CAPITOLO VENTIOTTO - BLOODSHED Pauline's POV MAS lalong gumulo ang lahat ng pangyayari dahil sa pagkamatay ni sir. Akala namin tapos na pero hindi pa tapos ang pakikipaglaban namin kay kamatayan. "Ni halos walang pumasok na subject teacher natin" panimula ko pa. Pansin kong kanina pa may isinusulat si Xyra sa notebook niya. Tinignan ko ito at ganoon ang pagtataka ko ng makita ang iilang mga pangalan roon at ang iba ay may ekis o binilugan. Lahat ng iyon ay nakakonekta sa iisang salita na "killer". "Huh, p-pasensiya na may sinasabi ka ba?" pagtatanong pa niya. "Sa tingin mo, konektado ba talaga lahat?" pagtatanong ko sa kaniya. Napaiwas naman siya ng tingin at napabuntong hininga at muling binalingan ang sinulat niya. "Hindi ko rin alam. At isa pa, ano namang kinalaman ni Irish s

