CHAPTER 3

2648 Words
Ai Amara's POV "Are you Ai Amara Santos?" Tanong nung babaeng straight at mahaba ang buhok at sa amy dulo ay kulot. Naka-cross arms siya habang nakataas yung isa niyang kilay, matangkad at morena."Ikaw ba yung bqgo dito?Or transferee ka?" Mataray parin niyang tanong pero hindi ko siya pinansin. "Are you a complete moron?" Narinig kong tanong naman nung isa. "H-hindi" Walang gana kong sagot at akmang tatalikod na ako at papasok na ulit sa classroom ng bigla nila akong hawakan sa braso ng mahigpit. "Kapag tinatanong ka, sumagot ka kasi agad!" Galit na sigaw niya sa akin. Napansin kong parang galit na galit siya. Walang emosyong inalis ko ang kamay niya sa braso ko at tinignan siya na parang normal lang. "Bakit ba kasi pinapasok ka pa dito? Ang dapat mong pasukan dun sa public school na kung saan nag-aaral ang mga kapwa mo basura!" Frustrated na naman niyang sabi, pero hindi ako kumibo at nakatitig pa rin ako sa kanya na parang wala lang. "Basura nga ako, langaw ka naman" Walang emosyon ko pang sabi at nakita ko naman sa mukha niya ang subra pagkainis. Akmang sasampalin na niya ako ng biglang may dumating na limang lalaki na mayaman dahil napansin ko yung mga damit nila mukhang mamahalin talaga. Big Time! Nagulat ako ng bigla silang lumapit sa amin pero tumingin muna sila sa tatlong babaeng naka cheerdance uniform at saka tumingin sa akjn ng naka ngisi. "You look so familiar?" Nakangisi niyang tanong pero nakatingin lang ako sa kanya ng deretso. "Hindi mo ba ako natatandaan?" Nakangisi pa rin niyang tanong sakin. Ano ba pinagsasabi ng lalaking 'to "Malamang hindi, dahil madalas ka lang namang nakayuko" Ngisi pa niyang sabi. Tsk! Wala naman akong pakialamkung sino siya at mas lalong wala naman akong paki alam kung siya yung nangby-bully sakin noon na tinisod ako sa harap ng maraming tao. "Di ako interesado at wala akong pake sa mga pinagsasabi mo" Seryoso kong sabi at bigla napataas yung isa niyang kilay. "So, wala kang palang pakealam kahit na ipinapahiya at nilalait ka sa harap ng maraming tao. Sabagay tama naman sila na bakit dito ka pa pumasok eh mukha ka namang basura?" Sunodsunod niyang sabi saka sabay tumawa, pero tinignan ko lamang siya. Sige, laiitin mo ako baka magulat ka nalang bigla! Kapag may taong nangbu-bully kasi sakin diko masyadong pinapansin pero mukhang sa lalaking ito magiging totoong Ai Amara Santos na bindi nila alam na kung sino talaga ako.At mukhang sa lalaking ito ako macha-challenge dahil ang magiging plano ko ay magpaka-bully muna ako sakanila hanggang sa malalaman nalang nila na isa akong----Secret! Malalaman niyo rin kung sino talaga ako. "Hoy! Hindi mo ba ako kilala hah?!" Tanong niya na naiinis na naman. "Hindi ka naman nagpakilala paano kita makikilala" Agad na sagot ko at nakita ko namang napapikit siya at itinulak niya ako bigla kaya napasandal ako sa pader at qko ay kinulong niya sa kanyang mga bisig. Napansin ko naman na dumadami na ang nakiki-chismis hindi ko na sila pinansin at tinignan na lang 'tong lalaki na isip bata. "Hindi mo ba talaga ako kilala" Galit na sigaw niya sakin kaya ako 'to gulat na gulat pero di parin ako sumagot. Ang kulit naman nito!Hindi nga kita kilala at wala akong balak na kilalanin ka! "Pwes! Magpapakilala ako! Ako lang naman si Apollo Jake Fuerte ang nag-iisang apo ng may-ari ng paaralan na 'to!" Malakas na sigaw niya sa mukha ko. Tch!Eh ano naman kung apo ka ng may-ari ng school na 'to. "Oh tapos?" Biglang kunot noo ko namang tanong. Bigla din naman kumunot noo niya. "Oh anong tapos?" Kunot noo niyang tanong na parang nagtataka. "May sasabihin ka pa ba?" Tanong ko na wala pa rin emosyon. "Oo meron pa!" Sigaw niya ulit pero hindi na ako sumagot. "Ang pangit mo!" Malakas na sigaw niya sakin qt agad naman nagtawanan yung mga tao sa paligid. "Kung