FLORAE'S POV Unang bumungad sa paningin ko nang magmulat ako ng mga mata ay ang mural paint ng mukha ko na nasa kisame. Kahit pala ang ganda-ganda ko ay may kilabot pa ring dala kung iyong mukha ko ang una kong mamulatan. Teka, nasaan ba ako? Kumirot ang ulo ko nang bumangon ako mula sa pagkakahiga. Agad kong naalala ang huling nangyari. Walanghiya, hindi umaayon sa script iyong gagong pinaplanuhan naming bitagin nina Tito Brenon. Hindi ako nakapaghanda kasi napaaga iyong pagkilos ng salarin. Nakaramdam pa rin ako ng takot pero di na tulad ng dati kasi alam kong ito na iyong huling araw na guguluhin niya ako. Mabilis akong nag-angat ng tingin nang bumukas ang pinto at pumasok ang taong sanhi ng bangungot sa buhay ko. "My little flower," parang manghang-mangha nitong anas habang

