Apollo Jake's POV
Kagagaling ko lang ng Korea at kakauwi ko lang kahapon pero agad akong pinapasok ni Daddy at Mommy ngayon gusto daw akong makita ni lolo na siyang may ari ng skwelahan. Mahigit 2 years akong nag stay sa Korea pero pinauwi na ako ni mommy dahil nakarating kay lolo ang mga kalokohan na pinaggagawa ko dahil pati sa Korea ang hilig kong mang bully.
Ang pangbu-bully kasi namin ay ginagawa namin para pagtripan yung mga estudyante para hindi kami mahalatang gangster.
Nakasakay ako ngayon sa mamahalin kong kotse na regalo sakin ng aking daddy.
Bumusina naman ako para buksan nung Guard yung Gate pero hindi naman binuksan nung Guard at lumapit siya sa bintana kaya naman inis akong ibinaba yung bintana ng kotse ko.
"Good morning po, sir?" Bati nung guard pero hindi ko siya pinansin.
"Buksan mo yung gate!" Seryoso kong utos.
"Ah.. eh sir..Bawal po kasi kami magpapasok ng hindi namin kilala---" Inis ko naman siyang nilingon at tinanggal ko yung suot kong sunglass.
"Hindi mo ba ako kilala ha?!" Inis na sigaw ko sa guard at nakita ko naman siyang parang natakot sa pag sigaw ko. "Ako lang naman si Apollo Jake Fuerte ang nag iisang apo ng may-ari ng school na ito" Inis na sigaw ko pa rin sa gunggong na guard na 'to.
"Tandaan mo 'tong oag mumukhang 'to!" sigaw ko ulit sa kanya at agad naman siyang humingi ng tawad.
Sinuot ko na ulit yung sunglass ko at saka ko na tuluyan ng oumasok sa loob ng school. Pinark ko na yung sasakyan ko sa parking lot at saka lumabas ng kotse ko at akmang kukunin ko na yung phone ko para matawagan ko yung apat na ugok kong kaibigan, ng biglang may humipan sa tenga ko dahilan para magulat ako. Pagka lingon ko ay yung apat na ugok pala na tawang tawa sa ginawa nila sakin.
"F*ck you ka! Adonese Rivero!" Inis na sigaw ko sa kanya dahil siya lang naman yung humipan sa tenga ko. Si Adonese Rivero ay ang pinaka maloko samin pero crush ng mga babae lalo na kapag ningingitian niya tapos makipag-meet siya pero hindi naman susulpot sa babaeng ime-meet niya. Paasa din eh!
"Gulat ka ba Jake?" Tawa niyang tanong at akmang babatukan ko siya ng bigla siyang tumakbo palayo at inaasar-asar pa ako.
"Parang ngayon lang kita nakitang nagulat ah hahahaha" Tawa naman na sabi ni Eros Santiago chick boy samin pero mahilig rin mag-paasa ng babae.
"Baka kinakabahan dahil baka sabunin agad siya ng kanyang lolo" Natatawa naman na sabi ni Grant Maximus Luna na mahilih magbiro pero mabilis agad ma-fall sa babae, tsk!
"Baka ang nag sumbong si ate Jamie hahaha" Tawang-tawa naman na sabi ni Kyle. Si Zayn Kyle Savedra ang pinaka-torpe samin at kapag may nagkaka-crush sa kanya ay hindi niya gusto pero kapag gusto niya yung babaeng nagkaka-crush sa kanya ay torpe naman manligaw. Tsk!
Napakunot naman noo kp dahil sa sinabi ni Kyle."Bakit naman ako isusumbong ni ate Jamie kay lolo? Eh hindi naman niya alam na nangbubully ako sa Korea ah?" Nagtataka kong tanong kaya napatango-tango naman siya.
"Oo nga no? Kung ganun eh sino?" Tanong niya rin pero nagkibit balikat lang ako. Napatingin naman kaming lahat nung biglang nagsalita si Adonese.
"Baka si Bryce" Sabi niya at saka na siya lumapit samin. Napakunot naman noo ko.
"Bakit naman ako isusumbong ng g*gong yun?" Kunot noo at inis kong tanong kay Adonese.
"Edi ba isinumbong mo rin siya no'n na binully niya yung schoolmate natin na babae noon. Pero totoo ikaw naman talaga nangbully sakanya at ibinintamg mo kay Bryce kaya napatalsik siya. Kaya siguro gumanti sayo hahahaha" Sagot naman ni Adonese sinbayan pa ng tawa.
Naalala ko nga noong nasa nasa Gillford pa kami nag-aaral ng may binully nga ako noon na babaeng mukhang manang manamit tapos may malaking salamin na bilog sa mata at gulo-gulo din yung buhok niya na parang hindi talaga nagsusuklay at nung intinuro kong nangbully sa kanya ay si Bryce kahit hindi naman talaga nangbubully si Bryce kaya siya nagalit sakin noon. At saka hindi naman ako kilala nung babaeng binully ko dahil madalas lang siyang nakayuko at parang walang pakialam sa paligid niya.
"Pero teka nasaan na kaya yung si Bryce noh? Saan na kaya nag-aaral yon?" Rinig ko naman na tanong ni Grant na napaisip pa pero hindi ko na siya pinansin.
"Tsk! Tara na" aya ko na sa kanila. "Hoy!chick boy baka iba yang iniisip mo ah?!" Kunot noo ko naman na sabi kay Adonese na napakunot pa ang noo.
"Palitan mo yung chick boy gawin mong lover boy" Kunot noo niyang sabi pero napailing-iling nalang ako saka naunang naglakad sa kanila kaya naman agad silang humabil sakin at sumabay sa paglakad.
Papasok na kami ngayon sa loob ng campus ng bigla akong napatigil sa paglalakad at ganun din ying apat dahil naglalakad na papasalubong samin si Bryce at sila Aaron, Brayden, Devin at Steffan. Narinig ko naman na biglang bumulong si Kyle na nasa tabi ko.
"Sina Bryce" Bulong niya sakin pero hindi ko siya nilingon pero sinagot ko yung sinabi niya.
"Oo alam ko!" Nakangisi kong sagot at napansin ko naman na maraming tao ang nakikiusyo samin ngayon na parang nanonood.
Dahan dahan naman akong lumapit sa kanila habang nakangisi."Thank you nga pala sa pagsalubong niyo sa pagbabalik namin" Nakangisi kong sabi at tinignan mula ulo hanggang paa si Bryce na seryoso lang ang mukha ata parang hindi naman siyang masaya na makita kami.
"So dito ka pala lumipat? Talagang ayaw mo ko iwan ah" Kunwaring natatawa kong sabi pero seryoso parin yung mukha niya.
"Parang masyado ka atang seryoso?" Patuloy kong sabi at tanong na may ngisi parin pero sa wakas nagsalita din siya.
"Seryoso naman talaga ako at matino, hindi tulad mong isip bata" Seryoso at may ngisi niyang sabi kaya napataas naman yung dalawa kong kilay at inilapit ko naman mukha ko sa kanyang tenga sabay bumulong.
"Ganun talaga dahil kailangan magpanggap, kayo nga hindi mahahalatang gangster kayo sa pagka seryosos mo" Ngisi kong sagot sa kanya.
"Maiba nga, paano niyo nalaman na nakabalik na kami? Alam ko naman na halos lahat ng tao dito kilala ako dahil ako naman ang nag iisang apo ng may-ari ng paaralan na ito. So sinong nagsabi saiyo na nandito ako? Yung tropa mo bang nasa third year?Sunodsunod kpng tanong pero hindi naman niya sinagot yung mga tanong ko at bigla siyang nagsalita.
"Ito lang ag sasabihin ko sayo, na hindi ko ugaling mangbully ng tao tulad mo ang gusto ko lang ay maka-graduate sa high school pero ng dahil sa kagaguhan at kalokohan mo idinamay mo ako! Pasalamat ka at inabutan mo ko ng dahil lang diyan sa ginawa mo! Kaya ako nandito para mag-aral kahit gangster ako matino parin ako at hindi ako kagaya mong gangster nga isip bata naman!" Seryoso at may halong inis na sabi niya .
Ano daw? ako isip bata?
"Hindi man tayo close, pero sana nag-iisip ka! Hindi yung sarili mo lang iniisip mo eh paano naman ako kami na gusto din makapag tapos. Ikaw kasi napaka g*go mo! Isip bata kana nga, dapat magtino ka na at sino ba naman hindi magagalit sayo gawa mo tapos sinisi mo sa iba! Tsk!" Seryoso at inis pa rin niyang sabi at saka na siya tumalikod at ganun din mga kasama niya pero bigla akong nagsalita na ikinatigil nila pero hindi sila lumingon.
"Isip bata na kung isip bata, basta walang makakapigil sakin!" Seryoso at may halomg inis na sabi ko.
"Ikaw bahala, basta kapag nanisi ka pa ng iba ako na mismo magpapa talsik sayo kahit kayo pa may-ari nito Paaralan" Nakatalikod na seeyoso niyang sabi saka na sila tuluyang umalis.
Napapadyak na lang ako sa inis at saka sumenyas sa mga kasama ko saka na kami umalis at nung dumadaan kami sa hallway napapa tabi naman yung mga tao sa gilid na nakaharang sa dinadaanan namin.
Bryce's POV
Nakakunot noo ko habang naglalakd pabalik ng classroom habang nakasunod yung apat. Nauuna kasi akong maglakad sa kanila at naiinis pa rin ako.
Basta nerd at manang daw manamit eh halos mga nakikita ko dun mga nerd din eh.
Magpapaliwanag sana ako kaya sir 'non na hindi naman ako ang nangbully pero huli na ang lahat dahil agad akong pinatalsik sa dati kong pinag-aaralan. At saka alam naman talaga nila na hindi ako yung nambully pero pinagbigyan niya muna ng isang pagkakataon na magbago kaya ipinadala siya sa ibang bansa.
At saka ako ang nagsumbong kay Mr. Fuerte na nambubully pa rin siya sa Korea dahil may kaibigan kami dun na nagsusumbong sakin na pinagkakatiwalaan ko.
At lahat yon ay alam ko dahilpi pinagkakatiwalaan narin ako ni Mr. Fuertr dahil nalaman din niya na hindi naman ako nangbubully .
Malapit na kami sa classroom naming ng bigla akong napahinto ng makita ko ang binubully ng mga tatlong babae yung bago naming classmate.
Napatingin naman akosa apat at sumenyas na tulungan yung bago naming kaklase na si Ai Amara Santos sa tatlong mala coloringbook ang mukha. Akmang lalapit naman kami nv bigla namang dumating Jake at ang ikinagulat ko ay nginisihan niya si Amara at saka nilapitan.
Ito na naman 'tong isip bata na 'to!
Nagsimula naman akong maglakad papalapit sa kanila ng mapansin kong nakangisi parin si Jake at ilang saglit pa nagsalita siya.
"You look familiar?"