ganon....Abnoy ka!" Inis na sabi ko at inalis yung braso niya na nakaharang sakin. Maka-pangit eh atlis matalino hindi tulad mo isip bata na nakikipag-away pa sa babae. Umupo na lang ako sa may upuan ko sa likod at mayamaya pa ay oumasok na rin yung mga kaklase ko at ang sasama ng tingin nila sakin pero wala akong paki hanggang sa dumating na yung teacher namin at saka nagturo. Apollo Jake's POV Nakakainis yung babae na yon ah!? Ang yabang kala mo naman kung sino! Pwes! Humanda ka sa gagawin ko. Mamaya ka talaga sakin! Padabog akong nauunang maglakad sakanila habang papunta sa college building. Ang college building kasi ay nasa kabila pa pero sa building ng high school ka dadaan para dina masyadong malayo lalakarin mo. "Jake?" Napahinto naman ako sa paglalakad ng marinig ko ang pangalan pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko kaya inis ko naman 'tong liningon. Si Bryce! "What?!" Inis kong tanong. Lumapit naman siya sakin. Napansin ko naman na siya lang mag-isa ngayon at hindi niya kasama sina Brayden. Lumapit naman si Bryce samin na seryoso lang ang mukha."Ano?! may sasabihin ka hah?!" Inis na tanong ko perohindi pa rin siya nagsasalita at seeyoso parin ang tingin sakin "Anp magsalita ka---" Hindi ko na natapos sasabihin kong bigla siyang nagsalita na ikinakunnot ng noo ko. "Mag-sorry ka" Seryoso niyang sabi. "Kanino ako magso-sorry?Sayo? O dun sa Nerd na mukhang basura Ha..no way---"Hindi ko naman natapos yung sasabihin ko ng magsalita ulit siya. "Hindi sakin! At kahit hindi ka na mag-sorry sakin dahil sa ginawa mong katarantaduhan ayos lang, mag sorry ka kay Amara" Seryoso pa rin niyang sabi. Amara? Amara pangalan ni ner? Ang pangit aing pangit niya Hahahaha. "Bakit naman ako magso-sorry dun? Tsk, dapat lang sa kanya yun dahil mukha naman talaga siyang basura" Inis na sabi ko. "Kung ayaw mo mag-sorry ako nalang ag hihingi na sorry sa kanya" Seryoso niyang sabi. Natawa naman ako dahil dun. Bakit naman siya magso-sorry dun? Ano yung ipagtatanggol niya yung nerd na 'yon?Type niya siguro hahaha! "Bakit ka magso-sorry dun? Bakit may ginawa ka din bang masama sa nerd na 'yon? Natatawa kong tanong pero seryoso parin ang kanyang mukha. "Hindi ko gawain yang ginagawa mo at kahit na pumatay ako ng kapwa ko gangster lalo na kung kaaway o kalaban ko hindi ko kayang gumawa ng kasamaan at kalokohan sa taong inosente. At saka may respeto ako sa babae hindi tulad mo na kung ano-ano ang iniisip" Seryoso ngunit totoo yung sinabi niya kaya naman bigla akong natulala. "Bakit?I-ikaw naman ah?Na-nagpapanggap ka rin naman na kunwari ay seryoso para hindi mahalata" Nauutal-utal kong sabi habang natutulala pa rin. Bigla naman siyang natawa. "Oo, atlis ako lagi lang seryoso pero may respeto, eh ikaw. Gangster nga takot naman sa lolo?" "Tsk! Hindi ako takot sa lolo ko!" Inis kong sigaw. "Sinong hindi natatakot?" Nagulat naman kami ng biglang may nagsalita sa likod namin at sabay sabay kaming napalingon at halos manlaki ang mata kong makita ko si lolo na nakatayo at seryoso ang mukha na nakatingin samin isa-isa. Nabigla naman ako ng tumingin siya sakin na seryoso ang mukha. Napalunok na alng ako ng bigla niya akong tinawag. "Jake" Sa tono ng pananalita niya ay seryoso at parang anumang oras ay sisigawan na niya ako nag dahil sa sobrang seryoso ng mukha niya. "He-hello po l-lolo" Nauutal kong bati sabay lunok. "Bakit nasa labas pa kayo? Wala ba kayong klase? At ikaw...." Tanong ni lolo samin at nanlaki naman mata ko ng ituto ako ni lolo. "Nakarating sakin ang balita na pati sa Korea nangbu-bully ka? Hindi ka na talaga nagtino! At nabalitaan ko rin ngayon na binubully mo yung bagong estudyate na binully mo no'n? Pumunta ka ng office ko at doon ka magpaliwanag!" Seryosk at parang galit na sabi niya. "Lo naman eh...Mala-late na....." "Wag ka magreklamo diyan at pumunta ka ng office ko!" Galit na sabi ni lolo kaya napayuko na lang ako. "Bryce? Papuntahin mo yung bagong kaklase mo na binully nitong apo ko" Rinig kong utos ni lolo. 'Tong g*go siguro ang nagsumbong! "Yes sir" Agad na sagot niya . Nakayuko pa rin ako ng marinig kong nagsalita ulit si lolo. "Kayong apat pumasok na muna kayo sa inyong klase at iwanan niyo na muna si Apollo Jake" Seryosong sabi ni lolo at napaangat naman ako konti ng ulo at nakita kong napatango nan sila kay loloat napansin ko na seryoso pa rin si lolo sakin. Tumalikod na sila sin at saka umalis kaya kami na lang ni lolo ang naiwan kaya mas lalo kong niyuko ying ulo ko ng tumingin sakin si lolo. "Ngayon yuyuko-yuko ka para magpaawa! Pwes! Tuturuan kita ng leksyon," Seryoso at galit pa rin na sabi ni lolo. "Sumunod ka na!" Rinig kong sabi pa ni lolo kaya naman agad akkng sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa office niya. Pinaupo naman niya ako sa may spfa at saka naman siya naupo sa may swivel chair niya at napasandal. Napasandal din ako sa upuan at napapikit na lang. "Bakit ba ang hilig mong mangbully ng tap?" Rinig kong seryosong tanong ni lolo kaya napadilat ako ng mata saka sabay na napatingin kay lolo. "Ano ka ba? Allien? Ang hilig mong mangbully! Eh kung ikaw kaya ang bullyhin, sa tingin mo matutuwa ka?" Seryoso pa ring sabi ni lolo. "Kaya kita pinadala sa Korea para tumino ka pero anong ginawa mo? Nagbully ka parin at hindi ka pa talaga tuminon!" Inis na sabi ni lolo. Hindi naman agad ako nakapagsalita "Apollo Jake Fuerte, ito last chance na pagbibigyan kita kapag hindi ka pa nagbago kahit saang school hindi na kita papasukin at higit sa lahat buhayin mo ang sarili mo!" Inis pa rin na sabi ni lolo pero parang pumasok sa tenga ko pero lumavas din sa isang tenga ko yung sinabi ni lolo. "Naiintindihan mo ba ako, Apollo Jake Fuerte?" Seryosong tanong ni lolo. Walang gana naman akong napatango at saka napaiwas. "Magso-sorry ka sa binully mo ngayon at sisiguraduhin kong magbabago ka na dahil ito na ang huli mong pagkakataon" Rinig ko pang sabi ni lolo kaya walang gana ulit akong napatango at napasandal sa upuan. Mayamaya pa ay may biglang kumatok sa pinto at bumukas ito saka pumasok yung secretary ni lolo na si Nicole at lumapit siya kay lolo at saka may ibinulong. Hindi ko naman narinig yung ibinulong dahil wala naman akong gana makinig. "Papasukin mo na siya dito" Narinig ko na lang na sabi ni lolo kay Nicole. Hindi ko naman nakita yung reaksyon ng mukha ni Nicole at napansin ko na lang na lumabas na siya at kasama na niya si....Amara! "Good morning, Ms.?" Rinig kong bati ni lolo. "Please, sit down here"Sabi ni lolo saka niya tinuro yung upuan na kaharap ko. "Good morning rin ho, sir"Bati niya rin kay lolo habang nakayuko pa rin. Hindi naman na sumagot si lolo na nakaupo na lang sa may swivel chair habang nakatingin sa aming dalawa ni Amara. "Are you Ai Amara Santos?" Mahinahong tanong ni lolo kay Amara. Nakita ko naman na napatango siya ng tatlong beses habang naka yuko pa rin siya. "Can you tell me what happened to you and my grandson?" Mahinahon pa rin tanong ni lolo kay Amara, napaangat naman ng ulo si Amara at saka tumingin sakin saglit saka tumingin kay lolo at seryosong tumingin sakin. Napairap na lang ako dahil sa pagmumukha niyang nakakainis. "Your grandchild, sir, is a bully" Mahinahong sagot ni Amara. "Yes, I am aware that my grandson is a bully. So, what happened to you and my grandson, is my inquiry. Did he make you feel threatened?"Tanong pa ni lolo at napatingin naman kay Amara. "Hindi ko alam" Walang emosyon niyang sagot na ikinakunot ng noo ko. "Anong hindi mo alam? Hindi kita maintindihan kasi may nagsumbong sakin na binully ka daw ng apo ko" Sabi ni lolo sabay turo sakin. "Wala naman ho akong pake kung bullyhin man ako nila dahil una ho sa lahat yang apo niyo nga na siyang nagbully sakin moon pero hindi ko sinumbong dahil wala ho akong pakelam sa taong nangbubully sakin o sa taomg may ayaw sakin..masyado ho kasing spoiled at isip bata yang apo niyo" Walang emosyon pa rin sabi ni Amara na mas ikinakunot ng noo ko. Magre-react sana ako kaso biglang may kumatok at saka sabay na binuksan yung pinto at pumasok si Nicole at lumapit kay lolo at may ibinulong ulit. Napansin ko namang napatango si lolo at saka lumabas si Nicole ilang saglit pa ay may pumasok na tatlong babae. Sila yung babae kanina na binubully din si Amara. "Please take a seat" Sabi ni lolo dun sa tatlo at naupo naman na yung tatlo malapit kay Amara. "Pati rin daw pala kayo binubully niyo ang bagong student, by the way she is Ai Amara Santos" "So pwede mo bang ikwento sakin kung ano talaga ang totoong nagyari Ms. Santos? Seryosong tanong ni lolo. Napatingin naman sa kanya si Amara na seryoso ang mukha. "I'm sorry sir, pero wala akong oras para sabihin sa inyo ang nangyari kanina dahil wala naman akonv pake sa kanila at lalong-lalo na sa apo niyong childish" Seryoso na sabi ni Amara at bigla siyang tumayo. "I have to go" Dagdag pa niya. Tumayo naman si lolo kaya napatayo din ako at yung tatlong babae. "Bakit ayaw mong sabihin? Para naman hindi na ulit mangyari 'to sayo?" Tanong ni lolo. "Dahil hindi naman na ako bata para mag sumbong na may nangbu-bully sakin, dahil una ho wala po talaga akong pake sa kanila. At saka hindi ho ako pumapatol sa kanila dahil mag isip bata sila pero kung sumubra ibang usapan na 'yon" Mahabang sabi niya. "Mauuna na ho ako, may klase pa po aki ako" Paalam niya at saka na siya tumalikod saka lumabas ng office. Nakita ko namang napabuntong hininga na alng si lolo saka ulit napaupo sa swivel chair habang npapahawak na lang sa noo niya. "Sige na, bumalik na rin kayo s ainyong mga klase at ikaw rin Jake" Seryosong sabi lolo habang nakahawak pa rin sa noo niya. Napatango na lang kami saka na lumabas ng office niya. Pagkalabas namin ay nagsimula na akong humakbang pero nakakailang hakabang pa lang ako ng marinig ko na tinawag ako nung babae sa malanding tono. Tsk! "Hi, Apollo Jake" Rinig kong bati nung babae sakin kaya inis ko naman siya nilingon. "Ano?!" "Ay ang sungit mo naman eh magpapakilala lang naman kami sayo"Sabi niya sa malanding tono at napabusangot pa. "Tsk! Wala akong pake sainyo!" Inis na sabi ko saka ko na sila tinlikuran at inis na naglakad. Narinig ko naman na sinigaw nila yung pangalan nila sa malanding pananalita rin. Tsk! Landi niyo! "I'm Samantha dela Cruz!" "I'm Martha Calipo hshshs" "Mr. Sungit?! I'm Ysabel Smith!" Hindi ko sila pinansin habang deretso lang ako naglalakad. Hindi ko type mga malalandi. Nakalayo na ako dun sa tatlong malanding babae at papunta na ako ngayon sa may college building ng may bumunggo sakin na babae at hindi manlang huminto sa paglalakad at humingi ng sorry sakin kaya inis ko siyang nilingon. "Hoy, hindi ka manalng magso-sorry hah?!" Inis na sigaw ko dun sa babae na nakatalikod pa rin sakin. Dahan dahan namang siyang napalingon sakin at bigla nalang napakunot yung nooo ko dahil si Amara lang pala. "Bakit naman ako magso-sorry?" Walang emosyon niyang tanong sakin. "Ed'ba binunggo mo ako?! Dapat lang na mag-sorry ka"Kunot noo kong sabi pero nakatingin lang siya sakin. "Ano?! Titignan mo lang ako diyan hah?! Magso---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang lumapit sakin na ikinagulat ko. Nilapit naman niya mukha niya sakin kaya medyo napalayo ako. Naamoy ko yung mabango niyang perfume habang nakatingin ako deretso sa mata niya. Nagulat naman ako ng bigla siyang sumigaw sa mukha ko at mas ikinagulat ko ay yung sinabi niya na halos ikatulala ko "GANGSTER!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD