CAPITOLO VENTINOVE - FOREGOING Xyra's POV GULONG GULO man kami sa aming nakita at nasaksihan kailangan pa rin naming manatili sa library dahil kami ang unang nakadiskobre sa katawan ni Miss Nasya. "Bhes, ang litratong iyon" turo pa ni Hara sa hawak hawak na litrato ng mga pulis. Iyon rin ang aking pinagtataka, kilala ni Miss Nasya si Irish. "Pansin ko rin. Bakit hindi man lang nagsalita si Miss Nasya" ilang segundo rin kaming natahimik. May mga estudyante na ring naguguluhan sa labas. Habang alalang alala naman sa amin si Miss Eva at ang iilang guro. "Ayos lang ba kayo?" pag aalalang tanong ni Miss Eva sa amin at sinuri pa kami. Ngumite naman kami. "Ayos lang po kami" tumango naman siya at tinignan kami bago ito kinausap ng mga pulis pero nahagip ng aking paningin si Nyzil na k

