Chapter 4. I ruined his Night

2058 Words
Namimiss ko na ang mga kapatid ko. Ilang buwan ko na rin na hindi sila nakikita ni cellphone wala ako para matawagan sila. Kamusta na kaya ang mga iyon? Kunsabagay nandoon naman si Abegail na mag-aalaga sa kanila. Nandito ako ngayon sa kusina habang umiinom ng malamig na tubig sa reef. Narinig kong bumukas ang front door. Agad naman akong sumilip kung sino ang pumasok. Nakita ko si Sir Brent at may kasamang isang babae. Naglalandian silang dalawa. Ang babae naman halatang haliparot. Sa mga pananamit niya palang ay halata ko na. Nakita ako ni Sir Brent kaya tinawag niya ako. "Hey! Lumabas kana diyan huwag ka ng sumusilip silip!" sabi niya sa akin. Nakasilip kasi ako sa kanila at ang kalahating katawan ko nakatago sa pader ng semento. "Magandang gabi po Sir!" bati ko naman sa kanya. "Girlfriend niyo po?" tanong ko pa. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ganoon siy lagi kung makatingin napaka yabang akala mo naman kung gwapo eh ang pangit naman ng itsura. Well, echos ko lang iyon. Gwapo naman talaga si Sir Brent lalong lalo na ang ganda ng mga mata niya, mapupungay ang mga ito at macho ang katawan. "Bakit kaba nagtatanong?!" mataray naman na sabi ng babae sa akin. "Ahmmm... wala lang. Masama bang magtanong? Alam mo sis, sa totoo lang ha at 'wag kang magagalit sa sasabihin ko." Ngumisi ako sa babae. "Hindi lang naman ikaw ag dinalang babae ni Sir Brent dito eh, pang ilan kaba? Isa, dalawa, tatlo, apat, lima ay alam ko na pang anim na babae kang dinala ni Sir dito," sabi ko sabay tawa at tumingin kay Sir Brent. Napaka seryoso ng kanyang mukha. Halatang galit na galit sa akin at nakatitig ito ng masama. "Is it true Brent? Ang sabi mo sa akin ako lang ang babae sa buhay mo! You are liar! Pinaniwala mo ako na mahal mo ako! Binigay ko sa iyo lahat pati ang virginity ko!" mangiyak ngiyak na sabi ng babae sa kanya. Ako? Chill lang habang nakikinig hindi naman ako takot kay Brent eh. Tama nga sila, It's more fun in the Philippines talaga. "No! Huwag kang mani-" Hindi ko na pinatapos magsalita si Brent at sumabat naman ako. "Huwattt? Anong gusto mong sabihin na huwag siyang maniwala sa akin? Duhhhh! Nagsasabi ako ng totoo no! Naku sis, sa kanya ka hindi maniwala kasi magsisinungaling iyan. Last time na may dinala siyang babae dito lasing pa nga sila eh tapos naghahalikan ka habang papasok siyan sa pintuan!" sabi ko sabay duro ng pintuan. Sinampal ng babaeng iyon si Brent ng napaka lakas. "Ang kapal ng mukha mo Brent, walang hiya ka talaga. Pati parents ko pinaniwala mo na ako ang papakasalan mo. Mabuti nalang at may nagsabi sa akin ng totoo dahil kung wala baka nagtanga tangahan pa ako sa iyo!" sabi naman ng babaeng iyon at may paiyak iyak pa. Tiningnan ako ni Brent at nanlalaki ang kanyang mga mata. "Bawiin mo ang sinabi mo sa kanya, Nanny! Ang kapal mukha mong siraan ako sa girlfriend ko!" sigaw sa akin ni Brent. "Lyn, don't believed her. She's lying. Kaya lang niya sinasabi iyan dahil galit siya sa akin. Ako ang pakinggan mo babe. Please!" nagmamakaawang sabi ni Brent sa girlfriend niya. Marunong din pala itong magmakaawa ang mokong na 'to? Para siyang tuta sa harap ng girlfriend niya ngayon ha. "Excuse me, Sir!" sabi ko naman. "Stop playing her, just tell her the truth that you are not..." Hindi ko na alam kung ano sa english ang susunod kong sasabihin. "Basta, ito ang ibig kong sabihin. Huwag mo na siyang laruan, sabihin mo nalang sa kanya ang totoo na niloloko mo lang siya," sabi ko at ngumiti sa kanya. Tinangka niya akong susugurin pero pinakitaan ko siya ng kamao ko. "Subukan mo dahil baka hindi lang puso mo ang ma broken ngayon, baka pati mukha mo babasagin ko!" pagbabanta ko sa kanya. Napaatras naman siya at napalunok ng laway. "Tama na 'to Brent. Let's split up! Ang dami mo ng nagawang kasalanan sa akin pero iniintindi kita at pinapatawad. Pero ngayong alam ko na may mga babae kapa? Hindi na. Tama na 'to siguro dahil pagod na ako sa sakit na pinaparamdam mo sa akin!" sigaw ng babae sa kanya. "Dapat lang sis na hiwalayan mo siya. Fuckboy kaya ang boyfriend mo kahit sinong babae pinafuck. Like ewww! Hindi ba ang dirty dirty niya," sabi ko pa at ngumiwi. Walang nagawa si Brent kundi tumitig lang sa akin ng masama. "I have to go!" sabi ng babae at timakbo palabas ng bahay nina Brent. "Lyn-" "Enough, Brent. I don't want to see your face anymore!" sigaw pa ng babae habang patakbong lumalayo. Nang makaalis na siya ay nakatingin pa rin sa akin si Sir Brent. Nakatulala lang ito sa akin. "Sir, okay kalang?!" insulto kong tanong sa kanya. Hindi pa rin sumasagot. Lumapit ako sa kanya at nakasunod pa rin ang yinyin nito sa akin. Nagwave ako ng kamay sa kanyang harapan. "Hello! May tao ba dito? Ang saya no, dahil may nasira akong relasyon ngayong gabi. Iyan talaga ang makukuha mong premyo kapag nang aabuso ka ng tao," sabi ko at humalakhak sa tawa. "Inaano bakita diyan ha! Ikaw, sinira mo kami ni Lyn. Ang kapal ng mukha mo talagang babae ka. Kaya noong unang kita ko palang sa iyo ay kumukulo na talaga ang dugo sa inis eh," sabi ni Brent sa akin. "Our feeling is mutual. Bakit akala mo natutuwa rin ba ako sa iyo? Kung hindi lang dahil sa pangangailangan ko at sa pakiusap ni Mother mo sa akin wala na ako dito ngayon!" sabi ko rin. "Alam kong galit ka sa akin pero sana hindi mo pinakialaman ang relasyon ko!" sigaw nito. "Kaya nga, alam ko rin na galit ka sa akin pero sana hindi mo rin pinapakialaman ang trabaho ko. Nagtatrabaho ng maayos ang tao tapos hindi ka nagcocooperate? Hindi naman tama iyon na porke't boss ka ay okay na na pahirapan mo ang mga katulong mo!" sabi ko rin. "Humanda ka sa akin dahil gagantihan kita!" aniya. "At sa anong paraan? Pahihirapan mo ako sa trabaho? Naku, napaka basic sasusunod kapag gumati ka iyong masusuprised naman ako ha," sabi ko. Napahawak siya sa kanyang ulo at sumigaw. "Ahhhhhh! Si Mommy talaga ang dapat sisihin nito. Saan kaba niya napulot? Sa basurahan? Kaya pala amoy toxic dito eh," sabi naman niya sa akin. "Hindi ako pinulot ng Mommy mo sa basuruhan kundi sa kanal. Oh ano ngayon? Tsaka baka ikaw 'yong amoy toxic kasi ako kakaligo ko lang," pang-aasar ko pa sa kanya habang inaamoy amoy ang sarili ko. "Siraulo kabang babae ka? Alam mo hindi ko alam kung matatawa ako sa iyo o magagalit dahil diyan sa pinapakita mong ugali eh. Baka kulang ka sa pansin kaya mo iyon ginawa sa girlfriend ko!" sabi naman nito. Hindi na ako sumagot at tumawa lang. Hawak ko pa ang baso na may tubig na malamig kaya ininom ko ito sa kanyang harapan at dinilaan ko pa ang baso para maasar siya lalo. Nakikita ko naman siyang parang nandidiri sa akin. "Umamin ka nga sa akin, Rose! May gusto kaba sa akin?!" tanong nito. Nabigla naman ako sa sinabi niya tsaka naka timing naman na may laman na tubig ang bunganga ko kaya nasamid ako at naibuga ko ang tubig sa kanyang pagmumukha. Ubo ako ng ubo. Habang siya naman ay punas naman ng punas sa kanyang mukha. "Kapag minamalas ka naman talaga oh!" inis nitong sabi. Hinampas hampas ko ang dibdib ko dahil sobrang sakit pala masamid ng tubig. Naluluha na ang aking mga mata sa pagkakaubo ko. "Hoy! Nanny, okay kalang?!" sabi nito sa nag-aalalang tono. Hindi ako makasagot dahil hindi pa rin ako tumitigil sa pag ubo. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking likuran at unti-unti niyang hinaplos ang likod ko. Hindi ko maintindihan ang aking sarili pero nakaramdam akong may kuryenteng gumaoang sa buong pagkatao ko. Ang init ng kanyang palad ay nararamdaman ko kaya mas lalong uminit din ang aking buong katawan. Hala! Ano ba 'tong nangyayari? Bigla ko siyang itinulak palayo sa akin dahil hindi ko gusto ang nararamdaman kong ito. Nagulat naman siya sa aking ginawa. "Ang kapal talaga ng mukha mo bakit mo'ko itinulak?!" galit nitong singhal sa akin. "Bakit mo ba kasi hinahaplos ang likod ko? Alam mo ikaw napaka maniac mo talaga eh no? Mapagsamantala ka!" sigaw ko sa kanya. Kumunot naman ang kanyang noo sa sinabi ko. Humalakhak ako sa kanyang harapan. "Ang biliso talaga mauto Sir Brent. Hindi naman talaga ako nasamid eh nagkukunwari lang ako. Ngayon, al ko na nag-aalala ka sa akin," sabi ko. "A-ano?!" sabi niya habang nakakunot-noo pa rin. "Yes!" sabi ko naman sa kanya. Ang galing pa ng pag YES ko dahil parang nanalo ako sa lotto dahil sa ekspresyon ko. "Baka ikaw 'tong mapagsamantala! Palibhasa type mo ako kaya ka nag-iinarte," aniya. "Ehhh! Hindi kita type Sir Brent, yuck! Ako magkakatype lang sa kagaya mo? No way! Hinding hindi!" sabi ko saka umiwas ng tingin. Nagulat nalang ako ng nasa harapan ko na siya. Ang lapit lapit na ng mukha namin at kunting-kunti nalang ay maghahalikan na kami. Takte naman oh! "Sigurado ka na hindi mo ako type?" bulong nito sa akin at biglang hinawakan niya ang beywang ko. Napaigtad ako sa kanyang ginawa. Naka eye to eye pa talaga kaming dalawa. Ito talaga ang ayaw ko sa lahat, ang titigan sa mata si Sir Brent dahil nalulunid ako sa kanyang kagwapohan. "H-hindi kita type," mahina kong sabi. Idinikit niya ang kanyang katawan sa katawan ko. Para akong statwa at hindi na makagalaw dahil baka dumikit ang labi naming dalawa. Ramdam ko ang init at matigas nitong katawan. Nakakaakit. "Ano hindi mo pa rin ako type?" nakangisi nitong tanong. "Ano ba Sir Brent bitawan mo nga ako!" sabi ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak niya sa akin. Nakangiti lang siya at kumindat pa. Umiwas ako ng tingin. "Nakakaubos kana ng pasensiya Sir Brent, susuntukin ko na talaga ang pagmumukha mo kapag hindi mo pa ako binitiwan!" galit na pagbabanta ko sa kanya. Hindi na siya sumagot pa. Mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Inubos ko ang pwersa ko sa pagtulak sa kanya pero hindi ko talaga kinaya. Napautot nalang ako sa aking ginawa. Nang tiningnan ko siya nahuli ko siyang nakatitig sa akin at napaka seryoso ng kanyang mukha. Ano kaya ang iniisip ng lalaking 'to? Nakakatunaw ang kanyang nga tingin sa tingin. Gusto ko na magpalamon sa langit dahil napaka awkward talaga ng posisyon namin. Ano sa teleserye lang tapos nakapause? "Rose!" sambit niya sa pangalan ko. "Ano?" sahot ko naman sa kanya. "Ang baho naman ng utot mo. Kaya hindi ako nakapagsalita kanina dahil naamoy ko talaga ang masamang hangin." Binitiwan niya ako at nagduduwal siya. Napatawa ako. "Ikaw naman kasi eh sabing bitawan mo na ako ang kulit mo kaya ayan tuloy," natatawnag sabi ko. "Nakakadiri ka talaga kababae mong tao tapos ganyan ka. Eww, kahit sino matuturn off talaga sa iyo. Ganyan kaba kiligin? Umuutot?" sabi naman nito. Hindi na ako umimik pa. May narinig akong tunog ng heels pababa ng hagdan kaya pinunasan ko ang mga pawis ko. "Hey guys, parang vibes na ata kayo ah," sabi ng Mommy ni Brent. "Anong vibes ang pinagsasabi mo, Mommy! Nakakinis kaya ang babaeng ito. Hindi mo ba alam kung ano ang ginawa niya sa girlfriend ko kanina? Binastos niya. Gumawa siya ng kwento na nagdadala daw ako dito ng babae, kaya ayun. Na walkout si Lyn!" sabi naman ni Sir Brent sa Mommy niya. Medyo nahiya naman ako dahil baka pagalitan ako ni Ma'am sa ginawa ko at kinakabahan ako. "Si Lyn? Iyong girlfriend mong malandi? Hayaan mo na kung mag walk out siya hindi ko naman siya gusto para sa iyo eh," nakangiting sabi ng Mommy ni Brent. Hindi na umimik si Brent at padabog na umakyat sa taas. Nang maiwan kami ni Mommy niya ay napayuko ako. "Ma'am pasen-" "Okay lang Rose. Nakita at narinig ko ang lahat ng nangyari at dahil diyan bukas na bukas pagpasyalin mo ang mga kapatid mo dito," sabi ni Ma'am sa akin. Napayakap ako sa kanya sa sobrang saya. Ang bait bait talaga ni Ma'am sa akin. Sana lahat ng mga amo ganito kabait tiyak na walang katulong na madidismaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD