CHAPTER 8-PANGANIB

2340 Words
YOHANN Gumayak ako ng maaga para pumasok sa trabaho. I usually visited my own hospital located in Taguig. Simula ng magkaroon ako ng pagkakataon para makapagtayo ng isang hospital sa tulong ni Saldy Ortega. Ito ang ama ni Brigitte na tumulong sa akin na makapag-aral hanggang makatapos ng Medicine sa college. Hindi ko naramdaman sa mag-asawa na kailanman ay sinumbatan nila ako dahil sa pagtulong ng mga ito sa akin. They have been helping me since the day that I chose to lived with them. Even their daugther, Bridgitte treated me with the same respect as her parent did to me. Kaya lumipas ang maraming taon na hindi ko napapansin, its been fifteen long years when I left that place where I first met Martina. Hindi siya nawala sa isip ko simula ng makilala ko siya. I clearly remember her angelic face, and feminine side. Ang boses nito na malambing at tila palaging bumabalik sa pandinig ko ang siyang ala-ala na iningatan ko hanggang sa ngayon. There are times that I tried not to think of her. Naisip ko baka mag sarili na itong pamilya ngayon, o may mga anak na. Sa haba ng panahon na lumipas, maraming posibleng mangyari. But I still hoping that she's still the same girl I left before. So innocent and pure. Siya lang ang nag-iisang babaeng hindi nawala sa isipan ko kahit paano ang gawin ko. May mga nakarelasyon akong ibang mga babae, just to try to forget her image in my heart and mine but I was wrong. Nanatili itong nasa isipan ko, kahit na nagkaroon na kami ng relasyon ni Bridgitte. Yes, we ended our relationship wherein we both tried to be in love with each other but it was not easy. Pinipilit kong kalimutan ang unang babaeng nagpalakas ng t***k ng puso ko. Ang nagpatigil sa mundo ko ng mga oras na iyon kung saan ang lahat ay walang direksyon at patutunguhan. Nang malaman ng mga magulang ni Bridgitte na nakipaghiwalay ako sa mga anak ng mga ito ay una nagalit sila sa akin. That's why I chose to have my own house and live alone. Ang tanging dahilan ko lang naman kung bakit sinubukan kong mahalin si Bridgitte Ay dahil sa tingin ko sa paraang iyon ako makakabayad sa mga magulang nito na tumulong sa akin para tuluyan akong makarating kung nasaan man ako ngayon naroroon. Kasalukuyan akong nagsusuot ng polo na hapit sa malaki kong pangangatawan habang nakasuot na ako ng pants na usual kong sinusuot pagpasok ng hospital. Hindi ako nagsusuot ng mga formal attire when I have a duty on the hospital. I prepere to weat that outfit everyday, mas presko at maayos akong nakagalaw sa loob ng hospital. Alam iyon ng mga empleyado ko. They were all amazed that I manage to stay in that life. Hindi ko pa rin nakalimutan ang buhay ko kahit na isa na akong doctor sa sarili kong hospital. Iyon ang mas tama kong gawin dahil alam kong hindi basta mabubura ng magagarang damit, mamahaling sasakyan at bahay ang lahat ng pinagdaanan ko sa buhay. I now fixing my papers on my table ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. I saw Bridgitte standing in front of the door. She's now wearing a sophisticated dress. A five inches wedge sandals that fits her personality. Hindi katulad ko ay hindi ito nagtayo ng kahit anong negosyo, instead ay ito ang namamahala ng mga ibang negosyo ng mga magulang nito. "Yohann." She used her seductive voice to call my name. She always doing that as if we were in a relationship. Walang pag-aalinlangan siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi at niyakap ng mahigpit. I prepare to make distance with her. Ayokong mag-isip ng iba sa akin ang mga magulang nito. Masyadong mabait ang mga ito para suklian ko ng hindi magandang bagay ang mga ginawa nila sa akin. "Bridgette, what are you doing here?" Inilayo ko ang katawan nito sa akin para makahinga ako ng maayos mula sa mahigpit nitong pagkakayakap kanina sa akin. "You're supposedly in Baguio, right?" Ang pagkakaalam ko ay kasama ito ng mga magulang nito sa isang conference sa Baguio ng isang lingo kaya nagulat ako ng bigla na lang itong sumulpot sa bahay ko. "Yeah," malungkot nitong sagot."...but I chose to came here becuase I missed you so much. Nakakabagot naman ang mga conference na pinapa attend sa akin nila mommy. They used to lived in that with way kaya sila na lang ang naiwan dun at mamasyal pa raw sila ni daddy after the conference." "You silly." pintas ko sa kanya. Hindi pa rin talaga ito nagbabago. She always defended with her parents. Kung wala ang mga ito ay para itong ibon na hindi na makakalipad dahil ang mga pakpak nito ay ang mismong mga magulang nito. "I know, and alam mo na ikaw lang ang makakapagpatino sa akin...Yohann." Nagsimula naman itong magsalita na parang may gusto itong ipunto sa pagitan naming dalawa. I just a gave a deep sighed and continue focus on what I'am doing before she entered my room without a notice. Alam ko naman kung ano ang ibig nitong ipahiwatig sa sinabi nito. Na kung magkakaroon kami muli ng relasyon at tiyak na titino ito. But I never imagine myself being in love with her. In my opinion, they deserve good and responsible daugther, a someone who they can lean on. Hindi ang katulad ni Bridgitte na isang spoiled brat at walang ibang alam na gawin kung hindi ang maglustay ng pera at nagliwaliw kung saan nito gustuhin. Pati ako ay nahihirapan ng intindihin ang ugali nito. But I guess, its more of understanding, na hindi lahat ng anak ay lumalaki base sa kagustuhan ng mga magulang nila. "Bridgitte, pakihintay mo na lang ako sa labas at matatapos na ako dito sa ginagawa ko ." utos ko sa kanya na hindi ko tinitingnan ang reaksyon nito. At huli na ng maramdaman ko naman na nakadikit ang katawan nito sa likuran ko. "Bridgitte, stop!" sawayko sa kanya na hindi nito pinansin. The way he hug me is literally killing me. Hindi ko na alam kung paano ko siya pipigilan sa mga pinaggagawa nito. Pinilit kong baklasin muli ang pagkakayakap nito sa katawan ko hanggang sa ito na mismo ang lumayo. "Your impossible Yohann!" Iritado nitong sabi pagkatapos ay walang ano-anong itong lumabas sa pinto at halos magiba ito sa lakas ng pagkakasara nito. Napabuntong hingina ako muli at nailing. That woman has its own my to make my day totally in doomed. Pero kahit ganoon ay hindi ko kayang magalit dito at iyon ang pinakamalaki kong problema since then. MARTINA Katulad ng dati ay maaga akong nagising para gumayak sa trabaho. Hindi ako dapat malate dahil nasa akin ang susi ng grocery. At malamang na asarin na naman ako ni Warren kapag nauna itong dumating kaysa sa akin. May pagmamadali ang bawat kilos ko ng para makaalis ako agad ng bahay at hindi maipit ng traffic. Palagi naman na nakahanda na ang umagahan namin ni tatay dahil ito mismo ng unang nagigising upang magluto. Hindi ko na siya pinigilan dahil hindi naman daw mabigat ang pagluluto kaya hindi ito makakasama sa katawan nito. Kaya nasanay na akong makita ito sa hapag kainan na busy sa paghahanda ng umagahan nila tuwing umaga, pero iba ngayon. Tahimik ang paligid paglabas ko at bakante rin ang mesa. Nasaan kaya si tatay? Binuksan ko pa ang pinto malapit sa sala at lumabas. Nagbabakasakali akong dun ko ito makita at nagdidilig ng mga tanim nitong halaman. Sa kasawiang palad ay wala rin ito. Nanibago ako. Kaya muli akong pumasok sa loob ng bahay at kinatok ang kuwarto nito. Makailan akong katok sa pinto ng marinig akong ungol sa loob. Kinabahan ako. Mabilis kong binuksan ang pinto ng kuwarto ni tatay at doon ko nakita pagbukas ko ang hitsura nito. Ungol lang ito ng ungol at nakatabingi na ang isang pisngi nito. Pati ang mga kamay nito na bahagyang itinaas sa harapan ko na parang hirap na hirap at nanghihingi ng tulong ay unti-unti na rin nadis alligned ang mga daliri nito. "Tay!" Napatakbo ako ng mabilis para tulungan ito. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya ng mga oras na iyon. Kinabahan ako ng todo na baka dahil sa sakit nito sa puso ang dahilan ng nangyari dito. Kung sa highblood naman ang dahilan ay may iniinom naman itong gamot na pang maintainance sa highblood nito pero hindi pa rin napigilan ng mga gamot na ito ang bagay nangyari ngayon. Kahit na kinakabahan at parang nablanko ang isip ko ay nagawa ko pa ring ikalma ang isip ko. Nakapikit na ngayon ang mga mata ni tatay na parang natutulog lang. Humihinga pa ito ng tingnang ko. Nagpaalam ako saglit na kukuhanin ko ang cellphone ko sa kuwarto. Nagmamadali akong bumalik sa kuwarto para kunin ang cellphone ko at kailangan kong tumawag ng puwedeng makakatulong sa akin para madala ko sa hospital si Tatay. Kulang na lang ay liparin ko ang kuwarto ko para makuha ko agad ang cellphone ko. Pagkadampot ko sa cellphone ko ay bigla namang nablangko ang utak. Sino nga ba ang tatawagan ko? Emergency hotline? Tama. Kaya lang ay baka hindi nila agad mahanap ang bahay namin at magtagal pa bago madala si tatay sa hospital. Nanginginig akong nagscroll ng mga number sa phonebook ko at nahagip ng mga mata ko ang pangalan ni Warren. Nagkaroon ako ng pag-asa dahil dun. Agad kong nidial ang number niya at sa kabuting palad ay agad naman itong sumagot. "H-hello...Warren." Naiiyak kong tawag sa pangalan nito. Hindi ko mapigil ang emosyon ko lalo na at alam kong nasakabilang kuwarto lang si tatay at nag-aagaw buhay. "Tin, bakit ganyan ang boses mo? May problema ba?" agad nitong bungad na tanong sa akin. "Si...tatay Warren. Hindi ko alam ang nangyari sa kanya. Tulungan mo ako!" Naramdaman kong nagulat ito sa kabilang linya at muli ay mabilis itong nagsalita. "Okay, huwag kang mag panic.” Papunta na ako. Bantayan mo siyang mabuti at make sure na nasa tabi ka niya hanggang makarating ako." Bilin nito sa akin na hindi ko na nagawa pang sagutin at pinatay na nito ang end button. Muli akong bumalik sa kuwarto ni tatay at nakita kong ganun pa rin ang hitsura nito. Wala pa rin itong malay katulad kanina. Tinabihan ko siya at napahagulgol na lang ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Wala man lang akong magawa sa mga oras na iyon para madala siya agad sa hospital. Hindi ko naman magawang humingi ng tulong sa mga kapitbahay at hindi naman halos namin sila kakilala. Palipat lipat kasi kami ng inuupang bahay simula ng kinailangan naming ibenta ang maliit na puwesto na naipundar ni tatay mula sa pagkakarinderia nito. Hinawakan ko ang kanyang kamay at ramdam kong mainit pa ito at bigla akong natahimik dahil alam kong hindi pa huli ang lahat. At hindi nga nagtagal ay dumating na si Warren. Pabalya nitong binuksan ang pinto ng kuwarto ni tatay. May kasama rin itong isang lalake na parang driver ng isang taxi. Pinagtulungan nitong buhatin ang katawan ni tatay na walang malay at isinakay sa isang taxi. Paglabas namin ay saka ko nakita ang mga nag iisyosong mga kapitbahay. Nakatanaw sila kay Tatay na walang malay ngayon. Inutusan akong ni Warren na ilock ang mga pinto pati ang gate ng bahay namin. At ganoon nga ang ginawa ko. Nang makasakay kami sa taxi ay saka niya ako muling kinausap. "Tin...magtiwala ka sa Diyos na makakaligtas si Tatay Antonio." At pinisil nito ang isa kong kamay mula sa kinauupuan ko ngayon sa backseat. Nakaulo sa mga hita ko si Tatay at alam kong makalaligtas siya! Halos paliparin na ng driver ng taxi ang kotse nito para lang madala agad sa pinakamalapit na hospital si tatay. At dito nga kami sa Quezon City na padpad. Sa isang private hospital ipinarada ng taxi driver ang kotse nito. Hindi ko alam kung si Warren ang nag-utos para dun dalhin si tatay o ito na lang mismo ang nagdecide na dun kami dalhin at ito na ang pinakamalapit na hospital na nakita namin. Pagkahinto ng taxi ay agad na bumaba at tumawag si Warren ng mga hospital staff para tulungan kaming mahiga sa strecher si tatay. Mabilis ang mga pagkilos ng mga tao sa paligid ko ng mga oras na iyon. Hindi ko nga namalayan na naipasok na pala agad sa emergency room si tatay. Hinang-hina ako habang pinapasok dun ang strecher na kinahihigaan nito. Napasandal ako sa isang pader ng hospital malapit sa emergency room. Ni hindi ko nakuhang tingnan si Warren na katabi ko lang ng mga oras na iyon. Wala akong kibo, wala akong maisip. Parang gusto ko lang mawalan ng malay at isiping paggising ko ay isang panaginip lang ang lahat. "Tin..."untag sa akin ni Warren. Unti-unti ko siyang nilingon na para bang ngayon lang ito tumabi sa akin. "W-warren--" At doon na ako tuluyang napahagulgol. Nilapit niya ang ulo ko sa dibdib nito na para bang sinasabi nito na saglit akong kumuha ng lakas mula roon. "Shhhh, huwag kang mag-alala. Magiging okay din si Tay Antonio, gagaling siya at makakasama pa natin siya ng matagal. Maniwala ka." Pilit nitong pinalalakas ang loob ko na para bang isang simpleng bagay lang ang nangyari kay tatay. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala si Warren kanina para tulungan kami ni tatay. At hindi ko inakala na agad itong pupunta sa bahay namin para matulungan akong dalhin sa hospital si tatay. Utang ko sa kanya ang buhay ni tatay, at alam kong kulang ang pasasalamat para sa ginawa nito sa aming mag-ama. Ilang minuto rin kami sa ganoong ayos ng may lumapit na isang nurse sa amin at may sinabi ito na hindi ko lubos maintindihan dahil sa lutang pa rin ang isip ko kaya si Warren na lang ang kinausap nito. At mula doon ay sinabi nito sa amin na gusto kaming makausap ng doctor na tumingin kay tatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD