Hindi na namin alam ang gagawin kay Brent, pati si Tita ay nagpapakalasing na rin dahil sa sobrang stress niya. Umiiyak pa ito at sinasaktan ang kanyang sarili dahil nahihirapan na siya sa sitwasyon ni Brent. "Tita, tama na po huwag niuo namang saktan ang sarili niyo. Walang may gusto na maging ganyan si Brent. Sana pumayag na kayong dalhin si Brent sa mga espesyalista para masuri siya ng maayos," sabi ko sa kanya. "Hindi gusto ni Brent na masira ang negosyo namin. Lahat ginagawa niya para maging top 1 lang kami. Sisishin niya ako kapag malugi ang negosyo namin, nangako siya sa akin at sinabihan niya ako na kahit anong mangyari ay hindi ko pababayaan ang negosyo namin at hahayaan na malugi," sabi naman niya. "Uunahin niyo pa ba ang negosyo at pangako mo kay Brent? Makakaya mo bang nakiki

