chapter 2

2132 Words
P*ste! Ganito pala ang movie screening? Ang daming tao! Ang ingay-ingay, panay ang sigaw nila sa pangalan no'ng Rave at Kara o KARaVE! Kaderder talaga! KARAVE daw? Malaki lang naman ang dede nung Kara pero di naman kagandahan! Mas maganda pa nga doon si Ate Evie , the evil witch! Kung mas maganda pa sa kanya iyong taong bato, paano na lang kaya kung sa akin siya ikokompara eh, diyosa ako? Heller, mukha siyang posteng may malaking dede kung itatabi sa'kin. At siguro iyon ang dahilan kung bakit itong dalawang bakla ang kasabay ko at hindi iyong dalawang sikat daw na loveteam eh hindi ko naman kilala paano naging sikat iyon? " Florae Garcia?" Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko. Isang kilalang journalist ang nakita kong nakangiti sa'kin. D*mn, kung nandito ang isang Ms. Sancho ay talaga ngang sikat talaga ang love team na KARAVE!!! "Hello po, Tita Liz," magalang kong bati sa kanya habang nakipagbeso siya sa akin. Kilala ko siya dahil friend sila ng Mommy ko. Siya lang iyong matinong friend ni Mommy na hindi crush ang Daddy ko. " I never thought that you're a fan of KARAVE? Di ka naman siguro nakikigulo dito kung hindi ka fan, 'di ba?" Paano ko ba sasabihin sa kanya na di ko talaga kilala ang KARAVE na pinagsasabi niya kung hindi ko pa sila aksidenting napasok sa kotse habang naglalampungan? "Oh, Ms. Sancho. How are you? Buti naman at nakarating ka," bigla ay agaw ni Ms. Trish sa pansin ni Tita Liz. " Well, kailan ko ba pinapalampas ang bawat events ng KARAVE? Every time, it became crazier out there. Halos magwala na ang mga supporters at fans nila sa labas. Tulad ng inaasahan blockbuster na naman itong movie nila. Congratulations sa mga alaga mo," natatawang sabi ni Tita. " Thank you Ms. Sancho.Iba talaga ang dating nina Kara at Rave sa mga tao," proud na sabi ni Ms. Trish. Bakit nawala yata si Lolita? Mukhang pinuntahan niya yata iyong mga alaga nila ni Ms. Trish na kasalukuyang pinagkakaguluhan ng mga fans. " I agree with you. By the way Trish, meet my close friend's daughter Florae Gimenez Garcia," pakilala sa'kin ni Tita. Di ko na tuloy nasabi sa kanyang magkasama kami ni Ms. Trish dahil inunahan niya na ako. "Garcia? Is she related to the Garcias of Garcia's Empire?" nanlaki ang mga matang tanong ni Ms. Trish kay Tita Liz. " Actually she's one of them," nakangiting sagot ni Tita. "Oh my gosh!" napahawak sa dibdib na bulalas ni Ms. Trish. Di ko siya masisisi dahil talagang may ganoong dating ang apelyido ko sa kahit na sinong nakakakilala sa mga Garcia, namely Don Krino and his brothers especially the kingpin which is Brenon Panlelio Garcia at huwag na nating isali ang Garcias twin na namamayagpag sa middle east dahil sa firearms business ng mga ito. Daming gulo doon kaya laking kita nina Tito Totz at Tita Titz. Doon ko gusto mag-OJT kung sakali. Alam kong di ako papayagan ni Daddy kaya hihingi ako ng back-up doon sa twin kong Tito at Tita. " May problema ba dito?" bigla ay sumingit ang kararating lang na si Lolita kasunod si Rave na matamang nakatitig sa'kin at si Kara na... peste tinaasan ako ng kilay! Nasaan na si Tita Liz? Di ko napansing nagpaalam ah! Well, di na ako magtaka dahil minsan talaga ay lutang ako! Iyong pagkalutang na talo pa ang suminghot ng rugby! "Lolita... kilala mo naman ang mga Garcia, 'di ba?" nandidilat na tanong ni Ms. Trish dito. " Sino bang hindi nakakakilala sa kanila? Pero iyon nga lang masyadong pribado ang buhay ng mga anak ni Don Krino." "Well, masasabi na pala nating maswerte tayo dahil isa sa mga Garcia ang nandito at kasama natin," nakangiwing sabi ni Ms. Trish. " Garcia? Nasaan?" maarteng tanong ni Kara tarantula. "Hello, nandito ako!" kumakaway kong sabi sa kanya na ikinalaki ng butas ng ilong niya. "I-ikaw?" namutla pa ang gaga habang di makapaniwalang nakaturo sa'kin. "Ako nga, I'm Florae Gimenez Garcia so vow down mere mortals!" maangas kong pagpapakilala. " s**t! The black sheep," bulalas ni Lolita pero agad ding napasapo sa bibig at nanlaki ang mga mata sa takot na baka narinig ko iyong sinabi niya. " And the prettiest! " dagdag ko sa kanya sabay kindat kaya unti-unting bumalik ang normal niyang kulay mula sa pamumutla na akala ko ay hihimatayin na siya. " Ah, Ms. Garcia... Pasensiya na talaga sa abala namin kasi di mo naman agad sinabi kung sino ka eh. Pasensiya na talaga–" "It's okay. Maganda ang mood ko ngayon kaya okay lang pero next time na mangyayari ito ay ipapakilala ko na kayo kay Evie Les Garcia," nakangiti pero may pagbabanta sa tono kong sabi. Muli ay namutla ang mga kaharap ko. Bilib talaga ako kay Ate Evie, mahusay siyang panakot sa kahit na sinong nakakakilala sa kanya. Habang naghahabol ng hininga dahil sa tensiyon ang mga kaharap ko ay ala- Fhel Ashey akong naglakad paalis. Maarte pero may class and very sophisticated. Pagdating ko sa labas ng mall ay mas lalo yatang dumami ang tao. Di pala mga nagwewelga ang mga ito dahil mga supporters pala sila ng KARAVE. " Excuse me Miss, artista po ba kayo?" bigla ay nakangiting tanong sa'kin ng isang high school student na may dalang poster ni Rave. "Mukha ba akong artista?" naaaliw kong tanong. " Opo! Ang ganda niyo po!" magiliw na sagot ng isang kasama nung nagtanong. "I know right pero sad to say ay di ako artista." "Ay, sayang naman. Pwede pa-picture, ate?" sabat ng isa pa. Napuno ng excitement ang mga mukha nila at kahit di pa ako pumayag ay kanya-kanyang kuha na sila ng mga cellphone nila. Di pa ako nakahuma ay biglang nagsigawan ang nasa paligid kasabay ng pag-akbay sa'kin ng isang braso. Paglingon ko ay sumalubong sa'kin ang mabangong amoy ni Rave bago ang mukha niyang... well aaminin ko gwapo talaga ang isang ito at malaki pa iyong "ano" kaya dagdag pogi points. "Raaaaaaave!!!! Oh my Gooood! Rave, we love you!!" halos mabasag ang eardrums ko sa sabay-sabay na tilian ng mga nasa paligid. " I love you more!" malakas na sigaw ni Rave na lalong nagpawala sa mga ito. Nang akmang lulusubin na nila kami ay iilang security personnels ang biglang humarang sa kanila habang hawak-hawak naman ako ni Rave. Kinabig niya ako palapit sa matipuno at mabango niyang katawan upang protektahan ako sa mga nagwawalang fans. "Rave! Who is she???" Iyon ang narinig kong tanong bago niya ako inilalayan papasok sa isang sasakyan. Hindi ito iyong sasakyang ginamit nila kanina ni Kara habang nagjugjug-ah-ah sila. "Wow huh! Ang rich, daming car," bungisngis kong sabi. " I want to talk with you," seryoso nitong sabi. Di man lang pinansin iyong una kong sinabi. "About what?" nagtataka kong tanong. " About doon sa naabutan mong eksena namin ni Kara," mahinahon nitong sabi. "Alin doon? Iyong sa movie?" kunwari kong tanong. " Tsss. Alam kong alam mo kung anong eksena ang tinutukoy ko," bigla ay salubong ang kilay nitong sabi. "Aaaah...iyong labas dede ni Kara at labas t**i ka naman?" painosenti kong tanong. " D*mn! Ang bastos ng bibig mo." Tuluyan nang nakasimangot ang mukha nito. "Hala siya oh! Sigurado naman akong mas bastos ang bibig ni Kara noh," natatawa kong sagot. " Paano mo nasabi?" napipikon na nitong tanong. "Kasi sigurado akong ipinasok mo iyang t**i mong malaki sa malaking bibig ni Kara," deretsahan kong sagot sabay tawa. " Iyang bibig mo!" sita nito sa'kin habang namumula ang pisngi. "Di malaki pero kaya kang ipasok sabay deep throat," sabi ko sabay kindat. Kahit puro kalaswaan ang lumalabas sa bibig ko ay wala pa naman akong experience noh. Ayokong ibitin ako patiwarik ni Don Krino kung nagkataon. " Kadiri ka," nakangiwi nitong sabi. "Hala siya oh! Nandiri pa pero ipupusta ko si Lecia lakwatsera, nae-excite ka," nakangisi kong sabi. Kitang-kita ko ang pagtaas -baba ng adam's apple niya habang mapapalunok siya. " Tumigil ka nga! Gusto ko lang namang sabihin sa'yo na huwag mong ipagkalat iyong naabutan mo kanina sa kotse," pasinghal nitong sabi. "Inuutusan mo ba ako?" nakakaloko kong tanong. "Hindi kita inuutusan. Sinasabi ko lang na kung pwede lang ay ilihim mo na lang iyong nakita mo," nagpipigil nitong sabi. " Alin doon? Iyong maitim na n****e ng malaking dede ni Kara o iyong namumulang ulo ng t**i mo?" kunwari ay inosenti kong tanong pero deep inside ay gumugulong na ako sa kakatawa. Kasi naman,di niya nagagamit sa'kin ang galing niyang umarte dahil kitang-kita ko sa mukha niya ang pagpipigil niya ng emosyon. Namumula na siya sa galit at nagtatagis na ang bagang niya pero pinipigil niyang masinghalan ako. "Hindi maitim ang n****e ni Kara," madiin nitong sabi. Napabungisngis naman ako. Oo nga brown iyong n****e niya! " Maitim iyon! Pinkish kasi iyong n****e ko kaya kompara doon sa n****e niya talagang maitim iyong kanya," giit ko. Muli ay nagtaas-baba ang adam's apple niya habang napasulyap sa dibdib ko. "Gusto mong makita?" "Nooooo!!" mabilis niyang tanggi nang akmang bubuksan ko iyong butones ng blouse ko. Ang sarap niyang lokohin, lalong namula ang buong mukha niya pati leeg niya. " Ay, takot. Ako nga di natakot nung makita ko iyong t**i mo. Ganun ba talaga iyon, ang taba tapos may mga ugat-ugat pa? Tiyak wasak pepe ni Kara kung ipapasok mo ng buo iyon," kunwari ay seryoso kong sabi. "Oh God, please have mercy," tila ay nahihirapan nitong sabi sabay sandal sa upuan at pikit ng mga mata niya. Lihim naman akong napahagikhik. Mukha talaga siyang problemado na para bang pasan niya ang daigdig. " Basta , mangako ka sa'kin na di mo ipagsasabi kahit kanino iyong nakita mo," maya-maya ay mahinahon nitong sabi sabay titig sa mukha ko. Nakipagtitigan muna ako sa kanya. Kaya ba ayaw niyang may ibang makaalam upang protektahan ang image ni Kara? Di sila bagay! Pero, anyways, wala naman talaga akong balak ipagkalat iyon noh! Pakialam ko ba sa kanila? "Oo na! Anong akala mo sa'kin si Fhel na tsismosa?" napairap kong sabi. " Ihatid mo na lang ako sa school para quits na tayo," pahinamad kong utos sa kanya. Narinig ko pa siyang bumuntong hininga bago pinaandar ang sasakyan. Napipilitan pa ang gago! Di nga niya tinanong kung saang school ako magpapahatid! Bobo talaga. Napadaan kami sa isang restaurant at nahagip ng mga mata ko si Ate Evie. "Stop! Dito na lang ako!" malakas kong sabi. Di pa niya tuluyang napatay ang makina ng sasakyan at di pa ito tuluyang huminto ay patalon na akong bumaba sabay tawid sa kalsada. Ilang mura at busina mula sa mga driver at sasakyan ang narinig ko bago tuluyang nakatawid. Baliwala akong pumasok sa restaurant at lumapit kay Ate Evie na mayroong mga kausap na naka-coat and tie. Parang may burol lang ah! " Hi Ate!" inosenti kong bati sa kanya sabay halik sa pisngi niya. "Hello po sa inyo," baling ko sa mga nagulat na ka-meeting ni Ate. Mukhang si Ate lang yata ang di nagulat sa biglaan kong pagsulpot. "Next time kung gusto mong magpatintero sa kalsada, please lang huwag mo akong gawing witness ng kagaguhan mo," malamig pa sa yelong sabi sa'kin ni Ate Evie. " Ate naman... kaya nga ako nagmamadaling tumawid kasi nakita kita," napakamot kong sabi. " Anong kailangan mo?" tila ay bored nitong tanong. "Sasakyan. Naiwan ko iyong sasakyan ko sa –" Di ko na natapos ang paliwanag ko dahil inabot na sa'kin ni Ate ang susi ng sasakyan niya. "Go," malamig nitong sabi. Kahit naman parang taong yelo iyang kapatid ko ay maasahan talaga siya kahit sa kalokohan ko. Di iyan nagtatanong. Kahit siguro hihingi ako ng baril mula sa kanya ay bibigyan ako ng machine gun at maraming bala nang walang tanung-tanong. Iyon nga lang kahit nagdadrive na ako palayo sa restaurant sakay sa kotseng pinahiram ni Ate ay ramdam ko pa rin ang lamig at aftermath ng pakikipag-usap sa isang Evie Les. May kakaiba kasi sa tingin at boses ni Ate na nagbibigay ng kakaibang kilabot kaya ubos lahat ng bilib ko doon sa secretary niya na lagi niyang kasama. Kasi naman , di pa rin siya namamatay sa bangungot na kaakibat ng presensiya nung kapatid ko. Pagdating ko sa school ay natanaw ko agad ang mga nakatambay sa ilalim ng mga puno na may mga benches. First time kong umapak sa isang public school at sa nakikita ko ay wala namang kaibahan maliban sa ilang facilities. Agaw pansin na nga ako pagkapasok ng sasakyan ko ay mas nakuha ko pa ang atensiyon nila pakababa ko. Oh meen!!! Ang ganda ko kaya!! Nasaan kaya ang Business Ad department? Binigyan pa talaga ako ng school map eh, hindi naman ako si Lecia na magaling magbasa ng mapa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD