Dinala ako ni Brent sa condo niya at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya pinapansin. "Rose, sorry na!" sabi nito. Hindi pa rin ako umiimik at nakaupo lang sa may sulok. "Ayaw mo ba talaga akong kausapin?" sabi pa nito. "Ikaw naman kasi Brent eh, hindi naman tama ang ginawa mo!" sabi ko naman. "Kaya nga ako nagsosorry hindi ba! Nagseselos lang ako!" aniya. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Hindi ko naman matiis na hindi siya kausapin at magalit sa kanya dahil nagpapabebe siya. Maya-maya pa tumunog ang kanyang telepono, si Yita Vernice ang tumatawag at pinapauwi na niya kami. "Umuwi na daw tayo sabi ni Mommy," sabi ni Brent. Tumango lang ako. Umalis na kami ng condo at pinaharurot niya ang kanyang sasakyan papunta sa mansyon nila. Nang makarating na kami sa mansyon ay nakita

