Chapter 5

1781 Words
Malalim na ang gabi at tila hindi dinadalaw ng antok si Yuna ngayon. Nag.alala parin siya sa sinapit ng kanyang kapatid. Hindi maalis sa isipan niya ang pag-iyak nito. Tinawagan niya ito kanina lang at doon niya narinig ang sobrang pagdadalamhati nito sa namatay na asawa. Torichiro is in pain at ramdam niya ang sakit ng nararamdaman nito. Bumuntong hininga si Yuna at napilitang tumayo mula sa pagkakahiga at naisipang lumabas ng kwarto upang kumuha ng maiinom. Nakasalubong naman niya ang kanyang Tatay na kakalabas rin lang ng sarili nitong kwarto. "May problema ba anak? Malalim na ang gabi bakit hindi ka pa nagpapahinga?" Tanong ng kanyang Tatay. Binigyan naman ito ni Yuna ng isang malungkot na ngiti. He heard his Tatay sighed at tsaka ito lumapit sa kanya. Inabot nito ang kanyang kamay at tsaka ito hinawakan ng mahigpit. "Alam kung nag.alala ka para kay Torichiro. Pero Torichiro is strong, sa dami ng pinagdaanan ng kapatid mo alam nating lahat na babangon at babangon iyon." Ani ni Liren "Ganito ri po ba ng nararamdaman mo ng iwan ka ng aking Ama, Tay?" Wala sa sariling tanong ni Yuna dito "I mean.. Just..... forget it Tay" He sighed sa biglaang bawi niya sa kanyang tanong. Hindi na niya dapat pa tinanong iyon. Ilang tao na rin ang lumipas at inalis sa isipan niya ang tungkol sa kanyang Ama.  "Anak gusto mo bang makilala ang ama mo?" Mabilis na umiling dito si Yuna na siyang kinalungkot ng kanyang Tatay. Liren wanted to tell him everything pero mukhang sarado na ang isip ng anak. Sarado na upang pakinggan pa nito ang katotohanan. Ayaw niyang magtanim ito ng galit sa Ama dahil kung totoosin wala naman itong kasalanan. "Ayoko. Dahil kung walang siyang kasalanan sa inyo at kung naging mabuting ama lang siya sakin. Sana kasama niyo siya at masaya kayo. Buo sana tayo." Matigas na sabi niya sa kanyang Tatay. "Anak walang-" "Ayokong na pong makarinig ng kahit na ano tungkol sa kanya. Ikaw, si Papa at si Oniisan ay sapat na sakin." Yuna said bago siya tuluyang bumaba ng hagdan. Walang nagawa si Liren kundi sundan ng tingin ang anak.  Patawarin mo ako Yuna, anak ko.  Pagkarating ni Yuna sa kusina ay mabilis niyang binuksan ang ref at tsaka kinuha ang bottled water at basta nalang itong nilagok. Hindi niya alam kung bakit ganito nalang ang reaksyon kapag pinag.uusapan na ang tungkol sa kanyang ama. Bata pa si Yuna ay hinanap na ng kanyang mga mata ang kanyang ama. Pero habang siya ay lumalaki walang ama na nagpakilala sa kanya. Kaya sa tuwing nag.uusap sila ng kanyang Tatay tungkol dito ay kaagad siyang umiiwas. Alam niyang may gustong sabihin ang Tatay niya sa kanya pero mas pinili niyang huwag pakinggan ito. Hindi na importante ang bagay na iyon. Malaki na siya at hindi na niya kailangan pa ng ama na gagabay sa kanya. Nabuhay naman siya na wala ito sa tabi niyab simula nung magka-isip siya at haggang ngayon.  Napabuga naman siya ng hangin at kinalma ang sarili.  Kaagad napapitlag si Yuna ng makarinig siya ng isang bagay na nabasag sa likod ng bahay. Mabilis siyang kumilos at tsaka tinakbo at kinuha ang katanang nakasabit sa pader. Hinugot niya ito at tahimik na tinahak ang likod bahay. Maingat siyang naglakad upang hindi makagawa ng ingay. At hindi nga siya nagkakamali ng hanala.  Nilooban nga sila. "s**t!" Rinig niyang ani sa taong nakasuot ng bonet. Mabilis na kumilos si Yuna bago pa siya mapansin nito. Kaagad siyang nakarating sa kinaroroonan nito at mabilis na itinutok ang kanyang katana sa leeg ng kalaban. Narinig pa niya ang pagsinghap nito. "Who are you?" Matigas na ani niya. Hindi ito sumagot kaya mas lalo pang diniin ni Yuna ang kanyang katana sa leeg nito at nahiwa ito ng konti. "Ahh." Daing ng lalaki sa sakit. "Are you going to answer me or I'll cut you neck. Who are you?" Ulit ni Yuna dito. "C-caliber." Kaagad namang hinawakan ni Yuna ang suot nitong bonet at tsaka ito tinanggal. He smirk nang makita nito ang maamong mukha ng pumasok sa bahay nila. Ang lakas ng loob ng Omegang ito na pasukin ang bahay niya ng mag-isa. "Drop your gun and get up." Utos ni Yuna na siyang kaagad namang sinunod ni Caliber at tsaka initaas ang kamay hudyat ng kanyang pagsuko. "Walk." Dahan dahan naman silang naglakad hanggang sa makarating sila sa basement. Pinaupo niya ito sa isang bakanteng upuan habang nakatutok parin dito ang kanyang katana. Napabaling naman siya sa pinto ng biglang pumasok si Lucas na may hawak na baril. "May narinig akong nabasag. What happened?" Tanong ni Lucas kay Yuna. "You're too late. I caught him." Yuna said at bumaling ulit kay Caliber na namumutla na Kaagad naman lumapit si Lucas at tsaka kinapa ang katawan ni Caliber kung may iba pa ba itong nakatagong armas. At nung wala na siya makapa ay tsaka naman siya bumalik sa tabi ni Yuna. "Ibaba muna iyang katana mo. Wala na siyang armas." Lucas said. Binitawan naman ni Yuna ang katana niya at kumuha ng upuan at umupo sa harap ng kanyang bisita. Hindi na niya kailangan pang itali si Caliber kahit alam niyang may alam ito sa pakikipag laban pero wala pa rin itong laban sa kanya o maging kay Lucas. "So, Tell me. Sinong nag.utos sayo?" Yuna asked. Hindi sumagot si Caliber at ibinaling ang tingin niya sa ibang direksyon. Yuna gritted his teeth sa inasal ni Caliber. "Wag mong sayangin ang oras ko. Dahil hindi ako magdadalawang isip na gilitan ka sa leeg." Matigas na sabi niya dito. Pero mas lalong nag matigas si Caliber. "Speak Omega or else-" Napalingon naman si Yuna ng hawakan siya sa balikat ni Lucas at sumensyas na siya ang magtanong kay Caliber. Yuna sighed at tsaka siya mabilis na tumayo. Wala kasi siya sa mood na habaan ang pasensya niya kaya mas mabuting si Lucas nalang ang gagawa nito. "Are you gonna tell us or ibabalik kita sa Shelter?" Ani ni Lucas kay Caliber. Caliber eyes widened. Paano nalaman ng lalaking ito ang pinanggalingan niya? Lucas smirked ng makita niya ang bakas ng gulat sa mukha ni Caliber. He knows this guy actually. Mula sa mismong araw ng kasal ni Torichiro ay nakita niya itong nagmamanman at kumukuha ng litrato. Malakas kasi ang radar ni Lucas sa mga kalaban. "Aren't you gonna talk? Dahil bukas na bukas a--" "Si Killoran. Si Killoran ang nag utos sakin. Nasabi ko na pakawalan niyo na ako!" Mabilis na sabi ni Caliber at sinibukang tumayo upang tumakas pero kaagad itong pinigilan ni Lucas at ibinalik sa pagkakaupo. Napangisi naman si Yuna sa ginawa ni Lucas dito. Infact napabilib pa siya nito. Karrim is right, hindi lang basta isang butler ang binigay nito sa kanya. Lucas is more than that. Tumingin naman siya kay Caliber at kitang kita niya ang takot sa mukha nito ng banggitin ni Lucas ang Shelter. Seems like this Omega suffered a lot in that place just like his brother. At maaaring kilala din ni Caliber ang kapatid niya. "Kilala mo ba ang kapatid ko?" Agarang tanong niya dito habang siya ay nakapamulsa sa gilid. Napayuko si Caliber at tsaka dahan dahang tumango. "We've been together noong nasa Shelter pa kami. S-siya ang nag.iisa kung k-kaibigan." Nahihirapang ani nito. Dahil sabihin man ni Caliber o hindi alam niya sa sarili niya na mas kinampihan pa niya si Killoran keysa kay Torichiro sa takot na muli siyang ibalik sa Shelter. "Kabigan? You call yourself a friend? Paano mo nagawang tawagin ang sarili mo na isang kaibigan kung gayong nagtatrabaho ka parin kay Killoran. You betrayed my brother." Galit na ani ni Yuna dito. How could he! Kung totoo siyang kaibigan ng kapatid niya he won't do this. "D-dahil natatakot ako. Natatakot akong ibalik sa Shelter. Natatakot ako na muling pagsawaan ng iba't-ibang kalalakihan ang katawan ko. I don't have a choice kundi kumapit sa taong naglabas sakin sa impyernong iyon!" Umiiyak na ani ni Caliber kay Yuna. Punong puno ng luha ang mga mata nito. Kitang kita sa mga mata nito ang labis na takot. Takot na muling makaranas ng impyerno. "Paano kung patayin ka namin hindi ka ba natatakot?" "Then do it! Wala na akong pakialam pa. Basta wag niyo lang akong ibalik sa lugar na iyon. Pakiusap." Nakatitig lang si Yuna sa umiiyak na mukha nito. Nakikita niya sa mukha nito ang kawalan ng pag-asa. Pag-asa na mamuhay ng normal at masaya. Biglang sumagi isip niya ang iyak ng kanyang kapatid. Ganitong ganito iyon. Nahihirapan, nagtitiis at nawawalan ng pag-asa. How could their world be so cruel? "Yuna, magpahinga kana. Ako na ang bahala dito." Lucas said at wala sa sariling napatango si Yuna at lumabas ng basement. Kinabukasan ay naabutan ni Yuna na nakatali na sa upuan si Caliber habang si Lucas naman ay hubad baro na sinusubuan ito ng pagkain at nagamot na din ang leeg nitong sugatan. Tinitignan niya si Caliber pero hindi magawa ng bisita niya ang tumingin sa kanya nakayuko lang ito at putok ang labi. Yuna smirked. "He tried to escape last night. I have no choice but to tie him" Lucas said habang busy ito sa pagpapakain kay Caliber. "You even punch me idiot!" Singhal ni Caliber kay Lucas at tinignan ito ng masama. Pinitik naman ni Lucas ng nuo ni Caliber. "Because you're a hard headed one. Hindi lang yan ang aabutin mo sakin." Lucas said. Napaismid naman si Yuna sa dalawa. Wala siyang alam sa nangyayari dito buong magdamag pero kung ano man iyon. Wala na siyang pakialam pa. Matapos pakainin ni Lucas si Caliber ay tumayo naman ito at inayos ang pinagkainin at tsaka lumabas ng basement. Naiwan namang silang dalawa ni Caliber sa loob. Mataimtim lang itong tinititigan ni Yuna habang nakayuko si Caliber sa kanya. "Tell me. Where is Killoran at this time?" Bored na tanong niya. "Hindi ko alam. Simula sa araw na pinahanap ka niya sakin hindi ko na siya nakikita pa. " "Siguraduhin mo lang na nagsasabi ko ng totoo dahil kung hindi. Alam muna kung saan ang bagsak mo."  Bigla naman tumunog ang kanyang cellphone at bumungad sa kanya ang pangalan ni Kariim Brahman. Kaagad naman niya itong sinagot. "I already know who is the traitor of Iron Wolf" Ani ni Karrim sa kanya. Napakunot naman ang kanyang noo dahil wala naman siyang kinalaman sa pinamumunuan na organisasyon nito. "Si Killoran at lulusubin naman ang mansyon na kinaroroonan niya ngayong gabi din. Bago pa tayo maunahan ng Black Shadow." Karrim added. Napalingon naman si Yuna kay Caliber na nakatingin sa kanya at mukhang nakikinig.  "Count me in." Yuna said at lumabas ng basement. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD