Chapter 4

1979 Words
"Hahaha... Mukhang mga engot ang 'to, may padrama-drama pang nalalaman ang mga ito. Akala nila ay hindi ko alam ang kahalangan ng bituka ng mga ito lalo na ni Chai Cho-Hee at ng dalawang pesting anak nito. Ni hindi nga ako nakaramdam ng pagkalinga sa mga ito at puro pasakit lang ang binigay nila sa orihinal na nagmamay-ari ng katawang ito tapos ito pa ang sasabihin nila? Did they think I'm stupid to think na pamilya ang turing nila sa akin." Sambit ni Do Eun sa kaniyang sariling isipan lamang habang makikitang hindi siya naniniwala sa mapagkunwaring ugali ng mga nasa harapan niya na mga nilalang. He didn't feel pity about them. They are like a toxic parasite that he wants to get rid of. Tiningnan naman sila ng malamig ni Do Eun na siyang nagpanginig sa laman ng tiyahin niya at ng dalawang anak nito. "May maganda nga pala akong balita. Pwede na kayong umalis sa pamamahay ko ngayon din. Bumalik na kayo sa barong-barong niyong bahay dahil hindi kayo nararapat tumuntong dito!" Malamig na pagkakasambit ni Do Eun halatang seryosong seryoso ito sa kaniyang pagkakasabi. Bahagyang nagulat naman ang tiyahin niya maging ang dalawang anak nitong sina Chai Dal at Chai Duri sa sinabing ito ni Do Eun. Pakiramdam nila ay ibang-iba na ito kumpara sa dati. "Ano bang pinagsasabi mo Do Eun. Pamilya tayo hindi ba? Dapat ay nagkakaunawaan tayo hindi yung nag-aaway-away tayo." Malumanay na sambit ni Chai Cho-Hee sa pamangkin nitong si Do Eun pero gusto niya ng sermunan ito dahil sa kapalaluan nito. Hindi niya hahayaang mapaalis sila ni Do Eun sa pamamahay na ito dahil kahit wala pa ang titulo nito ay sa kaniya pa rin mapupunta ang lahat ng kayamanang naiwan ng kapatid nito at ng asawa nito. Para sa kaniya ay may karapatan siyang kuhanin ito dahil kapatid niya mismo ang naghirap ng perang ito noh. "Oo nga naman Hyung Eun, pamilya tayo hindi ba?!" Sambit ni Chai Duri habang mahinahon itong nagsasalita pero ang totoo ay gusto niyang bugbugin ang pesteng binatang nasa harapan niya. Napakapatpatin nito at mabilis niya lang itong mapapatumba. Hindi niya maintindihan kung bakit ito nanlalaban at naging palaban sa hindi nila mawaring dahilan. "Kumalma ka muna Hyung Eun, hindi ba pwedeng pag-usapan ito?!" Sambit ni Chai Dal. Hindi nito alam ang gagawin lalo na't parang kakaiba ang Do Eun na nakikita niya sa kasalukuyan. This is really not he is expecting to be. "Sige pag-usapan natin Tiya Cho-Hee kung paano mo sinubukang itransfer ang naipong kayamanan ng ama't ina ko sa Gene bank account mo. Paano ko nalaman? Tinawagan ako ngayon-ngayon lang ng bangko para sa ginawa mong katangahan. Hindi ako mangmang para gaguhin mo lang. Tsaka nakikitira na nga lang kayo sa pamamahay ko ay parang mga Don at Donya kayo dito na akala mo ay ako pa ang caretaker ng sarili kong pamamahay!" Malamig na sambit ni Do Eun habang matiim itong nakatingin sa tiyahin niyang ahas maging sa anak nitong mga sunod sa luho. Ang Do Eun na nakilala niya ay masyadong mabait para ipagtanggol ang sarili nito at takot sa tiyahin niyang hilaw. Pero siya na ang nagmamay-ari ng katawang ito at malaya siyang angkinin ang bagay na nararapat lamang sa kaniya. Sisiguraduhin niyang ang mga naipundar at mga kayamaang naiwan kay Do Eun ay palalaguin niya at gagawin niya ang lahat ng makakaya niya upang maging malakas siya sa hinaharap para di siya api-apihin. Nagimbal naman ang babaeng si Chai Cho-Hee maging ang mga anak nitong si Chai Duri at Chai Dal sa sinabing ito ni Do Eun. Hindi nila aakalaing manlalaban ito sa kanila lalo na sa nanay nilang si Chai Cho-Hee. Pakiramdam nila ay naging bato lahat ng pinaghirapan nila. Ang sakripisyo ng ina niya para matagumpay na maisagawa ang lahat ng minimithi nito para maangkin lamang ang yaman ng pamilya Do ay nawala lamang ng parang bula. "Sabihin na nating inaasikaso ko ang papeles para itransfer ang pera ng magulang mo sa Gene bank account ko pero para naman iyon sa mga pinsan mo. Hindi ka ba naaawa sa kanila? Wala na nga silang tatay tapos ganyan ka pa!" Sambit ng babaeng tiyahin nitong si Chai Cho-Hee na ipinapakita nito ang mga nagawa niya. Hindi niya hahayaang wala siyang mapala sa pesteng pamilyang ito. "Sumusobra ka na Eun! Hindi ko aakalaing pati ang ginawa ni mama ay minamasama mo!" Marahas na sambit ng lalaking si Chai Duri dahil sa kapalaluan ni Do Eun. He find it unreasonable lalo na at kailangan din nila ng kayamanan na iyon para sa pag-aarak niya lalo na sa mga luho niya "Oo nga. Tama si Kuya, napakaselfish mo!" Marahas na sambit ni Chai Duri habang mababakas ang galit sa boses nito. "As expected sa inyong tatlo. Hindi nga lang kayo mag-iina kundi magkasing-ugali din kayo. Pinalagpas ko ang nagdaang mga masasamang bagay na ginawa niyo sa akin pero dinamay niyo pa talaga ang kayamanan ng mga magulang ko para sa sarili niyong kapakanan. Hindi lang pala makapal ang mukha nito, napakawalanghiya niyo pa!" Sambit ng ni Do Eun habang kakikitaan ng inis ang mukha nito. Hindi niya aakalaing sobra pa sa ugali ng pamilya niya sa Earth ang tiyahin niya at ang mga pinsan niya sa kakapalan ng mukha. Hindi lang yun, ang kapal pa ng mga mukha ng mga ito dahil pinamukha pa na siya pa ang masama dito at pinagtulungan pa talaga para maging malinis sila upang kaawaan?! Hindi pa nga nila alam na hindi siya ang dating Do Eun na kilala nila. "Sumusobra ka ng bata ka! Kailan ka pa naging matapang upang sagot-sagutin ako ng ganyan! Pinalaki ka pala ng magulang mo noh lalo na ng ina mong malandi kaya sumunod ka sa yapak niya haha!" Sambit ng tiyahin nitong si Chai Cho-Hee na galit na galit ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi niya aakalaing may tinatagong tapang si Do Eun na anak ng kapatid niya. Gumuhit ang galit sa maamong mukha ni Do Eun sa sinabing ito ng kaniyang tiyahin Ayon sa alaala niyang nakuha sa dating nagmamay-ari ng katawang ito ay isang ulirang ina ang ina niya. Never niyang nakitaang nag-away ang mga magulang niya dahil sa third party na binibintang ng pesteng tiyahin niya. Ang tatay niya naman ay alam niyang mahal na mahal niya ang ina nito. He can't live without his beloved wife. Ganon yung tumatak sa isipan niya. Kahit alam niyang gumagawa lang ng walang kwenta o walang basehang assumptions ang tiyahin niyang bungangera ay talagang nakakagalit lalo na at mga magulang niya. "Sumusobra na ata kayo Tiya. Huwag niyong hintaying magalit pa ako ng lubusan bago kayo umalis dito!" Sambit ni Do Eun na nagpipigil lamang ng kaniyang sariling galit. Alam niya kung gaano kahirap ang mawalan ng ina at ama ng pamamahay na ito. Pero ang tiyah niya ay walang habas na gumagawa ng kwentong hindi magansa pakinggan lalo na at yumao na ang mga magulang at ng mismomg original owner ng katawang ito. "Ikaw ang sumusobrang bata ka! Hindi ko aakalaing nagtiyaga pa akong pumunta dito at alagaan ka!" Sambit ng tiyahin niyang si Chai Cho-Hee na galit na rin sa pag-uugaling ipinapakita ni Do Eun. Hindi niya aakalaing pagsasalitaan siya ng binatang lalaking napakalampa noon na pwede niya lamang paikutin sa mga palad niya pero ngayon ay tila nag-iba ang ihip ng hangin at nagawa na siyang sagut-sagutin nito. She really find it strange. "Wag kang magsalita ng ganyan Eun sa mama ko. Alalahanin mong tiyahin mo pa rin siya. Wala kang karapatang bastusin ang mama ko!" Sambit naman ni Chai Duri na halatang galit na rin sa pinsan niyang si Do Eun. Hindi niya alam kung saan nagmumula ang tapang nf kasalukuyang Eun na nasa harapan niya. "Tama na Eun, nasasaktan na si mama sa pinagsasabi mo!" Puno ng lungkot na sambit ni Chai Dal. Hindi niya gustong nagagalit ang ina niya. Natatawa naman si Do Eun sa kaniyang isipan lamang nang marinig niya ang panunumbat ng magaling niyang tiyahin. Talagang ang apog nito sa katawan ay nakakamangha talaga. "Wow ha, tumigil? Sana naisip niyo yan nang sumali kayo sa pag-angkin ng yaman ng magulang ko. Nasa akin lahat ng kayamanan nila nakasaad kaya wala kayong magagawa doon. Tsaka natransfer ko na sa pangalan ko ang yaman ng pamilya ko. Kahit ano'ng gawin niyo ay wala na kayong mahuhuthot sa pamilya ko hahaha!" Confident na sambit ni Do Eun. Halatang hindi ito nagbibiro sa paraan ng pagsasalita nito. Bigla na lamang tumunog ang hawak na Gene Phone ng tiyanin nitong si Chai Cho-Hee. Mabilis namang binasa ito ni Chai Cho-Hee na siyang ikinanlaki ng mata nito at napahawak pa ito sa isang corner malapit sa kaniya. "Pa-papaano it-itong nang-nangyari, hindi maaari ito!" Sambit ni Chai Cho-Hee matapos nitong mabasa ang isang mensahe galing sa Gene Bank na pinapaasikaso niya. Nalaman niyang may kumuha na ng pera dito at naitransfer na sa isang private gene account. Lahat ng mga ginawa niya ay nauwi lang sa wala nang dahil sa kagagawan ni Do Eun na siyang naging hadlang sa pagkuha niya ng yaman ng pamilya Do. Sino pa ba ang pagsususpetsahan niya kundi ito lamang. "Kita mo na? Sabi ko sa'yo eh, wala kang mapapala dahil sa akin pa rin ang huling halakhak hahahaha!" Masayang sambit ni Do Eun. Halatang hindi siya magpapatalo lamang sa mga ito. Gusto niyang ipakitang matapang siya ay hindi magpapaapi sa kahit sino maging sa kamag-anak niyang may masamang layunin lamang kaya dumikit sa pamilya nila lalo na noong naging ulila na siyang lubos. Napatingin naman si Chai Duri sa ina nitong si Chai Cho-Hee maging si Chai Dal ay nakisali na rin. Makikitang tila nag-uusap ang mga ito gamit ang kanilang mga mata. Makikita sa mga mata ng mga ito ang namumuong plano na nais nilang isakatuparan. "Talagang ginagalit mo ko Do Eun. Sisiguraduhin kong walang makikinabang sa yaman ng pamilya mo lalo na ikaw!" Galit na sambit ni Chai Duri habang mabilis nitong inilabas ang maliit na kutsilyong napakatalas ng blade nito. Mabilis na sinugod ni Chai Duri ang direksyon kung saan naroroon si Do Eun. Nakatayo lamang si Do Eun na animo'y walang anumang balak na umilag sa papalapit na atake ng lalaking si Chai Duri. Napangisi naman si Chai Duri sa kaniyang nakikitang attitude ng binatang lalaking si Do Eun. Talagang hinahamak at ina-underestimate siya nito. Kung sana ay una palang ay pinaslang niya na ito gamit ang sarili niyang mga kamay ay ginawa na niya sana upang hindi na sana sila nagkaproblema ngayon. "Hindi ko aakalaing ako mismo ang papaslang sa'yo Do Eun sa mga oras na ito. Kung hindi ko lang din mapapakinabangan ang yaman ng pamilya mo ay mas mabuting mamatay ka na!" Iyan ang gustong sabihin ni Chai Duri lalo at gusto niyang kunin lahat ng yaman ng pamilya Do upang siya lang ang makinabang nito. Patungkol naman sa ina niya at sa kapatid niya ay wala siyang pakialam sa mga ito. Malapit na niyang maabot ang tiyan ni Do Eun nang makarating na ito sa pwesto nito. Yung tipong sasaksakin niya na ito ay sigurado si Chai Duri na mapipinsala niya si Do Eun. Ngunit nang subukan niyang saksakin si Do Eun ay mabilis itong nakailag sa kaniyang atake kaya nanlaki ang mga mata niya. "Paanong nangyari ito? Hindi ito maaari! Paano niya nailagan ang aking atake!" Sambit ni Chai Duri sa kaniyang sariling isipan lamang. Tila ba sa labis na gulat niya ay natameme siya sa kaniyang pwesto. Napangisi na lamang si Do Eun lalo na at naririto sa harapan niya si Chai Duri na binalak siyang saksakin nito gamit ang maliit na kutsilyong hawak nito. Talagang ang tapang ni Chai Duri na gawin ito sa kaniya lalo pa't sa alaala ng original owner na nakuha niya ay palagi lamang siyang nabubugbog ng Chai Duri na ito na anak ng tiyahin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD