MARTINA
Binantayan ko ng magdamag si tatay sa hospital kasama si Warren. Hindi rin ako mapakali at kasama ko siya hanggang ngayon na mag-uumaga na. Problema ko kung paano ang gagawin sa grocery store ng amo ko kung ganitong kasama ko si Warren dito sa hospital.
Hindi naman papayag ang tita niya na magtagal na hindi nagbubukas ang grocery at panigurado ay malulugi ang tindahan nito.
"Warren.." tawag ko sa kanya.
"Bakit?" nilingon niya ako matapos nitong haluin ang kape sa tasa nito na umuusok pa ang lamang mainit na tubig.
"Humanap ka na lang muna siguro ng makakasama mo sa grocery ni tita mo. Hindi ko naman puwedeng iwan dito si tatay, kailangan ko siyang bantayan."paliwanag ko.
Saglit na katahimikan ang namayani sa amin ng mga sandaling iyon. Imbis na inumin nito ang kape sa tasa na hawak nito ay bigla na lang nitong ibinaba muli ang tasa sa mesang una nitong pinagpatungan. Kumunot ang dalawa nitong kilay at saka nagsalita.
"Bakit naman ako hahanap ng ibang makakasama sa grocery? Ikaw ang kasama ko dun hindi ba?" hindi pa rin nito maunawaan ang gusto ko sanang sabihin dito.
"Nakikita mo naman siguro ang kalagayan ni tatay, Warren. Hindi ako puwedeng magtrabaho kasama ka sa ngayon dahil kailangan kong batayan si tatay. Kaya mas mainam na humanap ka na ng ibang makakasama sa grocery para mabuksan na rin ang tindahan at hindi masyadong malugi."
Nakita kong napabuntong hininga si Warren at kusa na itong naglakad palapit sa gawi ko kung saan ako ngayon nakatayo.
"Ipapaliwanag ko na lang kay tita ang nangyari at sasabihin ko na hindi muna tayo magbubukas kahit isang lingo para maalagaan si Tatay Antonio." Hindi ko nagustuhan ang suhesyon niya kaya agad akong nagsalita.
"Warren, hindi puwede ang sinasabi mo. Baka magalit pa ang tita mo kapag sinabi mo ang mga bagay na'yun sa kanya. Ang negosyo ay negosyo at hindi niya magugustuhan ang gusto mong mangyari."
"Pero..."
"Sige na Warren, ayokong pati ikaw ay madamay sa mga problema ko. Puwede ka namang dumalaw dito sa hospital habang nagpapagaling si tatay kung gusto mo. At kung puwede pa akong bumalik sa grocery kapag naging maayos na ang kalagayan ni tatay ay ako mismo ang makikiusap kay Ma'am Cora. Pero sa ngayon ay kailangan mo munang gawin ang tama at iyon ay ang magmalasakit ka sa negosyo ng tiyahin mo dahil sayo iyon pinagkatiwala."
Wala ngang nagawa si Warren at pumayag na rin ito sa wakas sa sinabi ko. Nangako naman itong dadalaw palagi sa hospital at gagawa daw ito ng paraan para matulungan ako financially habang nasa hospital kami ni tatay na hindi ko naman gustong gawin niya.
Nakakahiya na rin kasi kung patuloy siyang magiging mabuti sa aming mag-ama at marami na kaming utang sa kanya na dapat bayaran.
Naging mahirap ang mga sumunod na dalawang araw namin sa hospital ni tatay. Gumising na rin siya at nakakain ng kahit kaunting pagkain. Nagulat pa siya ng dumilat ang kanyang mga mata ay nabungaran niya ang loob ng kuwarto sa hospital na pinagdalhan namin sa kanya.
"Hindi muna sana ako dinala dito sa hospital anak." Reklamo niya.
"Tay naman, bakit naman po hindi ko kayo dadalhin dito sa hospital? Nawalan kayo ng malay at hindi namin alam ni Warren ang gagawin, buti na lang talaga at wala pong nangyaring masama sayo."
Hindi agad siya nakasagot sa sinabi ko at malungkot ang mga matang tumunghay sa akin.
"Wala naman tayong pambayad na malaki anak dito sa hospital." Lumabas din ang totoo kung bakit ayaw nitong magpadala sa doctor o sa hospital man lang.
Alam kasi niya na kapos kami sa pera at sakto lang ang kinikita ko para mabuhay kami sa araw-araw. Pero kahit ganoon ay gusto ko pa rin siyang mapagamot at humaba ang buhay at gagawin ko ang lahat para mangyari ang bagay na'yun.
"Basta tay, wala po kayong dapat na ikapangamba. Ako po ang bahala sa bayarin dito sa hospital, ang dapat nyo lang gawin ay magpagaling." Pangako ko sa kanya.
Kahit mismong ako ay hindi ko alam kung paano ako magpapakatatag sa sitwasyon namin ngayon na mag-ama. Ang alam ko lang ay umaasa ako sa tulong ng Diyos na malalagpasan namin ang mga pagsubok na ito sa buhay.
"Salamat anak, napakabuti mo sa akin." Naluluhang sabi ni tatay. Wala akong nagawa kung hindi ang yakapin siya habang nakaratay sa higaan niya ngayon.
"Mahal ko po kayo tay, at alam mo po na gagawin ko ang lahat para sayo."
Naramdaman ko ang pagtango niya sa likod ng mahihina niyang hikbi. Masaya akong maramdaman na kahit paano ay nabibigyan ko ng pag-asa si tatay na malalagpasan naming dalawa ang unos na pinagdaraanan namin ngayon.
YOHANN
I clearly see now how serious the condition of that man. Ang taong naging dahilan kung bakit nagkita kami muli ni Martina. Hindi ko gustong malaman ang ganitong kondisyon niya pero ito ngayon ang lumabas sa mga lab results nya.
Mayroon siyang malubhan sakit sa puso. Hindi lang ito basta isang sakit na maaaring makuha sa gamot. Coronary artery disease, ito ang kanyang sakit. Maaari itong maoperahan pero sa edad ni Mang Antonio ngayon ay hindi ko sigurado kung nanaisin pa nitong mag undergo sa isang operasyon.
Kaya ko siyang operahan nandito na siya sa sarili kong hospital pero ang hindi ko masisigurado ay ang pagpayag nito sa magiging operasyon maging ang anak nitong sa Martina.
Napahawak ako sa mga labi ko habang nakatitig sa findings na ibinigay sa akin. Mapapayag ko sana siyang magpaopera at huwag matakot para kahit paano ay maging maayos ang lagay nito.
Pinag-isipan kong mabuti ang mga bagay na sasabihin ko sa kanya sa muli naming paghaharap. Gusto ko siyang makausap at marinig muli ang malumanay nitong boses na isa sa nagbigay sa akin ng liwanag dati ng mga panahon na nasa madilim akong parte ng buhay ko.
Napukaw lang ang mga tumatakbo sa isipan ko ng biglang tumunog ng cellphone ko sa ibabaw ng working table kung saan ko ito pinatong.
Pagod kong tinitigan ang cellphone ko habang patuloy itong tumutunog. Lumitaw ang pangalan ni Bridgitte sa screen ng cellphone ko.
I hard a hard time dealing with this woman. I totally regret when I accepted the idea of believing her that she's into something in my life.
But knowing her, alam kong mahihirapan akong alisin ito sa buhay ko ng basta-basta. I've known her since then that we were teenager. Wala pa rin itong pinagbago.
Pero hindi ko hahayaang kontrolin niya ang buhay ko. She will never be part of my life, my future, unlike Martina. Gusto ko siyang makilala ng personal for the second time around. And this time, I know Martina will remember me forever.