s**t!
Napamura nalang ako dahil sa babaeng iyon. Hindi ko aakalain na siya palang ang nakakasagot sa'kin nang pabalang at napakatapang nito.
Napaka clumsy niya talaga kaya natapunan niya ako ng kape. "Napakainit." Agad kong hinubad ang aking suot na damit.
Akala niya siguro ay hindi ko siya kayang isisante. Lumapit ako sa closet ko at kinuha ang sando ko na kulay puti at isinuot ito.
Lumabas ako ng aking silid nais kong ibalita kay Mommy ang nangyari.
Pababa na ako ng hagdan ng namataan ko si Rose at Mommy na nakaupo sa sofa.
Sinigawan ko siya. "Hoy babae diba pinaalis na kita!" sabi ko sakanya.
Tumayo sila ni Mommy sa sofa. "Hijo pagpasensyahin mo na si Rose hindi naman niya siguro sinasadya," sabi ni Mommy.
Si Mommy lang ang may gusto na may personal nanny ako para may mag ayos ng kwarto ko.
Apat ang katulong namin ngunit kahit isa sa kanila ay hindi ko pinapayagan na makapasok sa'king silid.
Tiningnan ko ng masama si Rose.
"Pasensiya na po Sir di ko po sinasadya na makasagot ng hindi tama sa inyo nagulat din po ako sa mga pangyayari," ani nito.
Tumawa naman si Mommy. "Oh see? Humihingi na siya ng sorry hijo," sabi nito.
Tumahimik nalang ako at tumititig lang kay Rose.
Nakaisip ako ng plano.
Evil plan.
Ngumisi ako sakanya. "Sige sumunod ka sa'kin ipapaayos ko sayo ang mga damit ko sa closet." Sabay talikod ko.
Makakatikim ka talaga sa'king babae ka!
Susubukan ko talaga ang tapang niya kung hanggang saan ang kanyang makakaya.
Dali-dali akong pumasok na silid ko at ginulo ang aking napakaraming damit.
Tapos ikinalat ko ang mga basura ko na mga papers sa buong silid.
Naglagay din ako ng cooking oil sa loob ng banyo.
Matitikman talaga niya ang batas ng isang Brent Lee!
Nag-iisang anak ng mga mayayamang negosyante.
Maya-maya pa ay may narinig akong katok sa pinto. Agad kong kinuha ang remote at binuksan ito.
Umupo ako sa chivel chair ko.
Nakita kong nagulat siya sa nadatnan niya.
Napakaraming basura sa sahig. Nakita ko rin na napatingin siya sa closet ko.
Mas biglang lumaki ang kanyang mga mata.
Tumingin siya sa'kin. "Sir kanina wala naman to ah," sabi niya.
Nagsmirk lang ako. "Bakit hindi mo ba kayang linisin at ayusin ang mga iyan?" hysterical kong tanong.
Nakita kong nagkagat labi ito bago sumagot. "Kaya ko Sir syempre sobra pa nga jan yung ginagawa ko sa dati kong trabaho e," sabi niya.
"Ganoon naman pala e," sagot kolang.
Nagsimula na siyang ayusin ang mga damit ko. Tinupi niya ang mga ito.
Sobrang napabilib talaga ako sakanya dahil napakabilis niyang magtupi.
Nakikita ko talagang sanay siya sa ganitong mga gawain. Makalipas ang kalahating oras ay natapos na siyang magtupi.
Nakikita kong inarrange niya ito ng maayos.
Pagkatapos ay nagsimula na naman siyang magwalis. Napakabilis niyang gumalaw.
Kumuha ako ng papel at nagkunwaring sumusulat. Maya-maya pa pinunit ko ito at itinapon sa sahig.
Inulit ulit ko ito.
"Sige Sir iyong cr muna ang lilinisan ko. Pakisabi nalang sa'kin kung pagod ka nang magkalat." Sabay talikod niya.
Ngumisi lang ako.
Pagkapasok niya sa cr ay narinig ko siyang sumigaw.
"Aaaahhhhh araaaaayyyyy kooooo!" sigaw nito.
Lumapit ako sakanya. "Are you okay?" natatawa kong tanong.
Tumingin siya sa'kin at pinandilatan ako ng kanyang mga mata. "Sa ginawa mong ito mukha ba akong okay? Napakasakit ng puwit ko Sir," sabi niya.
Umupo ako sa sahig katabi niya. "Tsk! kawawa naman ang sahig," sabi ko.
"Ano Sir? Imbes sa'kin ka maawa mas nag-alala kapa sa sahig nang banyo mo!" sigaw nito.
May itinabi akong isang timbang harina. Tumayo ako at kinuha ito. "Tingnan mo ito Rose,' sabi ko sakanya.
Tumingin naman siya habang hinihilot ang puwitan nito. "A-anong gagawin mo S-sir?" nauutal niyang tanong.
Alam kong may ideya na siya sa gagawin ko. Ibinuhos ko ito sakanya at humalakhak ng malakas.
Nakakatawa ang mukha niya. Sobrang puti ng kanyang buhok at mukha dahil sa harina.
Nakita ko sa kanyang mga mata na mas lalo pa itong nagalit.
"Walanghiya ka talaga!" sabi niya sabay unti-unting tumayo. "Papatayin kita!" sabi pa niya.
Lumabas ako ng banyo. Kinuha nito ang walis at hinabol niya ako.
Namataan ko rin ang dust pan. "Akala mo hindi kita papatulan na babae ka!" singhal ko sakanya.
"Ah ganon pala ha! Papatayin kitang animal ka!" sigaw pa nito.
Nakita kong umaapoy sa galit ang kanyang mga mata. Bigla akong nakaramdam ng kaba.
Shit!
Hinampas niya ako ng walis. Pinulot ko ang dust pan at gumanti sa kanya.
"Hindi porket mayaman ka ganyan kana magtrato sa'kin. Hindi ako natatakot sa iyo!" galit na galit niyang sigaw.
"Ikaw rin hindi porket babae ka akala mo hindi na kita papatulan. Eh ikaw palang ang babaeng nakita ko na dalawa ang likod bleee." Sabay dinilaan ko siya.
Oo inaamin ko, siya palang ang babaeng na encounter ko na kinakabahan ako.
Para kasi siyang wrestler e!
"Ah dalawa pala, ikaw matapobre ka na nga manyakis ka pa!" sabi niya sabay hablot sa braso ko.
Napakalakas niya. Nilock niya ang aking mga braso sa likod ko.
Mukha akong criminal na hinuhuli ng pulis.
Pinadapa niya ako at dinaganan sa aking likuran.
Gusto kong makawala ngunit napakalakas niyang babae.
Sumigaw ako. "Ano ba bitawan mo nga ako!" sabi ko sakanya.
"Never hanggat hindi ka nagsosorry sa'kin!" sabi pa niya.
Humalakhak ako. "Hanggang kailan hindi ako magsosorry sa isang katulong," sabi ko.
"Talaga?" hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking mga braso at idiniin pa nang sobra.
Napangiwi ako sa sobrang sakit.
"Ano ba Rose let me go!" sigaw ko.
"Magsorry ko or else pipilayin ko itong mga braso mo!" galit na galit niyang sigaw.
Sobrang sakit na ng mga braso ko.
Napakalakas niya!
"Fine!" sabi ko.
"Anong fine ha? Umayos ka!" sabi pa nito
"Sige sorry na! Just let me go kasi sobrang sakit na nang mga braso ko Rose," pagmamakaawa ko sakanya.
Hindi ko akalain na magmamakaawa ako sa isang babae.
Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa'kin.
"Kapag inulit mo pa ito hindi lang iyan ang aabutin mo! Papatayin na talaga kita!" pagbabanta niya sa'kin.
Nagulat at natakot ako sa sinabi niya.
Napabuntong hininga nalang ako.
Lumabas siya sa aking silid na parang zombie.
Nakakainis!
Saan ba kasi ni Mommy pinulot ang babaeng iyon!