Chapter 3

2015 Words
+0.2, +0.1, +0.1, +0.3, +0.1, +0.3, +0.2, +0.2, +0.1, +0.1, +0.2... Iyan lamang ang naririnig ni Do Eun sa kaniyang tenga na mayroong Geno points earpiece kung saan nakakadetect ito ng Geno points. Isa din ito sa dahilan para malaman niya kung ilang geno points ang nakokolekta niya sa kaniyang katawan. Nagsisilbi din kasi ang Geno points earpiece niya bilang isa sa mga registered citizens ng mundong ito. Napaka-high tech ng mundong ito kahit na sobrang delikado ng mga lugar dito at maraming mga Geno Beasts ang nabubuhay kasama nila. Ano pa ba ang aasahan nila lalo na ang Geno points ang batayan para lumakas ang bawat cultivators dito upang magkaroon ng evolution ang kanilang katawan upang mag-evolve at magkaroon ng mga abilidad upang makipagsabayan sa pakikipaglaban sa mapamuksang mga Geno Beasts na nanggugulo sa mga District Cities. Patuloy lamang sa pagdagdag ng points si Do Eun sa kaniyang katawan pero kadalasan ay wala siyang nakukuhang mga geno points sa mga malalaking langgam na ito idagdag pang halos ordinaryong langgam na nga ito. Magkagayon man ay lubos pa rin ang kasiyahan ni Do Eun kahit ramdom points lamang ang nakukuha niya. Mabilis na tiningnan ni Do Eun ang Gene watch niya kung saan ay itong device na ito ay may function na bumilang ng Geno points ng isang citizen at ang Evolution Requirements nito. Geno Points Acquired: 7.6 Geno points Evolution Requirements: 100 Geno points Special Geno Points: None Napahinga na lamang ng malalim si Do Eun nang malaman niya ang requirements na ito. Hindi madaling mangolekta ng 100 Geno points lalo na at newbie pa lamang siya at wala pang kasama sa pag-hunt ng Gene Beasts kaya talagang mahirap mangolekta nito. all he can do now is to consistent at maging pasensyoso dahil hindi niya maaaring ilagay sa kapahamakan ang buhay niya. Mabilis na ring umalis si Do Eun sa lugar na ito at naglakad pa papasok ng kagubatan. Masasabi niyang hindi pa sapat ang Geno points na nakuha niya. He's not greedy pero kailangan niyang makakolekta ng 20 Geno Points o mataas pa sa araw na ito para hindi na siya maapi at bantaan ng magaling niyang tiyahin at ng dalawang anak nitong kapareho nito ng ugali. "Hintayin niyo lang ang pagbabalik ko dahil papalayasin ko din kayo sa pamamahay ng yumao kong ama. Hindi ko aakalaing kayo din ang nagpahirap kay Do Eun noong nabubuhay pa soya dito." Galit na sambit ni Do Eun habang hindi nito mapigilang makaramdam ng awa sa yumaong orihinal na nagmamay-ari ng katawang ito. Ang kailangan niya muna ay mangolekta ng maraming Geno points upang mapaalis niya ang mga ito ng s*******n sa pamamahay na pamana ng mga magulang niya na gusto pang kunin sa kaniya ng tiyahin niya. Maya-maya pa ay napansin ni Do Eun ang isang lugar kung saan ay maraming mga malalaking mga lizard na tinatawag na Green Lizard. Halos kasing laki ito ng bayawak ngunit ito ay napaka-aggresibo ngunit mapaminsala din ang Geno Beasts na ito lalo na at may taglay na lason ang balat nito na kayang kumitil sa mga kagubatan dito at kayang manglason ng katubigan dito sa loob ng kagubatang ito. Mabilis namang sinugod ito ni Do Eun upang paslangin. Kung hindi siya nagkamali ay makakakolekta siya ng 0.5 points hanggang 1.0 points bawat isa sa mga ito kung papalarin siya. Slash! s***h! s***h! Mabilis na kinitilan ng buhay ni Do Eun ang mga parasitikong halimaw na ito. Hindi naman siya manghihinayang lalo na at halos lahat ng nabubuhay sa kagubatang ito ay puro Green Lizard. +0.5 +1.5 +1.0 +1.0 +1.0+0.5 ... Sunod-sunod na pagtunog ng Geno points earpiece niya ang narinig niya sa kaniyang tenga habang nagsasalita ang mechanical voice sa nasabing geno points na nakukuha niya sa napaslang niyang mga Geno Beasts na Green Lizards. Nasa tatlumpong Green Lizard ang napaslang niya kung saan ay nakakuha siya ng napakaraming points ngunit ang ilan sa mga ito ay wala siyang nakuhang geno points. Geno Points Acquired: 20 Geno points Evolution Requirements: 100 Geno points Special Geno Points: None Natuwa naman si Do Eun lalo na at nakaabot siya sa 20 Geno points kaagad. Medyo nadismaya siya lalo pa't naalala niyang hanggang 20 points lang limitasyon ng pagpatay sa mga mababang uri ng mga Geno Beast. Ito rin ang dahilan kung bakit wala ng silbi ang mababang uri ng mga Geno Beasts sa mga Gene Cultivators na nakatapak na sa 20 points pataas. ... Walang alinlangan namang nilisan na kaagad ni Do Eun ang lugar na ito lalo pa't wala na rin siyang mapapala kung mananatili pa siya rito dahil tapos na rin ang layunin niya sa pagpunta niya rito. Sa edad niyang labinwalong taong gulang ay madali lamang talaga siyang makakakolekta ng 20 Geno points dahil ang 5 Geno Points niya ay ang actual points niya na hindi nadagdagan over a period of time. Isa sa dahilan ay dahil na rin sa tiyahin niyang bantay sarado ang bawat galaw niya noon pero nang makaabot siya ng labingpitong taong gulang ay hindi na siya nakikitang banta ng mga ito lalo na at kapag natapos na ang kaarawan ng sinuman nang hindi nadadagdagan ang points niya at mawawalan ng silbi ang Geno points niya. Ngunit ang kaarawan niya ay sa susunod na buwan pa at labing-anim na kaya napatawa na lamang ang binatang lalaking si Do Eun habang naiisip ang mga bagay na ito. "La la la la... Siguradong magugulat ang pesteng tiyahin ko at ng mga anak niya sa pasabog na ipapakita ko sa kanila. Sisiguraduhin kong sa oras na ito ay mapapaalis ko sila sa sarili kong pamamahay!" Sambit ni Do Eun habang nakakuyom ang mga kamay nito. Hindi na siyang makapaghintay na mawala sa landas niya ang mapang-abusong kamag-anak niya sa huling pamana ng kaniyang mga magulang. ... Nakarating na sa tapat ng malaking bahay si Do Eun. Hindi niya pa rin maiiwasang mamangha sa nakikota niyang laki at ganda ng mansyong kaniyang natatanaw. "Napakaganda talaga ng bahay na ito ni Do Eun ngunit ako rin pala iyon noh haha... Sisiguraduhin kong mapapaalis ko na talaga sila ngayon para maiwasan ko ang pananatili ng ahas sa pamamahay ng mga yumao mga magulang at mismong si Do Eun." Sambit ni Do Eun. Ang tinutukoy niya ay ang orihinal na nagmamay-ari ng katawan niya at ang mga magulang nitong yumao dahil sa isang kahindik-hindik na aksidente. Bilang respeto sa mga ito ay kailangan niyang protektahan ang mga bagay na naiwan ng pamilyang ito lalo na at hindi siya makakapunta sa mundong oto dahil kay Do Eun na kapangalan niya at kaedaran niya. Kahit papaano ay marunong siyang tumanaw ng utang na loob noh hindi kagaya ng tiyahin ng yumaong orihinal na nagmamay-ari ng katawang ito na ang kakapal ng mukha na daig pa ang kapal ng libro sa kakapalan. Idagdag pa ang dalawang damuhong anak nito na mga batugan na kala mo ay mga senyorito ng malaking bahay na ito. Ito na ang hinihintay niyang oras ng komprontasyon niya sa mga ito. Mabilis na kinuha ang susi ng bahay mula sa maliit na bulsa ng pantalon ni Do Eun. Halatang masaya siya sa mga oras na ito. Hindi naman siya ang mismong Do Eun na inaapi at nagpapaapi. Sigurado siyang magugulat ang mga ito sa pagdating niya. It time for him to avenge the original Do Eun of this world. ... "Ma, may magnanakaw ata ma!" Pagtakbong sambit ni Chai Dal. Nakita niya kasing kumalansing ang tunog ng gate nila habang nakita niya na lamang itong bukas. Hindi naman kasi imposibleng hindi niya makita iyon dahil malapit lang naman siya sa malaking glass wall ng second floor ng bahay na ito. Buong araw siyang nakahilata sa malaking kutson na palagi niyang ginagawa. Ang motto niya sa buhay ay kain tulog gala, yun lang. Patungkol sa Cultivation ay wala siyang pakialam dito dahil ayaw niyang maging Gene Cultivator noh. "Tingnan mo kaya doon Dal hindi yung puro ka sustpetsa." Sambit ng ina nitong si Chai Cho-Hee sa anak nitong si Chai Dal. "Duri, tingnan mo ying gate!" Malakas na sambit nito sa isa pa nitong anak na si Chai Duri.Gusto talaga nitong pagsusuntuntukin ang mga ito dahil sa katamaran ng mga ito. Ni hindi niya mautusan ang mga ito kahit sa simpleng bagay lamang. "Ma naman, busy pa ko sa assignments ko eh. Si Dal nalang pls." Sambit ni Chai Duri na nasa sala habang may ginagawa itong school works sa kanila. Si Chai Duri ang panganay sa kanilang magkapatid na mayroong labinlimang taon habang ang kapatid nitong si Chai Duri naman ay labinapat na taon. Ang tatay nila ay nanlayas dahil hindi nito matagalan ang ina nitong bugangera at pinagpalit ito sa mas magandang babae. Wala ring hilig sa Cultivation si Chai Duri at nais nitong makapag-aral sa prestirhiyosong paaralan ngunit yun lang ay may masama din itong pag-uugali at nakapaself-centered nito. "Hay naku Chai Dal, tularan mo nga ang kapatid mo hindi yung nakahilata ka lang diyan. Makukurot kita ng wala sa oras diyan eh. Pag nanakawan ang bahay natin, sinasabi ko sa'yo, sa daan kita papatulugin!" Sambit ng bugangera nitong ina na si Chai Cho-Hee sa anak nitong si Chai Dal na kala mo ay machine g*n anh bibig nito dahil sa walang prenong pagsasalita nito. Ang mga kilay nga nito ay animo'y nasa 3cm above sea level ng noo nito. Nagulat na lamang sila ng bumukas ang malaking pintuan sa harap nila at bumungad sa kanila ang mukha ng isang nilalang na akala nila ay hindi na nila makikita pang muli. Kapwa natigilan ang tiyahin maging ang dalawang anak nito sa bulto ng nilalang na pumasok sa loob ng inaangkin nilang bahay. "Akala ko ay patay ka nang hayop na Eun ka. Bakit bumangon ka pa sa hukay kung saan ay mapapasakin na sana ang titulo ng bahay na ito. Bwiset!" Sambit ng babaeng si Chai Cho-Hee sa kaniyang isipan lamang. Akala niya talaga ay napaslang na ito lalo pa't ibinalita pa sa kaniya na napaslang na si Do Eun na siyang pamangkin niya matapos itong kainin ng halimaw sa dagat. Iyon ang pangalawang magandang balitang nalaman niya matapos maaksidente ang mga magulang nito. Pero it turns na buhay at nakaligtas pala ito mula sa kahindik-hindik na kaganapan sa buhay ng pesteng pamangkin niya. "Paanong--- Do Eun, okay ka lang ba, bakit ngayon ka lang? Sambit ng babaeng si Chai Cho-Hee kung saan ay makikitang pinapagana na naman nito ang pagiging best actress nito sa larangan ng pagdadrama. Halatang pinaplastikan lamang nito ang paglitaw ng taong akala niya ay napaslang na nitong nakaraang araw lamang. "Bwiset naman to'ng hayop na Do Eun na 'to. Perma na lamang ni mama ang kulang sa pag-aasikaso ng papeles pero it turns out na buhay pa pala ang animal na 'to hmmp!" Gigil na sambit ni Chai Duri sa isipan niya lamang. Plano nila sanang angkinin at kamkamin ang yaman ng pamilya Do lalo na at malaki ang perang nakapondo sa Gene Bank na iniwan ng kapatid ng ina niyang tatay ni Do Eun maging ng ina nito na isang joint account para sa anak nila. Isang emergency Gene Bank savings iyon na para kay Do Eun at kay Do Eun lamang. Siyempre hindi nila hahayaang malaman ito ni Do Eun at wala silang rason upang sabihin ito dahil gusto nilang makuha ito. "Pag tinaman ka nga naman ng kamalasan ho. Akala ko talaga ay patay na tong Do Eun na 'to!" Simpleng sambit ni Chai Dal sa kaniyang sariling isipan lamang. Halatang hindi nito alam ang gagawin niya. Pero alam niyang hindi papayag ang ina at kapatid niya na mawala sa kanila ang lahat ng pinaghirapan nilang makuhang yaman ng pamilya ni Do Eun. "Mabuti naman at buhay ka Do Eun. Akala ko talaga ay napaslang ka na dahil sa aksidente." Sambit ni Chai Duri na nagpapanggap pa itong natutuwa. "Do Eun, akala ko talaga ay totoo ang balitang iyon. Mabuti at ligtas kang nakabalik sa pamamahay namin este natin." Sambit ng lalaking si Chai Dal na nagdrama din katulad ng ina nitong si Chai Cho-Hee at nakakatandang kapatid nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD