MARTINA
Bigla ay nakaramdam ako ng hindi maipagkakailang kaba at pagkailang ng sa wakas ay nakaupo na kami ngayon sa hapag kainan namin na may apat lamang na upuan. Kinailangan pang magdagdag ng isa pang monoblock para sa nurse na nag-aalaga kay tatay.
Pati kasi ito ay inanyayahan na rin ni tatay at Dr. Yohann para sumabay sa amin na kumain ng hapunan. Ang binili naming inihaw na manok lang sana ang balak naming ulamin ni Warren kasama si tatay kung kami lang tatlo sa bahay ngayon. Kaso ay nagulat kami pareho ni Warren ng madatnan namin ang doctor ni tatay na nakausap nito.
Manaka-naka ay sinusulyapan ko ang gawi niya upang makita ang guwapo nitong mukha habang nagdidilim pa rin ang mga mata nito sa tuwing susulyap ito sa katabing upuan ko kung saan nakaupo ngayon si Warren. Saglit kong tinapunan ng tingin si Warren na prenteng nakaupo lamang sa tabi ko at nakikipag-usap kay tatay. Mas madalas pa itong magsalita kaysa kay Dr. Yohann na sumasagot lang kapag may gustong malaman si tatay.
“Salamat Yohann, sa lahat ng tulong mo.” Bigla ay narinig kong sabi ni tatay na siyang naging dahilan kung bakit nabasak ang kanina lang ay sobrang tahimik na paligid namin.
“Wala pong anuman, Mang Antonio. Isipin nyo na lang na ginagawa ko lahat ng ito para kay Tiyo Andres na matalik nyong kaibigan at para sa anak ninyong si Martina.”
Gusto sanang lumaki ng mata ko dahil sa narinig kong sinabi ni Dr. Yohann na mga dahilan nito kung bakit patuloy nitong tinutulungan si tatay partikular ang huli nitong sinabi. Napainom na lang ako ng tubig saglit at saka parang nahirinan ang lalamunan. Pwede naman na sabihin niyang ang pagtulong ni tatay sa Tiyo Andres nito ang tanging dahilan kung bakit kasama namin siya ngayon pero isinama pa niya ang pangalan ko sa huli kung bakit ito patuloy sa pagtulong ni tatay. Natahimik si Warren sa tabi ko at pareho kaming napainom muli ng tubig pagkatapos.
“Ayus ka lang ba anak?” nag-aalalang tanong ni tatay sa akin. Nagkunwari akong ayus lang ang lahat at tumango.
“Opo tay, pupunta lang apo ako ng kusina para lagyan ng kanin ang bandehado.” Alangan kong sabi sa harap nila.
Nakita kong tumango si tatay at dahil dun ay nagmamadali kong kinuha ang lalagyan ng kanin at pumunta ng kusina.
Nang makarating ako sa maliit naming kusina ay parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Nakahinga ako ng maluwag.
Nanibago ako bigla sa bilis ng pintig ng puso ko dahil sa huling sinabi ni Dr. Yohann sa hapag kainan. Oh, baka naman ako lang ang nag-iisip ng kung ano tungkol sa sinabi niya?
Nasa ganoon akong pag-iisip ng bigla akong magulat sa isang taong bigla na lang sumunod sa akin sa kusina.
Si Warren!
“Oh, bakit sumunod ka pa dito?” taka kong tanong sa kanya.
“Nag-aalala kasi ako sayo. Okay ka lang ba?” kita ko sa hitsura niya na totoong nag-alala ito sa akin.
“Oo naman, nasamid lang ako kanina tapos uminom ulit ako ng tubig pagpunta ko dito sa kusina.” Pagsisinungaling ko sa kanya.
Bago pa man ito magsalita ay kinuha na nito ang bandehado ng kanin na hawak ko at ito na ang nagsandok ng kanin hanggang sa mapuno ito.
“Kung hindi lang malaki ang naitulong ng Dr. Yohann na yan kay Tatay Antonio, baka hinarang ko na yan sa kanto at hindi na hinayaang makapunta pa dito sa bahay nyo.” Hindi ko alam kung nagbibiro lang si Warren ng sabihin nito ang mga bagay na iyon habang inaayos nito ang takip ng rice cooker pero natawa naman ako sa huli.
“At bakit mo naman haharangin ang tao, aber?” natatawa kong tanong.
“Masyado kasi siyang presko. Tssk!” wala sa loob ko na sasabihin iyon ni Warren kay Dr. Yohann. Ganun ito palagi kapag may hindi nagustuhang senaryo o tao, may pagismid agad na kasunod.
“Warren, ano ka ba! Mamaya marinig ka’nun tao…ikaw talaga.” Saway ko. Hindi ko rin gusto na may isiping iba sa amin si Dr. Yohann at nakakahiya dito.
Hindi ko na nga alam kung paano ako makakabayad sa lahat ng mga kabutihan nito sa aming mag-ama tapos ay pag-uusapan pa namin palihim. Masyado itong mabait para gawin namin ni Warren ang ganong bagay na hindi nito nalalaman. Gusto ko pa sanang ipagtanggol ang sarili ko o ang kinilos ni Dr. Yohann sa mesa kanina pero si Warren na ang kusang pumutol ng diskusyon namin dalawa.
Imbis na sumagot pa ay nagpatuloy na lang sa paglalakad si Warren palabas ng kusina. Nang makalabas na ito sa mismong entrada ay huminto ito muli para ako naman ang paunahing maglakad papalapit sa hapag kainan.
Doon ko muling nakita ang madilim na mukha ni Dr. Yohann na ngayon ay hindi lang sa akin nakatingin kung hindi pati kay Warren na hindi naman natitinag ang tapang sa hitsura nito. Sinaway ko ng palihim si Warren para magtigil ito sa hindi magandang ginagawa pero binaliwala lang nito ang pagsaway ko. Napangiwi na lang ako habang pabalik sa upuan ko.
Natapos ang hapunan namin na parang hindi ko ata nanguya ng maayus ang kinain ko. Hindi na rin nagsalita pa si Dr. Yohann ng ibang bagay maliban sa ibinilin nito sa akin ang check-up ni tatay sa hospital nito mismo sa isang araw.
Aasahan daw nitong makakarating kaming dalawa para masiguro ang tuloy-tuloy na pagbuti ng kalagayan ni tatay.
Nangako si tatay na pupunta at ako naman ay wala na ring nagawa. Si tatay pa mismo ang humingi ng permiso kay Warren na hindi muna ako makakapasok sa araw na iyon.
Halata naman kay Warren na ayaw nitong pumayag sa gusto sanang mangyari ni tatay pero hindi naman naging magaspang ang ugali nito at pinayagan pa rin niya akong lumiban sa trabaho. Ito na lang daw mismo ang magpapaalam sa tita nito na hindi muna ako makakapasok.
"Aalis na po ako Tatay Antonio." paalam niya kay tatay. Tumango lamang si tatay mula sa nakabukas na maluwang na bintana at saka kumaway kay Warren.
"Mag-iingat ka hijo." Pati ako ay napatingin kay tatay habang kausap si Warren habang nakahawak ako sa gate na bakal ng bahay namin. Nang muli kong tanawin si tatay ay nakatabi na pala dito si Dr. Yohann habang nakapaloob ang isa nitong kamay sa pantalon nito at nakatingin din sa kinaroonan namin ni Warren.
Hinatid namin ng tanaw ni Warren dahil una na itong nagpaalam na umuwi. Hindi ko alam kung badtrip pa siya o papaano.
Pati ang nurse na nagbabantay kay tatay ay pinasabay na rin namin kay Warren hanggang sa sakayan ng jeep. Ako mismo ang nagsara ng gate ng makaalis ang mga ito.