"Walang hiya kang babae ka!" Sinampal ko si Jenny ng napakalakas. Hindi ko na pinansin si Nathan, naabutan ko silang nag-uusqp dito sa labas ng mansyon. Nang makita ko ang sitwasyon ni Tita ay kaagad ko siyang hinanap sa buong bahay pero hindi ko siya nakita. Ang sabi ni Alice, nakita niya daw si Jenny na lumabas at binuksan kung sino ang nag doorbell. "Bakit?! Ano bang ginawa ko sa iyo?!" galit nitong tanong. "Talaga? Talagang hindi mo alam ang ginawa mo?!" Sinabunutan ko siya at kinaladkad papasok sa mansyon para ipakita ang sitwasyon ni Tita Vernice. Todo awat naman si Nathann sa amin. "Rose, bitawan mo siya. Ano bang ginagawa mo?!" sabi sa akin ni Nathan. Sumusunod siya sa likuran namin ni Jenny habang hawak-hawak ko ang buhok ng babaeng bruha na ito. "Aray! Ang sakit Rose, bitawa

