bc

The Black Sheep

book_age18+
15.2K
FOLLOW
59.2K
READ
family
badgirl
confident
student
heir/heiress
bxg
humorous
city
gorgeous
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Warning: For adults only! Rated SPG!

He's famous.

She's bad news.

The Garcia's rebellious princess meets the country's movie prince.

Meet Florae Gimenez Garcia, ang tinaguriang black sheep ng pamilya na may mabigat na pinagdaanan sa nakaraan na gumugulo hanggang sa kanyang kasalukuyan.

Ang magulo niyang buhay ay lalong gugulo nang masangkot siya sa limelight ng sikat na artistang si Rave Santillaña!

Sanay naman siyang laging napa-trouble pero di niya napaghandaan ang biglang pagdating sa eksena ni kupido at siya ang pinupuntirya.

chap-preview
Free preview
chapter 1
"FLORAE!!!" Dumadagundong sa buong mansion ang galit na galit na boses ni Don Krino habang tinatawag ang pangalan ng ikalawang anak niya na babae. Namumula sa galit ang Don habang nababahala namang nakasunod sa kanya si Doña Vonica at ilang mga bodyguards ng mga ito. Lahat ng mga kasambahay sa mansion na nakarinig ng sigaw ng Don ay palihim na tumalilis at umalis sa war zone. Kasi naman, kapag si Florae ang dahilan ng galit ng Don ay tiyak malaking problema na naman ang dala nito. Sa anim na magkakapatid na pawang babae ay masasabing si Florae ang black sheep. Naturingang babae pero talo pa ang lalaki sa mga nasangkutang basag-ulo. " Florae Gimenez Garcia, you little brat! Come down in here!!" muli ay nanggagalaiting sigaw ng Don. "Calm down Dad. She's not here," walang emosyong sabat ng panganay na si Evie Les, ang tinaguriang taong bato at evil daughter ni Don Krino. " And where the hell is she?" galit pa ring tanong ng Don. "Who knows?" kibit balikat na sagot ni Evie at nilampasan ang nanggagalaiting ama. " Calm down Krino. Walang mabuting maidudulot iyang galit mo gayung wala naman dito si Florae," pagpapakalma rito ni Doña Vonica. "Vonica, wala nang ibang ginawa iyang mga anak mo kun'di pasakitin ang ulo ko," himutok ng Don. " Aba, anak mo rin ang mga iyon kaya tigil-tigilan mo ako Krino. May pinagmanahan lang ang mga anak mo at alam nating ikaw iyon," taas kilay na sagot ng Doña. "Pero mga babae sila!" giit ng Don. " Pero katulad mo nagawa rin ni Florae na banggain ang sasakyan ng anak ng mayor dahil lang sa init ng ulo," di nagpapatalong sabi ni Doña Vonica. "D*mn it Vonica! Ni minsan ay di ko nagawang banggain ang sasakyan ng anak ng mayor dahil ang mismong sasakyan ng mayor iyong binangga ko but it was long time ago!" "Long time ago nga pero ginawa mo pa rin kaya huwag kang magtaka kung bakit ginawa rin iyon ni Florae at ipagpasalamat mo na lang hindi ang sasakyan ng mayor ang binangga niya tulad mo," ismid ng Doña. " Buti sana kung iyon lang iyong ginawa ng magaling mong anak– I mean anak natin. Huwag mo na akong pandilatan kasi nga inaangkin ko na rin, di ba?" kambyo ng Don ng samaan ito ng tingin ng Doña. "Maliliit lang naman na bagay ang ginawa ni Florae ah. Para namang 'di mo nagawa ang mga iyon noon, mas malala pa nga sa'yo," irap ng Doña. " Buti sana kung lalaki siya! At hindi maliit na bagay ang pag-activate ng fire alarm sa mall na dahilan ng pagkakagulo at halos mag-stampade ang mga tao. Maraming nasaktan Vonica!" "Ay sus! Hindi naman natin pinabayaan iyong mga biktima ah. At tsaka, wala namang grabeng nasaktan." "Sige, kampihan mo iyang anak mo este anak natin! Kaya iyan namimihasa kasi nandiyan kang tagapagtanggol niya!" "Okay lang iyan, nandiyan ka namang tagasermon eh," pabirong sabi ng Doña. Sinamaan lang ito ng tingin ng Don pero nag-peace sign lang ang babae kaya bumuntong-hininga na lang si Don Krino at kinabig payakap ang magandang maybahay. Lihim namang nagngitian ang mga tauhan nilang nakapanood sa eksena. Sa edad na 42 ay matikas pa rin ang Don at kitang-kita na patay na patay pa rin ito sa kagandan ng asawa niya na di kumukupas kahit 40 na ito. " Ang aga-aga, ang sweet-sweet ng parents," bungisngis na panabay na sabi ng kambal nilang babae na sina Sky at Lyk. Sila ang bunso sa magkakapatid at sa edad na 15 ay kitang-kita na ang kagandahang taglay dahil sa dugong nanalaytay sa kanila. "May pasok pa kayo kaya bilisan ni'yo na," istriktong sabi sa mga ito ni Don Krino pero kitang-kita sa mga mata niya ang kasiyahan at pagmamahal para sa kambal na anak. " Dad, Mom, ... may outing pala sa school next week, sasama ako hah," bigla ay sulpot ni Lecia ang nasundan ng kambal. "Bakit ngayon mo lang sinabi ito?" mapanuring tanong ng Don. " Ay sus si Dad, umandar na naman ang pagka- overprotective. Ka-OA-han na iyan Dad ha," balewalang sabi ni Leicia at sumunod na sa dalawang kapatid papasok sa kusina. "Tingnan mo Vonica iyong isa mo pang anak, I mean anak natin! Tinawag ba naman akong OA!" tila nagsusumbong na baling nito sa asawa. Napatawa lang ang Doña sa inakto ng asawa. " Yohooo! Pipol of the world!Good morning!!" bigla ay dumating ang ikatlo nilang anak na babae. Sa ayos nito ay halatang galing ito sa jogging at ang jogging na ginagawa ng isang Fhel Ashey ay katumbas ng tsismisan with kaibigan. "Alam niyo ba dear parents, na isang friend ng friend ko ang nakakita kay Ate Florae kagabi na may binugbog sa bar? OMG! Imagine, kababae niyang tao tapos nambugbog siya kasi raw nababastosan siya sa pagmumukha no'ng guy. Adik si Ate, di naman kasalan no'ng guy kung gano'n kabastos iyong face niya," madaldal na pagbabalita nito. Nasapo na lang tuloy ni Doña Vonica ang noo dahil muli ay nanigas sa galit si Don Krino. " Ang batang iyon! Sakit talaga sa ulo!" sigaw ng Don dahil sigurdo siyang maya-maya lang ay may tatawag na naman sa bahay nila upang magreklamo sa ginawa ni Florae. Buti na lang at sobrang yaman nila, kaya hinding-hindi mauubos ang pera nila sa kakabayad sa mga naagrabyadong tao ni Florae pero iyong pasensiya ni Don Krino ay said na said na. Wala rin namang may lakas ng loob na banggain ang pamilya Garcia lalo na at halos pag-aari nila lahat ng naglalakihang negosyo rito sa bansa at maging sa buong Asia. Iyon nga lang malapit nang maubos ang buhok at pasensiya ni Don Krino dahil sa pangungonsumi ng pasaway na anak. "Anyways guys, pinasabi pala ni Ate Florae na nag-transfer siya ng school. Sa public school na siya mag-aaral," dagdag pa ni Fhel. " Whaat??" Tuluyang na-highblood ang Don. "Oy, relax Dad! School pa rin naman iyon kaya okay lang kaysa naman tuluyan nang mag-stop si Ate noh," maarteng paliwanag ni Fel. Sa anim na magkakapatid siya iyong walang sakit sa ulong ibinigay sa pamilya maliban sa kaartehang taglay na di mawari ng iba niyang mga kapatid kung kanino niya namana. ======================== FLORAE'S POV P*NYEMAS! Bakit ang daming tao sa kalsada? May rally ba? Maaga nga akong lumayas sa bahay namin at nakisabay ako sa pag-alis ni Fhel para mag-jogging upang iwasan ang init ng ulo ni Dad at nang di uminit ang ulo ko pero heto at nagsimula nang mag-init pati buhok ko!! Ano bang meron? Anong ginagawa ng mga taong iyan sa harap ng mall? Maaga pa di pa nagbubukas ang mall! Naman oh! Kung mag-rally sila dapat ay tumabi sila sa gilid ng kalasada kasi nga daanan ng mga sasakyan iyong gitna! Grabe naman maka-rally ang mga taong ito two hours before magbukas pa talaga sila nagpunta. Ano ba iyang mga bitbit nilang placards? Bakit may heart-heart pa? Valentine's day na ba? May papuso ang mga l*tse. At bakit halos babae silang lahat at kung may lalaki man eh kokonti lang... women's day ba? O baka naman women's revolution ang nangyayari. "Anak ng tokwa naman oh!" himutok ko nang biglang kumalampag ang likuran ng aking kotse. Napangisi ako nang malingunan ang pamilyar na sasakyan ni Timothy liit t**i na siyang sadyang bumangga sa sasakyan ko. Di talaga nagtatanda ang lintik na ito. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at itinaas sa direksiyon niya ang middle finger ko habang nang-iinis na ngumisi. Asar ako sa lalaking ito! Boyfriend kasi ito ni Princess Zarah liit dede na anak ng mayor na binangga ko ang kotse noong nakaraang araw. Kaya siguro ako binangga ng liit t**i na ito upang iganti ang girlfriend niyang liit dede. Nang-aasar akong tumawa sa kanya nang bumaba siya ng sasakyan niya kasama ang tatlong mga kalalakihang mukhang sanggano. Mukhang nakahanap ng kakampi si liit t**i ah. May mga kasama siyang mga butiti at mukhang walang idea ang mga ito kung sino ang daddy ko. Siguro kung alam nilang anak ako ni Don Krino Panlelio Garcia at tito ko ang kinatatakutang kingpin ng Asia ay tiyak kanina pa bahag ang buntot ng mga lokong butiting ito. Malakas lang naman ang loob ni liit t**i dahil akala niya ay kaya siyang iligtas ng girlfriend niya na anak ng mayor mula sa bala ng armalite ni Daddy kung gagalusan niya ang kagandahan ko. Neknek niya! Kahit sakit ako sa ulo ni Daddy ay sigurado naman akong di makapapayag iyon na may ibang taong manakit sa'kin noh! Idagdag pa si Tito Brenon na kapatid ni Daddy na paborito akong pamangkin. Tiyak, pira-pirasuhin siya ni Tito Brenon kung sasalingin niya kahit kalingkingan ko at pagkatapos ay ibebenta ni Tito sa black market ang pira-piraso niyang lamang loob at maging ang kuko niya sa kalingkingan ay pagkikitaan ni Tito bago nito ubusin ang lahi niya. Pero kahit wala si Daddy o si Tito ay kayang-kaya ko namang protektahan ang sarili at hasa yata ako sa bugbugan kaya chicken lang si liit t**i at ang mga backups niyang butitis, butitis kasi tatlo sila. Ang problema, sariwa pa ang gulong kinasangkutan ko sa anak ng mayor na kumpare ni Daddy kaya ayaw ko munang dagdagan ang sakit sa ulo ng ama ko. For the first time in history ay ako ang iiwas sa gulo! Isang nakakalokong ngiti ang binigay ko kay Timothy liit t**i bago ako humalo sa kumpolan ng mga tao sa paligid. Naiiling ako nang sinundan ako ng mga gago. Ako na nga iyong umiwas, 'di ba? Ayaw ko silang saktan pero heto at sinusundan pa ako! Tiyak magbubugang apoy si Don Krino kung may bago na naman akong kalokohang kasasangkutan! At siguradong maghuhuramentado rin iyon kung masaktan ang maganda niyang anak which is ako. Ako lang naman ang pinakamaganda niyang anak, 'no. Huwag mong asahan sa ganda department si Evie Les dahil malademonya ang aura ng taong-bato na iyon. Para iyong si Valentina na kung titigan mo ay magiging bato ka dahil nakakakilabot ang coldness ni Ate Evie at kumakain ng tao ang isang iyon! Nagsusumigaw ang pagiging evil ni Ate kahit pangalan pa lang niya. Para ngang nakakakilabot maglibot sa Garcia's Empire dahil sa presence niya. Buti na lang talaga at kahit gano'n iyon ay wala pa kaming mga investors na nagsipag-alis sa halip ay dinadagsa kami ng investors dahil sa malahalimaw na galing ni Ate Evie sa pagpapatakbo ng negosyo namin. Iyon nga lang literal na evil witch ang babaeng iyon na kahit si Daddy ay minsan narinig kong natatakot na baka daw bigla ay si Ate ang papalit na mamumuno sa organisasyon ni Tito Brenon. Di naman bagay kay ate na maging kingpin noh. Devil wears prada, pwede pa. Speaking of prada, naalala ko ang isa ko pang kapatid na nasalo lahat ng kaartehan nang magpasabog ang langit. Ang super tsismosa, dalahera, OA , maarteng jologs kong kapatid na si Fhel Ashey. Kung gusto mong malaman agad ng mundo ang isang bagay ay di mo na kailangang magpa-press con pa... sabihin mo lang iyon kay Fhel at tiyak aabot na ang balitang iyon hanggang sa outer space. Minsan nga gusto ko na rin siyang ipatapon doon, ang kaso ayaw rin ni Leicia na mawalan ng source of all tsismis sa bahay. Si Lecia naman ang kapatid kong kinulang sa dugo kaya hayon singputi ng bond paper. Walang ibang trip kundi ay ang maglagalag na ala Dora the explorer, iyon nga lang mas hawig siya ni Boots, the albino version dahil maputi siya. Wala talagang normal sa mga kapatid ko dahil kahit iyong bunso naming kambal ay may kanya-kanyang saltik kaya di na ako magtataka kung makalbo sa konsumisyon si Daddy. Ramdam kong hindi normal iyong si Sky dahil idol niya si Ate Evie. My gosh, para siyang tangang sunud-sunod sa evil witch na iyon. Iyong si Lyk naman ay isa pang may saltik dahil sinusuportahan niya ang kaartehan at trip sa buhay ni Fhel. Ako lang talaga ang maganda sa pamilya namin maliban kay Mommy. Sa kakaiwas ko kay liit t**i and company ay nakarating ako bigla sa underground parking lot ng mall na tinatambayan sa labas ng mga raliyesta. Sarado pa ang mall pero may iilang sasakyan akong nakita. Nalingunan ko ang isang butiti na papasok din sa kinaroroonan ko kaya walang isip-isip na bigla akong pumasok sa loob ng pinakamalapit na sasakyan sakin. "Oh sh*t!" gulat na mura ng nadatnan ko sa loob. Tinaasan ko lang sila ng kilay habang aligaga iyong babae na ayusin iyong damit niyang nakalihis kaya lumabas iyong malapakwan niyang dede. Balewala naman doon sa kasama niyang lalaki na nakahantad sa mga mata ko ang nakatayo niyang p*********i na halos singtaba ng palapulsohan ko at halos umabot sa pusod niya ang haba. Mukhang nadisturbo ko yata sila. Pamilyar iyong mga mukha nila pero di ko alam kung saan ko sila nakita. Hahay, kung di ko lang nasilip na nakatayo sa labas nitong sasakyan si Timothy liit t**i at iyong mga butitis ay kanina pa sana ako lumabas upang maipagpatuloy nitong dalawang nabulabog ko ang jugjugan nila. Ganda no'ng kotse tapos walang pang-hotel. Ang cheap ah! Pero sabi no'ng mga kaibigan ko, masarap daw kung sa kotse gawin. Ay ewan, di ko pa napasok ang gano'ng mga bagay-bagay baka ipasok ako ni Don Krino sa kumbento. " Who are you?" tila ay biglang natauhang tanong no'ng lalaki pero di pa rin tinakpan iyong nakatayo niyang alaga. Pasimple akong ngumiti sabay bagsak no'ng nakapa kong damit sa mismong kandungan niya upang tumakip doon sa nagngangalit niyang p*********i kasi baka ako iyong matuklaw. Sana naman noh, nag-lock sila ng sasakyan at sana rin sa front seat ako pumasok at hindi dito sa backseat na nakipagsiksikan pa ako sa dalawang ito. "Next time kasi, mag-lock kayo ng pinto," paalala ko sa kanila habang nasa labas ang tingin. Bakit ba ang tagal lumayas ng liit t**i na ito? " Rave, n-nakita niya tayo," nauutal na sabi nung babae sa lalaking tinatawag niyang Rave. "Ay diosko dhay! Di ako bulag kaya kitang-kita ko talaga ang brown mong n****e," nakairap kong sabi sa kanya. Ang luka-luka may pasinghap-singhap pang drama sabay yakap sa sarili niya. Ang arte diosko, parang si Fhel lang! Teka! Mabilis akong napatitig ulit doon sa magandang mukha no'ng babae. Naalala ko na kung saan ko siya nakita. Doon sa paboritong lipstick magazine ni Fel, siya iyong model nung matte lipstick! Tsss, di naman kagandahan iyong lips! Ang nipis at ang lapad! " Stop staring," saway sa'kin no'ng lalaki. "Ay, ang arte para namang siya iyong tinitigan ko. Labas t**i mo oy!" Umingos ako sa kanya matapos inguso ang kandungan niya. Sabay silang napasinghap sa sinabi ko. Ano bang meron ngayon at may pasinghap-singhap ang mga ito? Parang si Daddy lang, napapasinghap tuwing may tumatawag sa bahay namin at binabalita ang pinaggagawa ko. " Get out!" singhal sa'kin bigla no'ng lalaki. Mabilis ko namang tinakpan iyong bibig niya gamit ang kamay ko habang binabantaan ko ng tingin iyong babaeng napapasinghap na naman. Sarap niyang pasakan ng matte lipstick! E kasi nga naman dahil sa ingay nila ay mas lalo tuloy lumapit sa sasakyang kinaroroonan namin si liit t**i at talagang inaaninag niya ang loob nitong kotse. Bobo talaga , kita na ngang tinted , di ba? Alangan namang may maaaninaw siya niyan! "Huwag kayong maingay," pinadilatan ko silang dalawa ng mata at inalis na ang kamay ko sa bibig nitong tinatawag na Rave. " Sino ba iyan?" nanggigigil na pabulong na tanong sa'kin nung Rave habang tinuturo ang mukha ni Timothy liit t**i na halos dumikit na sa bintana nung sasakyan. "R-Rave, I'm scared," maarte namang bulong no'ng girl. " Ipasak mo nga sa bunganga niyang kasama mo iyang t**i mong lumalabas na naman para manahimik iyan," pasinghal pero pabulong kong utos kay Rave. Sabay kaming napatitig sa t**i niyang lumabas ngang talaga mula sa damit niyang ipinantakip ko doon. Wow huh, standing ovation pa rin! "In fairness hah, ang laki niyan," nakangisi kong sabi sabay kindat. " D*mn," narinig kong mura niya. Di ko na lang siya pinagtuonan ng pansin habang aligaga niyang itinaas ang suot na boxer at pants upang itago ang nakatayo niya pa ring alaga. Wala na si Timothy sa labas. Mukhang umalis na ang mga gago. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at akmang lalabas na nang bigla ay may kamay na pumigil sa braso ko. "Saan ka pupunta?" kunot-noong tanong sa'kin no'ng Rave. Nakadamit na pala siya. Well, mas gwapo siyang tingnan nang nakahubad. " Aalis na kaya ituloy ni'yo iyong ginagawa ni'yo bago ako dumating," kibit-balikat kong sagot. "Di ka pwedeng umalis," pigil nito sa'kin. " At bakit? Hoy gago! Wala akong balak makipag-threesome sa inyo hah! Piste, wala pa sa plano kong atakehin sa puso si Don Krino," singhal ko sa kanya at pilit na pumipiglas mula sa hawak niya. "What's going on in here?" Sabay kaming napabaling nang bumukas ang driver seat at front seat tapos sabay na pumasok doon ang dalawang... babae? Teka, mukha lang palang babae. "And who is she?" maarteng baling sa'kin no'ng nasa front seat habang nasa kay Rave ang mga mata. " Ms. Trish, nakita niya po kami ni Rave..." may pag-aalinlangan sa tinig na sabi ni matte lipstick girl. "Yeah right! Nakita ko silang nagjugjug-ah-ah!" balewala kong sabat. " Huuuwaaaat???!" hysterical na panabay na bulalas no'ng dalawang bakla. "Ay grabe sila oh! Normal lang naman ang mga gano'n these days kaya chill lang kayo," naiirita kong sabi. OA na kasi eh, parang si Daddy lang. " Do you know who are they iha para sabihin mong mag-chill lang ako?" maarteng tanong no'ng Ms. Trish. "Sorry po, di ko naman po sila kamag-anak na dapat kong kikilalanin." "You-you mean di mo sila kilala?" matinis na tanong no'ng nasa driver seat. " Po? Dapat ba kilala ko sila?" naguguluhan kong tanong. "Oh my gosh! May TV ba kayo sa inyo?" tanong no'ng Ms. Trish. TV? Meron ba nun sa bahay? Considered bang tawaging tv iyong nasa theater room na singlaki ng buong wall no'ng room? " Oh my gosh iha! Saang planeta ka ba galing at di mo kilala ang hottest love team of the decade," tila ay awang-awang tanong sa'kin ni Ms. Trish. Siguro kung si Ate Evie ang kinausap niya ng ganito ay tiyak kanina pa siya pinapaiyak ni Ate. Tingin pa lang no'n ay siguradong matatakot na ang kahit na sino. "Kailangan mong sumama sa'min. Kailangan mong pumirma ng disclosure agreement na di mo ipagkakalat ang nakita mo kung hindi ay ipapakulong ka namin," may pagbabanta sa tono no'ng nasa driver seat. " Gaga ka Lolita, huwag mong takutin iyong bata," sita sa kanya ni Ms. Trish. "Ganito na lang sumama ka muna sa amin at tapos ay doon tayo mag-uusap." Habang nagsasalita si Ms. Trish ay namataan ko ang isa sa tatlong butitis sa may di kalayuan. Di pa pala umalis ang mga ito kaya pumayag na lang tuloy ako sa kagustuhan no'ng dalawang bakla. "But how about our movie screening?" maarteng tanong ni matte lipstick girl. "Kara, i-reschedule na lang muna natin ang appearance niyo." "Pero, naghihintay na ang mga supporters namin," giit nito. " Okay... Okay, pupunta muna tayo sa screening tapos ay tsaka natin ayusin itong gulong pinasok ni'yo," sumusukong sabi ni Ms. Trish. Ay grabe hah! Tinalo pa ng babaeng laki dede na ito ang pagiging demanding ni Doña Vonica Gimenez Garcia! Sarap sungalngalin ng matte lipstick!!!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
73.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
93.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook