Nakatulog na ako dito sa ospital at hanggang ngayon ay under observation pa rin si Brent. Naka oxygen ito at may sugat siya sa ulo. Salamat sa Diyos at naging succesful naman ang kanyang operasyon pero iyon nga lang, comatose daw siya sabi ng Doktor. "Hija, may bisita ka!" sabi ni Tita Vernice sa akin. Mugto ang kanyang mata sa sobrang kaiiyak. "Sino po?!" tanong ko naman. "Rose!" tawag sa akin ni Nathan. Nakita ko siya na nakatayo sa may pintuan at kasama pa niya si Jenny. Kaagad akong lumapit sa kanya at niyakap siya. "Nath, mabuti naman at pinuntahan mo ako dito!" bulong ko sa kanya. "Umuwi kana muna, kailangan mong magpahinga. Baka mapano ang baby mo!" sabi naman ni Nath sa akin. Si Jenny naman ay umiiyak habang nakatingin kay Brent. "Hindi ko inexpect na ganito ang mangyayari kay

