Balik trabaho na naman ulit ako. Medyo nakampante na akong kumilos dahil sa presensiya ni Rave sa paligid ko. Maliban sa idinagdag niyang security escorts na makakasama nina Lando ay nag-sign-up din siya bilang very personal kong bodyguard. Very personal kasi kahit na sa pagpapalit ko ng damit ay nakabantay pa rin siya at kalimitan siya rin iyong tagahubad sa'kin kasi naman bantay salakay ang loko. Di ko alam kung paano siya pinayagang tumambay sa set ng ginagawa naming teleserye kahit na tagakabilang network siya at kalaban namin iyong pinagbibidahan niyang teleserye. Buntot siya nang buntot sa bawat shooting ko na para bang wala siyang sariling shooting na dapat niyang puntahan. Agad niyang nakuha ang loob ng lahat ng crew sa production at halos lahat ng babaeng staffs ay kinikili

