti knowing how she loves her father so much…sa tingin ko naman ay hindi nito mamasamain ang pagtulong na ginagawa ko sa kanilang mag-ama. I want her to feel that there’s a chance na makasama pa nito sa mahabang panahon ang ama nito. To live a simple life na kasama ito, iyon ang alam kong pinagdarasal ni Martina para sa ama nito. “How’s the treatment of Manong Antonio?” I asked Jessy. “Okay naman Doc. Yohann. Madali naman pong alagaan si Manong Antonio. Sa katunayan po ay kahit anong sabihin ko para mapabilis ang paggaling niya ay ginagawa nito.” Balita niya sa akin. “That’s good.” “Ah sir, kilala nyo po ba ang lalakeng kasama ni Ma’am Martina sa bahay bukod kay Manong Antonio? Halos araw-araw po kasing nandoon ito sa bahay nila at…” biglang kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jessy. I have this feeling that this person she’s talking about is Warren. Ito ang lalakeng kasamang nagbantay sa hospital ni Martina ng isugot si Manong Antonio. “Anong ginagawa niya sa bahay nila Martina?” putol ko sa sasabihin pa sana ni Jessy. Aside from helping Martina and her father, gusto ko ring makasiguro kung ano ang nangyayari sa buhay ng mag-ama kapag hindi kami nagkikita. Now, that I have all the chance to know whatever happens in their house, dapat ay malaman ko ang mga iyon. “Ummmmm, usually po sa hapon sila sabay na dumarating sa bahay nila Ma'am Martina. Doon din po kumakain palagi ng hapunan ang lalakeng kasama nila Ma’am. Sa umaga naman po ay sinusundo noong guy si Ma’am Martina para sabay silang pumasok sa trabaho.” Mahabang paliwanag nito sa akin. Damn that, Warren! At ginagawa talaga nito ang lahat para maging malapit sa mag-ama. I don’t f*****g care kung ito ang naunang naging kaibigan ni Martina, ang mahalaga ay ako ang unang nakilala sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD