"Bakit hindi mo nalang iharap sa amin ang Alpha mo. Beta." Tiim bagang na sabi ng isang Alpha na gustong kausapin si Killoran tungkol sa kanilang naging kasunduan. Ngunit hindi iyon natupad pa ni Killoran dahil sa kanyang kalagayan ngayon.
"Hindi ba pwedeng pag-usapan natin ito ng maayos. Señor?" Magalang na sabi ni Gael ito.
Tumaas naman ang kilay ng Alphang si Augustino. Ang leader ng Black Shadow kung saan kabilang din dito si Killoran.
"Maayos na usapan? Maayos din akong nakipagkasunduan sa kanya Beta. But where is he? Where is Tori?" Matapang na ani ng Alpha.
Napayuko si nalang si Gael dahil wala na siyang maisasagot pa. Masyadong mapanganib ang taong kaharap niya ngayon. Kung hindi siya nagkakamali ang Alpha na kaharap niya ngayon sangkot sa iba't-ibang illegal na gawain. At kapag may maling salita lang na lumabas mula sa bibig niya siguradong hindi lang buhay niya ang manganganib kundi pati na ang buhay ni Killoran.
"Tell him to show his face to me, or else! Ako na mismo ang susugod sa mansyon niya o kung saan man siya nagtatago ngayon." Sabi nito at agarang tumayo.
"Si, Señor!" Ani ni Gael at tsaka siya yumukod. (Yes, Sir!)
Nakahinga naman ng maluwag si Gael ng mawala na ang mapanganib na presensya nito. Kaagad niyang tinawagan si Killoran upang ipaalam ang masamang balita.
Agaran naman sinagot ni Killoran ng makita ang pangalan ni Gael sa screen ng kanyang cellphone.
"My Lord!"
"Bakit? Anong balita?" Kinakabahang ani ni Killoran dito. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kaba sa pagharap nina Gael at ni Augustino.
"Mukhang kailangan mo ng magtago, My Lord. Susugod at susugod siya kapag hindi mo siya hinarap kaagad." Pagbibigay alam ni Gael sa kanyang Alpha na ngayo'y nakikinig sa kanya. "At sa pa, Hinahanap ka rin ni Karrim Brahman. Mukhang may hinala na sila na ikaw ang traydor sa Iron Wolf." Dagdag pa niya. Iyon kasi ang binigay na impormasyon ng isang Epsilong na inutusan ni Gael upang manmanan ang galaw ng Iron Wolf.
Mas lalong umusbong ang kaba sa dibdib niya. Halos marinig na niya ang t***k nito sa sobrang bilis. Hindi naman siya mabilis kabahan at matakot pero mukhang parte na nga rin ito ng pagbabago sa kanya.
Mabilis siyang makaramdam ng takot, kaba at mabilis rin magbago ang emosyon niya. Dati naman hindi siya nakaramdam ng ganito. He is always calm.
Pero mukhang hindi na sa ngayon.
"At saan mo naman ako gustong magtago? Alam mo na ito na ang huling lugar na malayo sa kabihasnan. H-hindi naman siguro nila tayo matutu--"
"Pero alam mo kung anong kayang gawin ni Augustino at ni Karrim mahanap ka lang." Pagsabat ni Gael sa kanya.
"Hindi lang isa ang humahanap sayo ngayon, My Lord. Hindi naman ibig sabihin na aatras tayo dahil mahina tayo. Hangga't hindi kapa bumabalik sa dati, mas lamang sila kumpara satin."
He sighed.
Tama ang beta niya.
Hindi ordinaryong tao lang si Augustino at lalong lalo na si Karrim. Makapangyarihan ang mga taong ito at kung mananatili siya sa lugar na ito maaring katapusan na niya. Kung sana binigay lang niya kaagad si Torichiro kay Augustino hindi na sana siya namomoblema pa sa lalaking iyon. Dumagdag pa itong si Brahman.
"Fine. Pag-iisipan ko. Sa ngayon umuwi kana. Make sure no one is following you!" Paalala niya dito kay Gael.
"Yes, My Lord."
At saka naman niya pinatay ang tawag.
Wala sa sariling napaupo siya napabuga ng hangin. Bakit ba nangyayari ang mga bagay na ito sa kanya.
Ito na ba ang tinatawag nilang karma?
"Seems like may panibago ka na namang problema, My Lord." Ani ni Moses na nakaupo sa harap niya habang suot suot nag makapal na salamin nito.
Umismid siya dito. Ayaw niya itong kausapin dahil hanggang ngayon wala pa din itong nahahanap na solusyon para bumalik siya sa dati.
"I heard what Gael said." Dagdag pa nito.
"Would you please mind your own f*****g business? Bakit hindi mo na lang tapusin ang pinapagawa ko sayo!" Naiinis na ani niya dito na siyang kinatawa naman ni Moses.
"What are you laughing for? May nakakatawa ba sa sinabi ko ha? Four eyes?"
Umiling naman si Moses at tsaka tumikhim.
"Nothing my Lord. I just find you cute when you're pissed." Moses said. Na siyang kinalaki ng mata ni Killoran.
Him cute?
What the f**k!
Wala sa oras naman niya itong nabato ng kanyang pen holder at tumama ito sa pagmumukha ni Moses.
"Say that again. I'll Kill you!" Singhal niya dito.
Napailing si Moses at inayos ang kanyang salamin na muntik ng mahulog dahil sa pagbato ni Killoran dito.
"Masyado ka kasing seryoso. Pinapagaan ko lang ang loob niyo." Moses said.
"Then, you're not helping! Hindi ito ang oras para pagaanin ang loob ko. I need to leave this place as soon as possible." Anunsyo niya sa kanyang Doctor.
Hindi dapat siya magsasayang ng oras. Dapat bukas na bukas din ay makakaalis na siya sa lugar na ito dahil hindi niya alam kung ano ang takbo ng utak ng dalawang iyon. Maaring lumusob ang mga ito dito kahit ano mang oras.
Parti pa din ng Tierra de Lobo ang kinatatayuan ng mansyon niya. Kaya mas madali para sa kanila ang mahanap siya.
He needs to find a place na malayo dito at iyong tagong tago.
"Then come with me, My Lord." Ani ni Moses sa kanya.
Kunot noo naman siyang humarap dito.
"I have a safe house in Australia. I mean a cliff house."
"And? Do you think I'm safe there?" Paninigurado ni Killoran dito.
"Aabotin sila ng ilang taon bago nila tayo mahanap kung sakali. It's an isolated place at mabundok pa."
"What? Safe nga ako dun kina Karrim pero ipapakain mo naman ako sa wild animals doon. You're not helping me Moses!" Galit na ani niya kay Moses.
Kung mamatay rin lang naman siya mas mabuti pang mamatay siya sa mga kamay ng kalaban niya keysa naman lapain siya ng kung anong hayop lang!
"You're overthinking my Lord. Hindi pa ako tapos."
Killoran sighed. "Fine. Continue."
"That house is located at the edge of the mountain. It is safe at walang wild animals na kakain satin. Also that house is high tech! I spend all of my money para lang sa cliff house na iyon. And most of all hindi kabilang ang lugar na iyon sa mapa ng Australia" Moses said while smirking!
Tumango tango naman si Killoran. A place that no once knows! Mukhang mahirap nga itong hanapin.
"Here. Let me show you some pictures."
Binigay naman ni Moses ang cellphone niya kung saan nadun ang itsura ng kanyang cliff house. Unang tingin palang ni Killoran ay nagandahan na siya dito. It looks like a headquarter. At tama si Moses, aabutin nga ng ilang taon bago siya mahanap ng mga iyon.
"And how do we get there?" Tanong ni Killoran dito.
"By the chopper. We will travel on the air. Para walang bakas mo ang maiiwan."
"Okay. Mamayang hatinggabi. Aalis tayo." Killoran stated habang mariing nakatingin ulit sa larawan ng cliff house ni Moses.
Oo, aalis siya.
Pero hindi ibig sabihin na ititigil na niya ang paghahanap sa kapatid ni Torichiro. He's men will do that for him habang wala siya. At siguraduhin niyang huhulihin niya ito bago pa man siya mahanap ni Augustino at ni Karrim Brahman.