YOHANN
Kasalukuyan akong papunta sa emergency department ng salubungin ako ng head nurse at sinabi nitong mag nag-aagaw ang buhay na nasa O.R . Kaya mabilis kong sinuot ang white coat na noon ay bitbit ko pa lang.
Ang head nurse na ang nagbukas ng pinto ng O.R para sa akin. Binati ako ng mga nurses na naka duty ng mga oras na iyon at tinanguan ko lang sila. Mas nag focus ako sa taong sinasabi ng head nurse na kailangan ng tulong ko.
"Doc...ayun po siya sa bed number 15." At nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa dapat ng cubicle kung saan mismo nakahiga ang taong sinabi ng head nurse. May support oxygen itong nakakabit sa ilong at walang malay.
Napahinto ako ng akma ko siyang i-checkup at alamin ang kondisyon niya.
Nakilala ko agad kung sino ang taong nakahiga ngayon sa hospital bed ng sarili kong hospital. Si Mang Antonio ito!
Hindi ako maaaring magkamali, ito ang lalakeng nagpakain at tumulong sa amin ni Tiyo Andres noong panahon na may sakit ito at wala kaming makain.
Agad ko siyang nilapitan at sinuri ang mga mata. Unconscious ito. At tinanong ko kung nasan ang pamilya ni Mang Antonio, partikular ang anak nitong si Martina.
Si Martina na hindi nawala sa isipan ko kahit na lumapis pa ang maraming taon. Hindi ko siya nakalimutan. Maaring nagbago na rin ang hitsura nito sa tagal ng panahon na huli ko siyang nakita. Baka nga may sarili na rin itong pamilya ngayon. Natigilan ako ng maisip ko ang bagay na iyon.
"Nurse Lyn, nasan ang pamilya ng pasyente?" Sa wakas ay naitanong ko sa head nurse.
"Nasa waiting area lang po sila kanina doc."
Sila? Ibig sabihin ay makasama ito?
"Ano ba ang history ng patient?" Nag-alala kong tanong sa head nurse. Alam kong sa lagay ni Manong Antonio ay may malubha itong sakit at hindi ito basta mararatay sa hospital bed na simpleng sakit lang ang iniinda nito. Binalikan ko siya ng tingin.
"Doc, ang sabi po ng anak niya ay may sakit daw po sa puso ang tatay niya." Napatingin muli ako kay Grace ng sabihin nito ang initial finding ng sakit ni Manong Antonio. Inayos ko ang nakakumot na tela sa katawan nito at saka ko sinabi na gusto kong makausap ang pamilya ni Manong Antonio.
Hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon ko ulit siya makikita. Napakabuti nito para maranasan nito ang ganitong paghihirap. Sa pagkakataong ito ay sisiguruhin kong makakabawi na ako sa kabutihang ginawa nito sa aming mag tiyo. Inutusan ko si Lyn na hanapin si Martina para mkausap ko at agad na magamot si Manong Antonio.
****
MARTINA
Nanatili kami ni Warren sa waiting area ng O.R. Nasa tabi ko lang siya, at ng umalis ito kanina saglit para bumili ng tubig at nagmamadali itong bumalik agad.
Nakahawak ang isa kong kamay sa isa ko pang kamay habang pinipisil-pisil ko ito para matanggal ang kaba at takot na nararamdaman ko ng biglang may lumapit sa amin na isang nurse.
Hindi ko napansin na lumabas ito galing sa O.R, marahil siguro ay lutang pa rin ang isip ko sa mga nangyari.
"Miss...kayo ang kamag-anak ng pansyente na walang malay kanina na dinala sa emergency room?" tanong nito sa akin. Napaayos ako ng upo at muling binundol ng kaba ang dibdib ko. Natatakot ako na may sabihin ito na hindi maganda tungkol kay Tatay.
Pati si Warren ay nakita kong saglit na natahimik pagkatapos ay ito na ang kumausap sa nurse na nasa harap namin.
"Siya po ang anak ng pasyente kanina na sinugod namin sa O.R, nagkamalay na po ba si Tatay Antonio?" pigil ang paghinga ko pagkatapos kong marinig ang tanong ni Warren sa nurse. At unti-unti ay nilingon ko ang nurse at hinintay ang magiging sagot nito.
"Wala pa siyang malay hanggang ngayon. Kaya kailangan kayong makausap ng doctor na tumingin sa kanya para magamot siya agad."
Bahagyang kumalma ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng marinig ko ang sinabi ng nurse. Alam kong gagaling pa si tatay at iyon ang pinapaligan kong mangyari.
"S-sige po, saan po namin siya pwedeng makita?" ako naman ang sunod na nagtanong sa nurse.
"Sumunod po kayo sa akin." at mabilis kaming tumayo ni Warren at sumunod sa nurse ng magsimula itong maglakad sa mahabang pasilyo ng hospital.
Nakaalalay lang sa tabi ko si Warren. Nararamdaman ko kung gaano ito nag-aalala sa amin ni tatay. Sa pagkakataong iyon ay saka ko narealize kung gaano ako nagpapasalamat na nakilala ko siya.
Huminto ang nurse na sinusundan namin sa isang malaking pintuan. Nang tinangnan ko sa pinto ay may nakalagay na pangalan doon. Sa ibaba ng pangalan nito ay may nakalagay na Chief Administrative Officer (CEO) of the Hospital.
YOHANN ALVAREZ, Cardiologist
Iyon siguro ang pangalan ng kakausapin naming doctor sa loob. At pagkatapos na kumatok ang nurse ay binuksan na nito ang pinto.
Agad na dumanpi sa balat ko ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon ng kuwartong iyon. Napatingin ako sa isang malaking table na nasa pinakagitna nito. Doon nakaupo ang isang lalakeng nakasuot ng puting coat na pang doctor.
Nagtama agad ang mga mata namin ng lalakeng doctor na nasa harapin namin ngayon ni Warren.
"Doc, nandito na po ang anak ng pasyente." bigla ay singit ng nurse na nagdala sa amin sa loob ng kuwartong iyon.
"Salamat nurse Lyn. I'll call you later." Buong-buo ang boses ng doctor ng marinig namin ni Warren ng magsalita ito. Tumango lang ang nurse at muli itong lumabas ng pinto.
Napadako muli ang mga mata ko sa nakaupong doctor pagkatapos at ganoon na lang ang gulat ko ng malingunan ko ito na titig na titig ang mga mata sa akin.
"Have a seat." Biglang bawi nito ng mahuli ko siyang nakatitig sa akin. Pati si Warren ay nakakunot ang noo ng lingunin ko. Sabay kaming nakaupo sa magkatapat na upuan.
"Sino ang anak ng pasyente sa inyong dalawa?" sunod na tanong nito sa amin ni Warren. Nilingon ko muna si Warren bago sagutin ang doctor.
"A-ako po doc...ako po ang anak ng pasyente." diretso kong sagot sa kanya. Nang magtama ang mga mata namin ng doctor na tumingin kay tatay ay parang may isang kuryente ang biglang dumaan sa katawan ko.
Bakit parang pamilyar sa akin ang hitsura ng lalakeng doctor na nasa harap namin ni Warren ngayon? Saan ko ba siya dati nakita? Pilit kong inisip kung saan o kailan ko nakita ang taong ito pero hindi ko matandaan. Hanggang sa nagsalita ito ay umayos ng upo sa swivel chair na kinauupuan nito. Muli niya akong tiningnan sa mata habang nagsasalita.
"Based on results of his lab test ay hindi lang ngayon nangyari sa tatay mo ang nawalan ng malay tama ba Ms. Martina Jimenez?"
Nagulat na naman ako ng sambitin nito ng buo ang pangalan ko. Paano niya nalaman ang totoo kong pangalan? Buti na lang at nakita ko sa gilid nito ang isang folder, malaman ay nabasa nito sa sinulatan kong papel kanina sa information desk ang tunay kong pangalan. Dahil dun bahagyang kumalma ang puso ko.
"A-hhh, opo doc. Nawawalan po siya ng malay dati pero saglit lang. Kanina nga po ay matagal siyang hindi nagkamalay kaya natakot na ako at dinala siya dito sa hospital." Pagtatapat niya sa doctor na kanina pa seryosong nakatingin sa akin. Si Warren naman ay tahimik lang na nakatitig sa doctor, pagkatapos ay babaling sa akin.
"Bakit hinayaan mo pa na lumala ang kalagayan niya bago mo siya dalin ng hospital at ipacheck up?" para akong batang pinapangaralan nito. Napayuko na lang ako ng ulo sa hiya. Kung alam lang nito kung gaano ko kagustong mapagamot si tatay simula pa lang ng malaman namin na may sakit siya sa puso.
"W-wala po kasi kaming pera doc kaya hindi ko siya agad napagamot." nahihiya kong sagot sa kanya. Nakita ko naman itong isinandal ang likod sa swivel chair na kinauupuan nito at binaba nito ang ballpen hawak nito sa ibabaw ng mesa nito.
"May pag-asa pa po bang gumaling si tatay Antonio, doc?" Napaangat ang ulo ko mula sa pagkakatingin ko sa sahig ng magtanong si Warren. Hindi ko inaasahan na magkakaroon ito ng lakas ng loob para tanungin ang doctor na sumuri kay tatay at tanungin ang kalagayan nito.
Nang tingnan ko ulit ang doctor na kaharap ko ngayon ay natakot na naman ako sa hitsura nito. Nakasalubong ang dalawa nitong kilay at halatang galit ng tumingin ito kay Warren.
"Kaano-ano mo ang pasyente?" Seryoso nitong tanong kay Warren.
"Kasama po ako ni Martina doc, kaya nag-aalala ako sa kalagayan ni Tatay Antonio. Kaya sana ay matulungan nyo kami. Gagawin namin ang lahat para makahanap ng pera na kakailanganin basta mapagaling nyo lang si Tatay Antonio." Napaluha ako sa sinabi ni Warren sa harap ng doctor na kausap namin ngayon. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa dito sa lahat ng tulong nito sa akin.
"Kahit na hindi ka makiusap ay gagawin namin ang lahat para mapagaling si Mang Antonio." diretsong sagot ng doctor kay Warren.
Sinabi rin nito sa amin na ililipat na si tatay ng private room. Nagkamalay na raw ito pero kailangan pang obserbahan. Nang maipaliwag nito ang mga kailangan naming gawin ni Warren para mapabilis ang paggamot kay tatay ay saglit kong nakalimutan ang gumugulo sa isip ko kung saan ko nakita ang doctor na sumuri kay tatay. Baka naman namalikmata lang ako kaya ko nasabing nakita ko na ito dati.
Nang tumayo kami ni Warren sa mga upuan na inupuan namin habang kausap ang doctor ay inalalayan pa niya ako. Bahagya akong nakaramdam ng hilo. Hindi pa nga pala ako kumakain ng umagahan at tanghalian.
"Tin, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Warren sa akin na sinuklian ko lang ng matamis na ngiti.
"O-okay lang ako, salamat." Alangan akong ngumiti sa muli sa kanya at saka ako nagpaalam sa doctor na kausap namin.
"Salamat po doc. Kung may kailangan po si tatay ay pakisabihan lang kami." Kahit na masama ang titig nito sa amin ni Warren at halos mag-abot na ang mga kilay nito ay mas pinili ko pa ring magpakita ng paggalang sa harap nito at sa kanya nakasalalay ang buhay ni tatay.
Naramdaman kong inakbayan pa ako ni Warren sa balikat ng papalabas na kami ng opisina ng doctor na kausap namin. Pakiramdam ko ay mabubuwal ako dahil sa pagkaliyo. Isabay pa ang mga iniisip ko sa kalagayan ni tatay, buti na lang talaga at nasa tabi ko si Warren ng mga oras na iyon.
YOHANN
I laid my back on the chair where I currently sitting. Hindi ako maaaring magkamali. She's the girl that I saw before, fifteen years ago. She's Martina. Hindi pa rin nagbago ang ganda nito. She's still looks simple and quite, just like before. Mas lalo pang humaba ang kulay mais nitong buhok, at ang makinis nitong balat ay wala ring pinagbago. Her seductive eyes and lips are still tempting. Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang isa kong kamay, then I placed my finger on my lips. Parang binabalikan ko ang oras na kaharap ko si Martina kanina.
At dun biglang sumingit sa isipan ko ang lalakeng kasama nito kanina ng kausapin ko ito tungkol kay Mang Antonio.
Sino kaya ang lalakeng kasama nito? Boyfriend? Asawa? Damn! Napailing siya sa isiping may sarili na ngang pamilya si Martina.
Alam ko naman na wala akong karapatan sa personal nitong buhay, but seeing her with other man is like loosing a game that I played many years ago. Parang ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. May sumundot na kirot sa puso ko sa katotohanang iyon.
For the many years, I've never been in any serious relationship. I once tried but I failed. Lalo na ng malaman ni Bridgette ang pangliligaw ko sa kaklase kong med student after we graduated.
Nalaman ko kay Panny na kiusap ito ni Bridgitte para layuan ako. At ang sinabi pa nito ay may relasyon kaming dalawa, which is all lies.
I'm so sick and tired being controlled by that woman. Hanggang sa sinabi ko sa kanya that I've my own life. Na hindi ko hiningi sa mga magulang nito na pag-aralin ako para ang maging kapalit ay ipilit ng mga ito na mahalin ko ang anak nitong si Bridgitte.
Umiwas lang ito ng ilang lingo sa akin, but she continues proving herself to me. That's she's the one for me. Na siya ang dapat kong piliin at mapangasawa. In the end, I will decide on my own at hindi ako dapat magpadala sa mga sinasabi ni Bridgitte.
Kinausap ko si nurse Lyn para ayusin ang kuwarto na paglilipatan kay Mang Antonio. I will do everything to make his body fully recover. Sa paraang iyon ay baka makabawi na ako sa kanya sa mga mabubuti nitong ginawa sa amin na mag tiyo. At isa sa gusto kong gawin pagkatapos kong mapagaling si Mang Antonio ay ang mapalapit kay Martina.
Hindi pa naman sana huli ang lahat, I have the feeling that we are destine to see each other again after so many years.