CHAPTER 11- MALUBHANG SAKIT

1026 Words
YOHANN I can’t help myself, gusto kong makita si Martina. Simula ng mag krus ang landas namin nitong nakaraang araw ay hindi na siya mawala sa isipan ko. I don’t think it’s normal. Puwede naman na maging masaya lang ako at nakita ko ang tatay niya at maging siya after fifteen years. But the feeling of having her seems visible in my mind and even my heart. Kahit na hindi ko sigurado kung may sarili na itong pamilya. All I wanted to do is to see her everyday now that I finally found her. Saglit kaming nagtitigan na dalawa. Ilang segundo rin ito tumagal. I love the way she looks at me. Iyong parang isang anghel na inosente sa lahat ng bagay. Seeing her that way feels me like in heaven. Her angelic face that I really admired before until now. At saka ko nakita ang pagod sa mga mata nito habang pinagsasawa ko ang paningin ko sa kanya. Halatang kulang ito sa tulog pero hindi iyon nakabawas sa taglay nitong ganda. I told myself not to touch her and comfort her despite that I wanted her to be in her side specially now. “Good morning po doc…” bati niya sa akin. She even gave me a simple smile. Iyong ngiti na sana ay makita ko sa kanya sa araw-araw. Knowing the condition of her father, she still manage to give me a tender smile that I really love. “Good morning.” I reply to her. Lumakad ako papalapit sa hospital bed kung saan nagpapahinga si Manong Antonio. He’s now peacefully sleeping, and I know his body needs it right now. Unti-unti ay lumipat din ang tingin ni Martina sa aming dalawa ni Manong Antonio. “Kumusta si Manong Antonio after he was transferred here?” ang tinutukoy ko ay ang kuwartong pinagdalhan ng mga hospital staff sa mag-ama. “O-okay naman po ang sabi ng mga nurse na tumingin sa kanya doc.” Malumanay na sagot nito sa akin. Nakita kong nalaglag ang ilang hiblang buhok nito sa harapan ng maganda nitong mukha ng iayos nito ang kumot na bumabalot sa katawan ni Manong Antonio. I feel broken because of that. Naka ponytail ang buhok nito pero sadyang niluwagan ang pagkakatali nito sa buhok ito kaya kusang nalalaglag ang ilang hibla ng buhok nito sa harapan ng mukha niya. Napalunok ako. “It’s good to hear that he’s now okay.” Seryoso kong sab isa kanya. “Salamat po doc.” Mabilis niyang sagot sa akin. “But you need to know something about his condition.” Biglang napatingin muli si Martina sa gawi ko at walang imik niya akong tinitigan sa mata na para bang nakarinig ito ng isang masamang balita. “A-ano pong condition doc?” Ang alam lang siguro ng mag-ama ay may sakit si Manong Antonio sa puso pero ang sakit niyang ito ay may mas malalim na ibig sabihin. `“May coronary artery disease si Manong Antonio. Isang sakit sa puso na traydor. Hindi natin kung kailan aatake, walang signs.” Paliwanag ko sa kanya. “Paano pong hindi ko malalalaman doc?” inosenteng tanong niya sa akin. “Katulad ng nangyari sa kanya, bigla na lang siyang nawalan ng malay dahil nagbabara ang daluyan ng oxygen sa puso niya papunta sa ibang parte ng katawan. Iyon ang dahilan kung bakit madalas siyang nawawalan ng malay pero sa kabutihang palad ay nagigising pa rin siya. Pero darating ang panahon na isang araw nab aka hindi na kayanin ng puso niya at bumigay na lang ito.” Pagtatapat ko sa kanya. Ayokong itago ang tunay na kalagayan ni Manong Antonio kay Martina. Hindi namin matutulungan ang tatay niya kung hindi ko ipapaliwanag ang totoong kondisyon ni Manong Antonio. Mahirap man na tanggpain ang bagay na iyon ay kailangan pa rin niyang harapin ang katotohanang may sakit ang ama nito. “A-ano po ang dapat nating gawin doc?” nag-aalalang tanong ni Martina sa akin. “Hindi inooperahan ang kanyang kondisyon sa puso. Kailangan lang ng tamang lifestyle. Pero dahil sa hindi ito kailangang operahan ay hindi ibig sabihin na hindi delikado ang kalagayan niya. Dapat na palagi siyang nasa maayos na kalagayan at namomonitor para manatili siyang malakas.” Bumagsak ang balikat ni Martina ng sabihin ko sa kanya ang bagay na iyon. “Hindi ko naman po pinapabayaan si tatay doc, kailangan ko kasing magtrabaho para sa aming dalawa kaya madalas na naiiwan siya sa bahay na mag-isa.” Malungkot niyang sagot. Naramdaman ko ang gustong ipahiwatig ni Martina sa kalagayan nito at ng kanyang ama. I want to help her because of that. “Isa yun sa dapat na masolusyunan natin. Kailangan na palagi siyang may kasama para just in case na mahirapan ulit siyang huminga o umatake ang sakit niya sa puso ay madadala agad siya sa hospital.” Hindi agad nakapagsalita si Martina sa sinabi ko. parang nag-iisip ito ng malalim bago sumagot. “Gagawan ko na lang po ng paraan na may makasama si tatay sa tuwing may trabaho ako doc para hindi na siya maiwanan na mag-isa sa bahay.” “May mga iba na rin sakit si Manong Antonio na dapat ng bantayan dahil na rin sa sakit niya sa puso. May diabetes na rin siya at tumataas ang hypertension.” Dagdag kong sabi sa kanya. Doon binalingan ni Martina ang ama at saka nito hinaplos ang hapis nitong mukha. Nakikita ko ngayon kung gaano nito kamahal si Manong Antonio. At maging ako ay nalulungkot na sa muli naming pagkikita na dalawa ay nakaratay ito sa hospital at may mga malulubha ng sakit sanhi na rin ng edad nito. Siguro ay masyado nitong napabayaan ang sarili kakatrabaho kaya ngayon nito inaani ang mga sakit sa katawan na dulot ng pagkayod nito ng sobra ng mga nakalipas na taon. Malaya kong tinitigan si Martina habang malungkot nitong hinahaplos ang mukha ni Manong Antonio ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Pumasok ang lalakeng kasama ni Martina ng isigod si Manong Antonio sa hospital noong nakaraang araw. “Warren…” narinig kong tawag ni Martina sa lalake na nagpatangis ng panga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD