bc

My Pretty Nanny

book_age18+
25.4K
FOLLOW
210.9K
READ
others
playboy
arrogant
badgirl
drama
tragedy
comedy
twisted
sweet
serious
like
intro-logo
Blurb

WARNING‼️‼️

RATED SPG‼️‼️

Ito ang istorya na palaging nadidiligan ang bida.

Isang hamak na katulong lamang si Rose, hindi niya inakala na magkagusto ang kanyang amo sa kanya na si Brent Lee. Hindi pa danas ni Rose kung paano ang umibig at nacuriouse din ito sa salitang s*x. She wants to experience kung ano nga ba ang feeling na may lalaking nakapatong sa kanya. Dahil sa curiousity niya ay nagpagalaw siya sa kanyang amo na si Brent at doon nagsimulang nahulog na din ang kanyang loob sa binata. Pag-ibig na nagsimula sa s*x, matatapos din kaya na hanggang sa s*x lang talaga?!

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1. Rose Destacamento and Brent Lee.
Halos nanginginig ang aking katawan sa unang araw ng aking trabaho. Hindi ko alam sa aking sarili kong naeexcite ba ako o kinakabahan. Tahimik lang akong nakaupo sa sofa habang nagmumuni muni. "Rose halika at ipakilala kita sa aking anak," sabi ng Mommy ni Brent na mala dyosa ang ganda. Tumayo ako sa aking inuupuan. "Sige po Maam." Sabay sunod ko sa kanyang likuran. Umakyat kami sa hagdan patungo sa silid si Sir Brent ang aking magiging amo. Kinatok ng kanyang ina ang pinto ng kanyang silid. "Brent hijo narito na ang iyong bagong yaya," sabi niya. Biglang bumukas ang pinto. Bumulaga sa amin ang malapad at napaka gandang silid ni Sir Brent. Nakaupo lang si Sir sa isang chivel chair habang nakatingin sa kanyang laptop. "Hijo andito na si Rose baka gusto mo siyang e welcome," sabi ng Mommy nito. Agad naman siyang lumingon sa kinaroroonan namin. Biglang nag heart ang aking mga mata nang makita ko siya. Napaka pogi at napakamacho nito. Ngumiti ako sakanya sabay bati. "Magandang umaga po Sir," sabi ko. Tinaasan niya ako ng kanyang kilay. "Anong maganda sa umaga?" sabi nito. Bigla akong nahiya dahil sa sinabi niya. Nakatitig lang siya sa'kin. Mula ulo hanggang paa. Yumuko lang ako. "Sayang ampogi niya sana kaso masungit," sabi ko sa aking sarili. Bigla namang nagsalita ang Mommy nito. "Hijo sana tratuhin mo nang maayos si Rose mahirap maghanap ng yaya ngayon," sabi ng Mommy nito sakanya. Ngumiti lang siya. "Well anong natapos mo?" tanong ni Sir Brent sa'kin. Lumunok muna ako ng laway ko bago sumagot. "Hindi po ako nakapagtapos ng pag-aaral Sir," sabi ko sakanya. Pinatunog nito ang kanyang dila. "Ilan kayong magkakapatid?" tanong pa niya. "Anim po Sir ako po ang panganay," sagot ko. "Ang mga magulang mo anong trabaho nila?" tanong niya ulit. "Ang Nanay ko po ay dalawang taon nang pumanaw at ang Tatay ko naman po ay nag-asawa ulit," sabi ko sakanya. Bigla akong nakaramdam nang lungkot sa kaibuturan ng aking puso. Ramdam kong may namumuong luha sa aking mga mata. Sobrang sakit ang ginawa ni Itay sa amin, hindi ko inakala na wala pang isang taon na pumanaw si Inay ay pinalitan na niya ito. Ang kanilang obligasyon ay naiwan sa'kin. Ako na ang tumayong Ina at Ama sa aking mga kapatid. Nais ko rin sanang makapagtapos ng pag-aaral ngunit dala ng kahirapan ay mas minabuti kong maghanap ng trabaho. Ngayon ako ang nagpapaaral sa tatlo kong kapatid. "Oh siya maiwan ko na kayo nang sa ganon ay makapagsimula ka ng maglinis dito sa kwarto Rose," sabi ng Mommy nito. Bigla naman akong bumalik sa katinuan. "Sige po Maam," sabi ko. Agad namang umalis ang Mommy ni Sir Brent. Naiwan akong nakatayo, si Sir Brent ay tumingin ulit sa kanyang laptop. Namataan ko ang coffemaker sa isang maliit na table. "Sir ipagtitimpla po kita ng kape, ano pong gusto niyo?" tanong ko sakanya. "Black coffee at hindi masyadong matamis," sabi niya. Agad ko naman siyang tinimplahan. Pagkatapos ay lumapit ako sakanya. "Ito na po ang kape niyo Sir," sabi ko sa kanya. Hindi lang siya sumagot. Akma ko na sanang ilapag ang kape ngunit nadulas ako sa sahig. Tumilapon ang kape kay Sir Brent at humihiyaw siya sa sobrang init. Tumayo siya agad sa kanyang inuupuan. "Outch!What have you done?!" galit na sigaw nito. "Naku sorry po Sir Brent hindi ko po sinasadya," sabi ko sakanya. Agad akong naghanap ng pamunas ngunit wala akong nakita. Namataan ko ang papel sa tabi ng laptop niya agad ko itong kinuha at pinunas sa damit niya para masipsip nito ang basa. "Oh no!" Nanlalaki ang mata ni Sir Brent. "My God hindi mo ba alam kung gaano ka importante ang mga papers na yan?!" sabi pa niya. "Eh kasi Sir kaysa naman mapaso kayo nang sobra-sobra." Sabay punas ko sa parte ng katawan niyang natapunan ng kape. Tinitigan lang niya akong nang masama. "Wag mo nga akong hawakan, sino ba ang nagbigay ng permiso sayo na pwedi mo akong hawakan," sabi niya. Bigla namang uminit ang ulo ko. Nakita ko na may natira pang kape sa tasa kaya kinuha ko ito at itinapon sa braso niya. "Alam mo ikaw ang yabang mo no? Ikaw na nga itong tinutulangan ikaw pa ang galit?!" sigaw ko sakanya. Nakita kong nagulat si Sir Brent. "Walanghiya ka bago ka pa nga lang dito sinisigawan mo na ako?! Hindi mo ata ako kilala e!" sabi pa niya. Chineck niya ang kanyang laptop. "Alam mo pasalamat ka at hindi nabasa 'tong laptop ko dahil kung hindi babasagin ko talaga 'to sa pagmumukha mo!" sigaw pa rin niya. "Umalis ka dito sisante kana ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo!" dagdag niya pa. "Walang problema kong paalisin niyo ako kaysa naman magtiis ako sa taong bulok ang ugali! Ang sama ng ugali mo!" sabi ko sakanya sabay talikod. Nang makalabas na ako ng kanyang silid ibinagsak ko ang pinto. Nagulat naman ako at bumulaga sa'kin ang Mommy nito. "Maam pasensiya na po pero sinasante na po ako ni Sir Brent," sabi ko. Napakaseryoso ng mukha nito. "Actually narinig ko nga ang pag-aaway niyong dalawa," sabi niya. "Pasensiya na po talaga Maam," sabi ko pa. Sinubukan niyang buksan ang pintuan ng kwarto ni Brent ngunit nakalock na ito. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila pababa ng hagdan. Pinaupo niya ako sa sofa at bigla itong humalakhak ng malakas. "You did a good job ikaw yung babaeng gusto ko napaka palaban." Sabay ngisi nito. "Po?" nagtatakang tanong ko naman. "Yes my dear hulog ka ata ng langit sa'kin," sabi pa niya. Naguluhan naman ako sa sinabi niya. "Maam ano po ang ibig niyong sabihin?" tanong ko sakanya. "Tsaka ayaw na daw makita ni Sir ang pagmumukha ko kaya makaalis na po ako, kailangan ko pa pong maghanap ng panibagong trabaho." sabi ko. Akma na sana akong tatayo ngunit hinawakan niya ako sa braso. "Hindi mo kailangang umalis Rose," sabi pa nito. "Pasensiya na po Maam hindi ko din po gusto ang ugali ng anak niyo napakabastos," sabi ko pa. "Sige kung iyan ang gusto mo wala na akong magagawa," sabi niya. "Sayang balak ko pa sanang dagdagan ang sahod mo at gagawing sampung libo pero ayaw mo e, tsaka naisipan ko rin sana na bigyan ka ng mga bunoses gaya ng SSS, Pag- Ibig tsaka Phil Health plus may libre pang isang sakong bigas para sa mga kapatid mo," dagdag pa niya. Bigla namang nagningning ang aking mga mata. Nabuhayan ako ng loob at parang bigla naging pursigido. Umupo ako pabalik sa sofa. "Pero matitiis ko pa naman siya Maam kung gugustuhin ko," nakangisi kong sabi. "Good!" sabi naman niya at humalakhak. Malaki ang kikitain ko kaya kailangan kong pagtiisan ang nakapa supladong binata na iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook