CHAPTER 13 KINAGABIHAN ay hindi na ako lumabas ng kwarto. Tinanong ko si Manang kanina patungkol sa mga susunod na mga trabaho ko pero wala siyang naisagot sa akin. Ang saad niya ay kay Regor na lang daw ako dumeritso bukas. As much as I wanted to avoid him but he’s now my---er, master, as he proclaimed. Aapila pa ba ako kung gayong harap harapan na niya akong ginaganito? Ubos na ang mga luha ko para iyakan pa ang lahat ng nangyayari sa akin. I want him back, yes. Pero kong ganito niya lang ako tratratuhin, mas mabuting alalahin ko na lang ang utang namin keysa ang pag-aksayahan pa ang panahong mababalik ko ang dating samahan namin. Exactly twelve o’clock after I was asleep, naalimungatan ako ng may mga narinig akong ingay. I wiggled my head a lot of times. Antok na antok ako at pagod

