CHAPTER 16- PARAMDAM

1251 Words
Martina Unti-unti ay nakakabalik kami sa normal na buhay ni tatay dahil na rin sa tulong ni Dr. Yohann at ng nurse na pinadala nito sa bahay namin. Hindi ko akalaing sa ganoon itong paraan tatanong ng utang na loob. Mabuti na lang talaga at sa hospital na iyon namin nadala si tatay ng gabing sinugod namin siya. Kung hindi ay naghihikahos pa rin kami sa perang pangbayad sa hospital ngayon. “Kain tayo ng ihaw-ihaw, Tin?” Narinig kong yaya ni Warren habang nag-aayos ito ng ilang paninda na nagulo sa istante. Napalingon ako sa kanya pagdaka. “Puwede naman kaya lang saglit lang tayo at alam mo namang kailangan kong alagaan si tatay pagdating sa bahay.” Paalala ko sa kanya. Bahagya itong napangiti at saka muling nagsalita. “ Opo, para ka namang teenager kung umasta. Mag iihaw-ihaw lang tayo hindi tayo kung saan pupunta.” Reklamo nito. Napairap na lang ako sa tinuran niya at talagang mapang asar ang isa na’to kahit kailan. Katulad ng kinagawian namin ay sabay kaming nagsasara ng tindahan sa hapon. Pagkatapos ay maglalakad lakad kami sa gilid n kalsada hanggang sa makakita kami ng jeep na sasakyan. Ngayon araw ay medyo nagtagal kami sa paglalakad at naghanap pa si Warren ng masarap na bilihan ng iha-ihaw. Hindi talaga ito mapipigilan sa gustong gawin kaya hinayaan ko na lang siya. “Masarap di’ba?” ngumunguyang tanong ni Warren sa akin. Napatango ako at kumagat ng manipis sa isang barbeque na binili niya sa akin. “Tama ka, masarap nga ang ihaw-ihaw dito.” “Bukas, balik ulit kayo ditong mag jowa ah.” Sabay kaming napatingin ni Warren sa tinderang lalake na nakabihis pangbabae naman. Napaismid si Warren sa sinabi nito at saka ako saglit na sinulyapan. “Hindi kami mag jowa.” Agap kong sagot dito. Baka kasi kung anong sabihin ni Warren at hindi man lang ako nagreklamo sa sinabi ng nagtitinda. “Sus, hindi pa nga kayo mag jowa sa ngayon…pero bukas panigurado magka akbay na kayong bibili ulit dito sa tindahan ko.” Napangiwi ako sa sinagot niya sa sinabi ko. Kahit ano atang paliwanag ang gawin ko ay hindi ito maniniwala. “Pagkatapos lang ang ilang buwan, ayun madadagdagan na naman ang populasyon ng Pilipinas nyan.” Saka ito pagak na tumawa. Muntik na akong masamid sa mga pinagsasabi ng isa na’to. Kung hindi lang masamang magtaray ay baka napatulan ko na siya dahil sa walang habas nitong dila. Muli kong tinitigan si Warren na para bang nanghihingi ako ng tulong dito at ipagtanggol naman niya kami sa mga paratang ng taong nasa harap namin pero isang ngiting nakakaloko lang ang binigay niya sa akin. Nawalan na ako ng gana na dumalawa pa ng kain sa ihaw-ihaw na’yun. Hindi ko na rin nilasahan pa ang mismong kinakain ko dahil sa nangyaring pang aalaska sa amin ng gay na tindera na iyon. Oh baka naman hindi lang ako sanay sa ganoong uri ng usapan at wala naman kasing akong naging kaibigan na na kabilang LGBT community. “Okay ka lang ba, Tin?” mayamaya ay tanong ni Warren sa akin ng nag-aabang na kami ng jeep na sasakyan papauwi. Nakasanayan na kasi nitong ihatid pa ako sa bahay namin ni tatay saka ito doon kumakain ng hapunan at wala naman daw itong kasama sa apartment na inuupahan nito pag uwi sa gabi. "Oo naman, okay lang ako." kunwari ay hindi ako apektado sa mga sinabi pang ibang bagay ng tindera ng ihaw-ihaw na kinainan namin. “Huwag munang isipin ang mga sinabi ng tindera kanina sa atin, nagbibiro lang yun.” Saglit ko siyang tinapunan n tingin at saka muling binalik ang mata sa kalsada. “Oo naman hindi ako napikon sa kanya, promise.” Halos sa ilong ko lumabas ang huling sinabi ko. “Ows…parang namula ka nga kanina ng banggitin niya ang pagdagdag na naman ng populasyon ng Pilipinas ih.” Asar pa nito sa akin. Hindi talaga makukumpleto ang araw nito na hindi ako inaasar. “Warren, alam ko namang hindi mo seseryosohin ang sinabi ng tindero na yun nuh.” Paninigurado ko sa kanya. Hindi agad sumagot si Warren sa sinabi ko at hinintay ko lang siyang magsalita. “Paano kung totohanin ko ang sinabi niya? Ang ligawan kita at pagkatapos ay…” sinadya nitong bitinin ang huli nitong sinabi kaya napakunot ang kilay ko. “Lubayan mo ako Warren sa mga banat mo, okay?” masungit kong sabi sa kanya na kina ismid lang nito. “Tsssk! Tara na nga at pati ilong mo umuusok na sa galit.” Sunod nitong sabi sabay hawak sa kamay ko para yayaing umakyat sa nakahintong jeep sa kalsada. Nang naglalakad na kami ni Warren malapit sa bahay ay patuloy pa rin ito sa pang-aasar sa akin. Wala itong bukang bibig kung hindi umuusok na raw sa galit ang ilong ko natotoo naman. Nagpipigil lang akong ihampas sa kanya ang isang buong litsong manok na binili nito para sa hapunan namin. Kung hindi ko lang siya kilalang comedian ay puwede pa akong maniwala sa mga pinagsasabi niya kaso ay alam ko namang ni go-good time niya lang ako. Kaya hanggat maari ay hindi ko na lang pinapansin ang mga kalokohan niya at hinahayaan ko na lang magsawa. Kahit sa panaginip ay hindi ini-expect na magugustuhan o liligawan niya ako katulad ng bukang bibig nito kanina pa. Alam naman kasi nito na mahirap lang ang pamilya ko at marami pa akong dapat intindihin sa buhay bukod sa pag bo-boyfriend na yan. Pareho kaming tumatawa habang naglalakad ng mapansin namin ang isang itim na kotse sa tabi mismo ng lumang gate ng bahay namin ni tatay. Wala naman akong alam na puwede naming maging bisita ah, at de kotse pa? Saglit kong inisip ang nurse na nag-aalaga kay tatay. Baka sa kanya ang kotseng iyon? Pero kanina ay naglalakad lang din ito ng puntahan si tatay sa bahay namin para bantayan. Nagkatinginan kami ni Warren sa kotseng nasa tabi ng bahay namin ni tatay. “May alam ka bang bisita nyo ngayong gabi?” tanong sa akin ni Warren. Isang iling lang ang sinagot ko at napagkibit balikat na lang pagkatapos. Sabay naming tinahak ang daan papasok sa loob ng bahay at pinagbuksan pa ako ng gate ni Warren saka ito sumunod sa loob. Naghubad muna kami ng sapatos pareho bago pumasok sa loob. May hagdan ang bahay namin kaya kinailangan pa naming Umakyat kami ng hangdan para makita kung sino ang taong may-ari ng kotseng nasa labas ng bahay. Halos magkasunuran lang kami ni Warren ng pag-akyat sa hagdan papunta sa taas ng bahay namin ni tatay. Kaya ng tumuntong ang paa ko sa mismong dulo ng baitang ng hagdan ay naramdaman ko na si Warren sa likod ko. Agad kong nilinga ang paligid at doon ko nakita sa maliit naming sofa si Dr. Yohann. Nakaupo ito na isa sa mga upuan doon habang nasa harapan nito ang isang tasang kape. Nang magtama ang mga mata namin ay saglit niya akong tinitigan ng malalim at saka pinagpatong ang mga mapupula nitong labi ng dumako ang mata kay Warren. Hindi katulad ng palagi kong nakikitang suot nito sa hospital ay kaiba ang suot nitong damit ngayon. Nakapolo shirt ito ng puti at hapit na hapit sa matipuno nitong katawan. Sinadya itong i-tuck in sa suot nitong kakhi black pants. Nakita kong binaba nito ang tasa ng kapeng hawak nito at madilim ang mga mata nitong tinitigan ang lalakeng nasa likod ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD