Naalimpungatan si Do Eun nang makarinig siya ng malakas na doorbell at halos mabingi siya sa paulit-ulit na pagpindot ng kung sinumang nilalang ang nasa labas ng kaniyang mala-mansyong bahay. Biruin mo ay sobrang aga pa lamang at sa mga oras na ito ay marami pang natutulog na mga nilalang.
Kahit na isa siyang ganap na Gene Cultivator ay kailangan niya pa ring mag-asikaso ng sarili niya. Sobrang hindi niya. Ni wala pa siyang nakukuhang titulo.
Nasa 90 geno points na ngayon ang nakolekta ng katawan niya. Kapag nakakuha siya ng sampong Geno Points muli sa pagha-hunt ng mga Geno Beasts ay siguradong magiging malakas siya at makakakuha ng titulo bilang isang ganap na Gene Apprentice.
Havign 100 geno points in a short period of time makes him to become more immerse to discover some magical things in this world. Noong unang punta niya ay mukhang aligaga pa siya kung ano ang mga gagawin but seeing his life opposite to what type of living he has on Earth really in different level.
Once again ay napatakip na lamang si Do Eun ng kaniyang sariling tenga dahil sa walang tigil na pagdo-doorbell ng kung sinumang nasa labas ng gate ng malaking bahay niya.
Agad na rin siyang kumilos pababa hanggang sa makarating na siya sa malaking gate ng bahay niya. Mabilis niyang binuksan ang pintuan upang lumabas sa kung sinumang nang-iistorbo sa kaniya sa ganitong oras na halos tulog pa ang mga taong mahimbing na natutulog. Hindi maganda ang timpla ng araw niya ngayon dahil pagod siya kahapon kaka-hunt ng mga Geno Beast upang madagdagan ang Geno Points niya.
Ngunit di na siya sinuwerte pang madagdagan ang Special Geno Points niya na hanggang ngayon ay nasa 0.5 lamang. Natural lamang iyon dahil random lamang iyon at mahirap makakuha ng Special Geno Points.
Tumambad sa harapan niya ang dalawang nilalang. Isang magandang babaeng halos kaedaran niya lamang habang ang isa ay sobrang tangkad na lalaki na nakasuot ng salamin. Nakasuot ng tuxedo ang matangkad na lalaki habang ang magandang babae naman ay mayroong suot na dress. Sa tingin niya ay sobrang elegante ng suot ng nasabing dilag lalo na at kitang-kita kung paano kaangat ang kulat at kalidad ng telang suot nito.
Pansin niyang kung gaano kaganda ang suot ng magandang babaeng nasa harapan niya ay ganoon din kasama ang tinging ipinupukol niya kay Do Eun. Hindi maipagkakailang nakaka-intimidate ang mga tingin nito habang parang magtagpo ang kilay nitong nakatingin kay Do Eun na parang kakainin niya ang binata ng buhay.
"O buhay ka pa pala? Akala ko ay hindi na pero nandito lang naman ako dahil sa importanteng bagay. Lagdaan mo na ito at hindi na tayo magkikita sa hinaharap!" Pasupladang sambit ng magandang babaeng kaharap si Do Eun. May halong pandidiri at pangmamaliit ang tinging ipinupukol niya rito halatang wala itong balak na usisain man lang ang kalagayan niya.
Mabilis namang nag-init ang ulo ni Do Eun dahil sa narinig niya. Hindi niya aakalaing mukhang kilala siya ng magandang babaeng kaharap niya ngayon ngunit ang ipibagtataka niya lamang ay ang maagang pagpunta niya rito. Sa palagay niya ay nagmamadali itongcpumuntacrito habang ramdam niyang atat na atat na rin ito umalis.
Ibinigay at inilahad sa kaniya ng matangkad na lalaki ang mga papeles na tinutukoy ng magandang babaeng dapat niyang pirmahan.
Agad niyang kinuha ito at mabilis na binasa ang nakasulat sa mga papeles lalo na ang pinakaunang bahagi ng papeles.
Nanlaki ang mga mata niya sa pangyayaring ito. Hindi niya lubos aakalaing konektado pala ang pamilya niya sa pamilya ng magandang babaeng saksakan naman ng sungit.
Nakalagay sa papeles na inabot sa kaniya ang pirma ng mga magulang ng magandang dilag habang nakapirma na rin ito.
Nangunot naman ang noo ng mabasa niya ang buong detalyeng nakasaad sa papeles na dapat na lagdaan niya. Parang breach of contract ito na siyang mabilis niyang naintindihan ang pangunahing layunin ng magandang babaeng ito kasama ang matangkad na lalaking nagsisilbing lawyer nito.
Ang isa pa sa nakakatawang pangyayaring ito ay pinayagan ito ng magulang nito na putulin ang ugnayan ng Do Family sa kanilang pamilya. Medyo nakaramdam siya ng inis sa mga ito.
Bumalik sa alaala niya ang alaalang galing sa dating Do Eun ng mundong ito. Nang mamatay ang mga magulang niya ay tanging siya lamang ang natirang namumuhay at sobrang dami ng mga tauhan ng mga magulang niya maging ng nag-aalaga sa kaniya ngunit nawala ang mga ito na parang bula lalo na ang kaalyado ng pamilyang kinabibilangan niya.
That's the normal thing people do lalo na kung wala na silang makikitang pakinabang sa sinumang nasa tingin nila ay pinagkaitan ng magandang kapalaran. Without his own mother and father by his side, all of the things they have suddenly vanished including their family's friends, acquaintances etc.
Dahil na din sa pagkamatay ng mga magulang niya ay lumaganap ang balitang naghihirap na ang natitirang anak ng mga ito. Hindi na masyadong masakit iyon isipin lalo na at matagal ng patay ang mga magulang ng Do Eun ng mundong ito at tanging ang mga alaala lamang nito ang nagsisilbing batayan ni Do Eun upang magkaroon ng bagong pag-asang bumangon muli ang Do Family sa gitna ng mga masalimuot na pangyayari sa buhay nila.
"Kanina mo pa yan binabasa ngunit para kang timang diyan na nag-iisip. Tama nga ang sabi ng magulang ko na naghihirap na nga ang nag-iisang anak ng mga Do. Mukhang di mo pa naibebenta ang bahay na nakasanla na ata dahil sa pagkakabaon ng magulang mo sa utang hahaha!" Natatawang sambit ng magandang dalaga sa maarteng pamamaraan. Makikitang tila ba minamaliit talaga nito ang pagkatao ng binatang si Do Eun.
Nakita ni Do Eun ang pangalan ng magandang dalagang nasa harapan niya. Ito ay si Nam Bongseon. Galing ito sa marangyang pamilya ng Nam Family na nagmamay-ari ng malalaking mga negosyo maging ng mga establishimentong makikita sa mga magagandang mga lugar sa kanilang District maging sa iba pang District Area. Nasa bilyon-bilyon din ang asset ng mga ito na siyang hindi na nakakapagtaka pa dahil iyon naman talaga ang kalakaran sa pamilya Nam. They are on arrange marriage to expand their assets as well as developing their businesses.
Talagang sa apelyido pa lamang na dala ng magandang babaeng si Nam Bongseon ay masasabing kakahumalingan na ito ng iba pang mararangyang pamilya. They are really somewhat sketpical about this matter lalo na ang arrange marriage na nakasaad sa sulat.
Kung gayon ay ipinagkasundo siya ng mga magulang niya bago pa ang mga ito pumanaw. Halos walong taon na rin ang nakakalipas ng namayapa ang mga magulang niya. Having experience of his dying parents and how things his adopted aunt manipulate his life for the past few years ay tila naging mapait na talaga ang tadhana sa kaniya.
Now, this young lady came out of nowhere and breaching the contract of the possible arrange marriage in the future or what he can say few months from now ay makikitang tila inunahan lamang siya nito. Talaga nga namang pumunta pa ito upang hamakin siya sa lahat ng bagay pati pagkatao niya. Kulang nalang ay gusto na siya nitong ipawala sa harapan nito.
Wala namang pag-aalinlangan na kinuha ng binatang si Do Eun ang hawak na ballpen na iniabot sa kaniya kanina ng mismong abogado ni Nam Bongseon. Mabilis niyang pinirmahan ito para wala ng g**o pa. Agad niyang inabot pabalik ito sa nasabing matangkad na lalaki. Agad din itong tiningnang mabuti ng nasabing lalaking abogad to check kung tama ang pagkakapirma nito He is aware of how things might be messed up if he bring himself connected to Nam Family.
Bago pa tumalikod si Do Eun ay mabilis na tumikad ang bibig ng magandang dalagang si Nam Bongseon.
"Siguraduhin mo lang na tama ang pagkakapirma mo Do errr--- ano nga ang pangalan mo? Hahaha!" Sarkastikong sambit ni Nam Bongseon habang pinapakita nitong nanghahamak siya sa pagkatao ng gustong ipakasal sa kaniya ng mga magulang niya.
Pinigilan naman ni Do Eun na mainis habang makikitang hindi siya makapagpigil na magsalita pabalik sa magandang dalagang kay gaspang ng ugali.
"Do Eun ang pangalan ko magandang binibini. Ikaw ano ang pangalan mo? Sa sobrang pangit ng pangalan mo ay bumagay naman sa pag-uugali mo!" Ganting saad naman ng binatang si Do Eun kay Nam Bongseon. Talagang bumagay ang pangalan nito sa pagiging mainipin nito, halatang ano'ng kinaganda ng mukha nito ay siya ring kabaliktaran ng pag-uugali nito.
Biglang gumuhit ang inis sa mukha ng magandang dalaga habang makikitang hindi na rin maganda ang timpla ng pagmumukha nito.
"How dare you to insult my name? Tandaan mo Do Eun, isa ka na lamang dukhang mamamayan ng District 4 ng Godly Sanctuary kaya ilugar mo ang sarili mo baka nakakalimutan mo na kayang-kaya kitang ipapaslang sa paraang gusto ko!" Puno ng pagbabantang sambit ni Nam Bongseon habang makikitang hindi ito magpapadaig at hindi nito palalampasin ang sinabing ito ng maralitang si Do Eun.
Napangiti na lamang ang binatang si Do Eun sa kaniyang narinig mula sa bibig mismo ng magandang dalagang si Nam Bongseon.
"Talaga ba? Hindi ako natatakot sa iyong banta magandang binibini. Ngunit sisiguraduhin kong isasama ko kayo sa hukay bago mo magawa iyon dahil sa akin, wala rin namang mawawala sa akin dahil mahirap lang ako pero sa inyo ay malaki. Hindi mo naman siguro gustong maghirap ang pamilya mo sa isang iglap lamang hindi ba?!" Sarkastikong sambit ng binatang si Do Eun. Talagang ipapamukha niya sa dalaga kung sino ang may malaking kawalan sa oras na gawin nito ang pagbabantang naiisip ng dalaga. Hindi siya katulad ng dating nagmamay-ari ng katawnag ito na magpapaapi na lamang, ano sila sinusuwerte?
Namula naman ang mukha ng dalaga hindi sa hiya kundi sa labis na galit. Tila ba iniisip din nito ang sinabi ng binatang gustong ipakasal sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Halatang hindi niya gusto ang tabil ng dila ng binatang kaharap niya ngayon. Never in her entire life suffer from humiliation like this.
"Hindi mo magagawa iyon Do Eun. Susuwayin mo ba ang kagustuhan ng magulang mo na mabuhay ka ng simple na malayo sa g**o ng mararangyang pamilyang katulad namin? Kumpara sa katulad mong mangmang na ni hindi pa nakatapos ng pag-aaral ay nagmumukha ka lamang katawa-tawa sa harap ng pamilya ko hahaha!" Malakas na sambit ni Nam Bongseon upang mas maliitin pa ang pagkatao ni Do Eun. Inis na inis siya rito dahil ito ang ipapakasal sa kaniya ng s*******n. Tama lamang ang desisyon ng magulang niya na i-breach ang marriage contract na noo'y napagkasunduan ng dalawang pamilya.
Unang-una ay isinasaalang-alang ng pamilya niya ang malaking benepisyong makukuha nila sa Do Family ngunit wala na itong natitirang yaman sa paghahalungkat nila. Having a 10 million gene money doesn't really appealing to her family na may bilyon-bilyong salapi sa mga Gene Banks. Sa luho pa lamang niya ay baka isang linggong gastos lamang niya ang sampong milyong gene money.
"Sino bang may gustong ikasal sa iyo? Dahil una pa lamang ay alam kong gagatasan niyo lamang ang pamilya ko. Ngayong walang-wala ako ay gusto niyong i-breach ang contract. Sino kaya ang nagmumukha sating katawa-tawa. Kagustuhang alam kong mapapasama ako. Hindi mo ba matatanggap ako na maging kabiyak mo? Mukhang gusto mo pa atang maikasal sa akin eh." Natatawang sambit ng binatang si Do Eun habang nakaharap sa magandang dalaga. Oo, nagagandahan siya rito ngunit sa ipinapakita nitong pag-uugali ay hindi niya masikmurang pakasalan ito. Kung gaano siya nito maliitin maging ang pamilya niyang dumaan sa masamang pangyayaring lubos na umapekto sa kaniyang buhay ay tila ba kailangan niyang maging maingat sa hinaharap lalo na sa desisyong gagawing niya.
"Namumuro ka na Do Eun. Ito ang tatandaan mo, wala kaming kinuha sa inyo. Sa lagay mo ngayon ay mukhang mamalimos ka na lamang sa kalsada pagkatapos ng kaarawan mo. Balita ko ay maraming utang ang pamilya mo sa iba't-ibang Gene Banks. Tapos na ang maliligayang araw mo upang magbuhay prinsipe." Nakangising sambit ni Nam Bongseon habang makikitang natutuwa ito sa mangyayari sa buhay ng pesteng binatang ito na ipinagkasundo ng mga magulang niya sa kaniya. Baka perahan pa siya ng pesteng binatang ito na sobrang dukha. Baka kulang pa ang sampong milyong natitira sa Gene Bank mula sa savings ng mga magulang nito pambayad sa mga utang nila. How pathetic.