Chapter 3. We Hate Each Other

1044 Words
Sobrang nakakainis! Ang sarap talagang putulan ng ulo ang Brent na iyon. Ang lakas niya mangtrip kaya ayun tuloy lumabas ang pagiging wrestler ko. Nandito na ako ngayon sa sarili kong kwarto. Napakaganda at malapad ang kwartong pinagamit sa akin ng Mommy ni Sir Brent. Sobrang hirap maging yaya nang isang taong matanda na at matapobre pa. Kung hindi lang talaga dahil sa pangangailangan ng mga kapatid ko ay lalayas na talaga ako dito. Tapos na akong magshower. Nilinis ko ang aking katawan dahil sa mga harinang binuhos ni Sir Brent sa'kin. Umupo ako sa harap ng aalamin at sinuklay ang aking mahabang buhok. Biglang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Tumayo ako kaagad at binuksan ito. Tumambad sa'kin ang Mommy ni Sir Brent. "Rose okay kalang ba? Kamusta ka? Si Brent talaga napakatigas ng ulo," pag-aalala nito. Ngumiti lang ako sakanya. "Okay lang po ako Maam 'wag po kayong mag-alala sa'kin," sabi ko naman sakanya. Hinawakan niya ako sa aking braso. "Wala bang masakit sa'yo hija? Sorry talaga sa ginawa ng anak ko," sabi pa nito. "Wala naman po, yung puwet kolang po medyo masakit," sabi ko naman sakanya. Napabuntong hininga lang ito. "Alam mo Rose walang yaya na tumagal jan kay Sir Brent mo lahat kasi pinagtitripan niya," sabi pa nito. "Yung iba naman umaayaw na talaga," dagdag pa niya. "Ah ganon mo ba Maam," sabi kolang. Tumango lang ito. "Nalulungkot nga ako e pinalaki naman namin siya nang maayos, iyong Daddy niya lang kasi ang nagspoiled jan sa batang yan nanggigil din ako sa matandang iyon e," sabi pa niya. Tumawa lang ako sakanya. "Alam mo Rose noong una palang tayong nagkita magaan na talaga nang loob ko sayo," nakangiting sabi nito. Gumanti din ako ng ngiti. "Naku Maam bakit naman po?" sabi ko sakanya. "Kasi ang ganda ganda mo tapos ang bait mo pang bata," sabi pa nito. Nasiyahan naman ako nang marinig ko iyon. Ganoon din lagi ang sinasabi sa akin ni Inay noon. "Tsaka nga pala ito ang uniporme mo oh, gusto lagi ni Sir Brent mo na lahat ng mga yaya niya naka uniporme e." Inabot niya sakin ang damit. "Salamat po Maam," sabi ko. Ngumiti lang ito. "Sige na bumihis kana at mauna na rin ako kasi may aasikasuhin pa akong negosyo." Sabay lakad nito. "Mag-ingat po kayo Maam," sabi ko. Kinawayan lang niya ako ng kanyang kamay. Agad akong nagbihis at nagsuot ng aking uniporme. Lumabas ako ng aking kwarto. May isang yayang papalapit sa'kin. "Ikaw ang bagong yaya ni Sir Brent?" tanong nito. "Opo," sagot kolang. "Ako nga pala si Alice." Inilahad nito ang kanyang kamay para mangamusta. Nakipagshake hands ako sakanya. "Rose pala." Sabay ngiti ko. Hinila niya ang aking braso at dinala ako sa kusina. "Naku Rose mag-ingat kajan kay Sir Brent dahil kung hindi disgrasya ang aabutin mo jan," sabi niya. "Ha? Bakit naman?" tanong ko. Uminom siya ng tubig. "Alam mo ba ang mga dating yaya niyan kahit ilang beses pakiusapan ni Maam na tataasan ang kanilang sahod wala talagang tumatanggap," ani nito. "May yaya nga yan na muntik nang mamatay e itinulak niya sa hagdan," sabi pa nito. "Nakakatakot talaga yan si Sir Brent grabi," dagdag pa niya. Tumahimik lang ako at nakikinig lang sa mga kwento niya. Maya-maya pa namataan ko si Sir Brent na papalapit sa amin. Suminyas ako kay Alice. Bigla naman itong tumahimik at kunwaring nagkukuskos nang kung ano-ano. Tiningnan niya ako nang masama. "Tumigil nga kayo sa kakachismis jan, ikaw Rose dalhan mo ako nang juice sa pool gusto ko mag sunbathing," sabi nito. "Sunbathing? Eh sobrang mainit na Sir baka masunog ang balat mo," sabi ko sakanya. "Ano bang pakialam mo? Ikaw ba ang masusunog?!" Sabay talikod nito. Tumahimik nalang ako. Tinimplahan ko siya ng apple juice. Sekreto kong nilagyan ito nang isang kutsarang asin. Lumapit ako at ibinigay sakanya. "Heto na po ang request niyo Sir," sabi ko. Inabot ko ito sakanya. Kinuha niya ito at agad na ininom. Napasuka siya. Ngitian ko siya at nagpacute ako. "Masarap ba?" insulto kong tanong sakanya. Sa sobrang galit niya ibinuhos niya sa'kin ang juice. "Ngayon ikaw naman ang tatanungin ko, masarap ba?" Sabay ngisi nito. Kalmado lang akong nakatitig sakanya. Nagsalita siya ulit. "Oh ano? Akala mo hindi kita papatulan ha, kahit na malakas kang babae ka hindi kita aatrasan tandaan mo yan!" sabi pa niya. Itinaas ko ang aking kamay at kinuyom ko ito sa kanyang harapan. "A-ano a-ang gagawin mo R-rose?" nauutal niyang tanong sa'kin. Nakikita ko sa mukha nito na natatakot siya. Agad ko siyang sinikmurahan. Ngumisi ako sakanya. "Ayan Sir Brent masarap ba?" tanong ko sakanya. "Gusto mo isa pa?" Akma na sana akong susuntok sakanya ulit ngunit bigla itong nagsalita. "No! 'Wag na Rose, piste kang babae ka angsakit," sabi nito habang nakahawak sa tiyan niya. "Hindi kulang pa yan, sige na ulitin natin," pagloloko ko sakanya. "Animal kang babae ka humanda ka sa'kin gagantihan kita!" galit nitong sabi. Ngumisi lang ako sakanya. "Edi gumanti ka hihintayi ko Sir!" sabi ko sakanya. Dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay. Sumunod naman ako sakanya. Nakita ko sa pintuan si Alice kasama ang tatlo pang kapwa ko katulong. Nakatingin lang kami habang paakyat si Sir Brent sa hagdan. Nang hindi na namin ito matanaw ay lumapit silang apat sa'kin. Halos hindi sila makapaniwala. "Rose paano mo nagawa yon? Hindi namin iyon inakala ang galing galing mo naman," puri ni Alice sa'kin. "Maliit na bagay lang yon," sabi ko. Kinuha ni Alice ang aking kamay at itinaas ito. "Palakpakan ang napakatapang na si Rose!" sigaw nito. Naghiyawan naman silang tatlo. "Psst, hinaan niyo lang ang boses baka marinig tayo ni Sir," sabi pa ni Alice. Ngumiti lang ako sa kanila. "Sa wakas nakahanap na rin ng katapat si Sir Brent," sabi pa ni Alice. "Ginawa ko yon para hindi na niya ako apihin, dapat tayong mga babae marunong din tayong lumaban lalong lalo na kung hindi tama ang ginagawa sa'tin," sabi ko. Tumatango lang sila. Alam kong sobra ang galit ni Sir Brent sa'kin. Nagsalita ulit si Alice. "Pero Rose ha, mag-ingat ka kasi gaganti at gaganti yan si Sir Brent," paaalala nito. Tumango lang ako at hindi na sumagot. Handa akong harapin ang igagante ni Sir Brent sa'kin. Anytime, Anywhere!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD