"Magbuhay prinsipe? Kailan lang ako nagbuhay prinsipe huh? Alam mo kung ano'ng hirap ang pinagdaanan ko mula ng namatay ang mga magulang ko. Nag-imbestiga ka ba talaga o hindi?!" Seryosong saad ng binatang si Do Eun habang nakatingin sa kinaroroonan ng dalaga.
"Hmmp! Wala akong pakialam sa'yo Do Eun dahil sigurado naman akong wala kang mapapala kung magmamatigas ka pa sa gusto kong mangyari Do Eun kaya pirmahan mo na ang mga papeles na inihanda ng aking abogado." Seryosong saad nj Nam Bongseon habang nakatingin kay Do Eun.
Inilahad naman ito ng abogado habang makikitang binuklat pa nito ang mga papeles upang siguraduhing hindi ito gawa-gawa lamang.
Maraming pahina ito at meron pang nakasulat sa mga ito na siyang ipinagtataka naman ni Do Eun.
Walang nagawa si Do Eun kundi ang bigyang pansin ito at hindi na rin nakakatuwa pa kung uubusin niya ang oras niya upang makipagdebate pa rito. Wala siyang balak awayin ang nasabing magandang dalagang itinakda sanang ipakasal sa kaniya ng kaniyang yumaong mga magulang.
Huwag na siyang umasa pang pumalag dahil alam niyang isang ganap na Gene Cultivator na ang dalagang ito.
Ramdam niyang malakas ito at baka patulan ap siya nito na ikamatay niya pa. Ayaw niyang mapariwa ang buhay niya dahil sa kahibangan niyang may magagawa pa siya.
Mahina, mahirap, lampa at walang kinabukasan ang tingin ng magandang dalagang si Nam Bongseon sa kaniya na masasabi niyang normal na reaksyon lamang ito para sa katulad nitong nabubuhay ng matagal sa kakaibang mumdong ginagalawan niya ngayon. Halata kasing mayroon itong pinagbabasehan at maraming kompetisyon ang maaaring mangyari sa hinaharap. One must end the things that may be a big problem in the future.
Without his family, alam niyang hindi magiging maganda ang mangyayari sa buhay niya. Balita na rin ang paghihirap niya na siyang pinaniwalaan ng lahat. Pero alam niyang bayad na talaga ang mga utang na meron ang pamilya niya sa mga malalaking taong ponagkakautangan nila ng salapi at mga ari-arian.
Halatang nirarason lang ng dalagang ito na hamakin siya upang pakawalan siya sa kamay niya. Alam nitong gagamitin nito ang lahat upang sindakin at tuluyang papirmahin sa naiisip nitong pagpapawalang-bisa ng kasunduan ng dalawang malalaking pamilya.
Naisip ni Do Eun na gamitin itong pagkakataong ito upang gantihan ang dalagang pilit siyang hinahamak.
Agad na tinanggap ni Do Eun ang nasabing mga papeles at binasa niya itong maigi. Makikitang tinitingnan niya itong maigi.
Wala naman siyang nakikitang mali rito at kung ano pang labag sa kasunduan o kalooban ng dalawang panig. Makikitang hlaos pabor ito sa sinuman sa kanila.
Dumako siya sa makukuha niyang salapi patungkol sa pagbreach ng kontrata lalo na at dalawang naglalakasang pamilya ang nakalagda sa nasabing kasunduan kaya natitiyak ni Do Eun na spbrang laki ng makukuha niya kung sakaling ipapawalang-bisa ng magandang dalagang si Nam Bongseon ang nasabing kasunduan.
Ngunit gayon na lamang ang pagtataka ni Do Eun sa kaniyang mga nabasa lalo na sa halaga ng perang maaaring makuha niya na nakasaad sa kontrata.
"Mukhang nagkakamali ka Binibini sa nakasaad sa kontrata dito. 50 Million Gene Money? Nagbibiro ka ba?! Haha..." Seryosong saad ng binatang si Do Eun ng dumako ang tingin niya sa nasabing bahagi ng kontratang binigay sa kaniya ng nasabing dalaga na dala-dala mismo ng abogado nito. Mapait na napatawa na lamang si Do Eun sa nabasa niya patungkol rito.
Ano'ng akala ng mga ito sa kaniya, uto-uto? Pwes nagkakamali sila. Alam niyang sa dalawang maimpluwensyang pamilya ay alam niyang malaking halaga ng pera ang ibibigay ng pamilya ng lalaki sa pamilya ng babaeng mula rin sa maimpluwensyang pamilya kaya nasisiguro niyang hindi lamang 50 million Gene Money ang ibinigay ng pamilya niya sa pamilya ng mga Nam.
Ano'ng akala nito sa mga magulang niya? Nagbibigay lamang ng abuloy o di kaya ay nagbibigay ng limos lamang? Sa yaman nila ng mga Do ay alam niyang nagpapaambon lamang sila ng pera sa mga nagtatrabaho sa kanilang pamilya. Ang 50 million Gene Money ay sigurado siyang hindi ito tama. Papayag ba ang isang pamilyang bilyon-bilyon ang asset sa mga bangko kapalit ng anak nila sa 50 million Gene Money? Ano yun, isang bagay na maaaring ibenta ng bilyonaryong pamilya sa isang katulad niyang mas higit na mayaman kumpara sa mga ito? Tanga lamang ang makakaisip nito.
Kung nandirito at buhay lang siguro ang mga magulang niya ay siguradong masasapok siya ng mga ito dahil nagpalinlang siya sa magandang babaeng ubod ng katusuhan.
Ginagamit lamang nito ang mga salitang maaaring maging dahilan ng pagpayag niya upang makalaya na ito sa kamay niya. Hinding-hindi siya papayag na mangyayari ang gusto nito.
Kung ang dating Do Eun siguro na siyang nasa katawang ito ay maaaring pumayag pa pero malas lang ng babaeng ito dahil hindi siya ang orihinal na Do Eun ng mundong itong namatay na. Hinding-hindi siya magpaauto sa kagaya ng babaeng ito na ang lumalabas sa bibig nito ay parang kamandag na sisipsipin ang magandang bagay na nakalaan sana sa iyo. Lahat ng benepisyo ay gusto nitong makuha ngunit di nito inaalala ang kaniyang parte.
Kaya desidido na siya sa magiging desisyon niyang hindi gagawin ang labag sa napagkasunduan.
"Ano'ng sinasabi mo Do Eun? Na kulang pa ang 50 million Gene Money na nakasaad sa kasunduan ng mga magulang natin? Mukhang nangangarap ka ata ng gising. Sapat na ang halagang ito upang mamuhay ka ng matiwasay at malayo sa gulong maaari mong makaharap sa hinaharap." Seryosong sambit naman ng magandang dalagang si Nam Bongseon. Batid nitong may katanungan ang binatang si Do Eun patungkol sa halagang maaari nitong matanggap sa oras na mapawalang-bisa ang kontratang nilagdaan ng mga magulang nila. Gusto niyang mapawalang-bisa ito at tuluyan siyang makawala sa hinaharap niyang problemang maaaring maging dahilan ng pagkakalugmok niya. Ayaw niyang matali at iyon ang paninindiganan niya.
"Sinisiguro ko sa'yo Ginoong Do Eun, iyon lamang ang nakasaad sa kontrata. Hindi maaaring magkamali ang aking pagkakatanda. Isa pa ay magkaibigan ang pamilya Do at pamilya Nam kaya hindi nasusukat ang halaga ng pera sa dalawang pamilya." Seryosong wika naman ng nasabing nakasalaming lalaki habang inaayos pa nito ang eyeglasses nito.
Napatawa na lamang ang binatang si Do Eun sa kaniyang sariling isipan lamang. Napakatuso talaga ng magandang dalagang si Nam Bongseon dahil nagawa nitong ensayuhin pati ang abogado nitong dinala upang mapaniwala siya sa kasinungalingang maaari nitong sabihin.
Sa hinuha niya ay binayaran ng malaki ng magandang dalagang si Nam Bongseon ang nasabing abogadong ito upang siguraduhing mauuwi nito ang matagumpay na plano niya. Ngunit pasensyahan na lamang sila dahil hindi siya basta-bastang mapapataob lamang ng mga tusong nilalang na ito.
"Yun lang ba talaga o mukhang may tinatago pa ksyo mula sa aking kaalaman? 50 million Gene Money is too small for amount of advance dowry. Business minded ang mga magulang natin lalo na ang mga magulang mo Nam Bongseon kaya nasisiguro kong hindi ganito ka-cheap magbigay ang mga magulang kong namayapa!" Inis na wika ng binatang si Do Eun na makikitang hindi ito natutuwa sa pinanggagawa ng magandang dalagang si Nam Bongseon na nasa harapan niya lamang. Hindi niya aakalaing pagkatapos ng lahat ng masalimuot na pangyayari sa buhay ng orihinal na Do Eun ay nagawa pa nitong manlinlang at utuin siya gamit ang mga magulang niya.
Hinding-hindi niya matatanggap iyon. Ano'ng palagay ng dalagang nasa harapan niya? Walang modo ang magulang niya? At hindi tanga ang mga magulang niya upang ganon-ganon na lamang kung hingin ng mga ito ang kamay ng anak ng mga Nam na si Nam Bongseon para sa kaniyang kapakanan. Hindi tanga ang mga magulang niya at hindi niyainsan kinwestiyon ang pagmamahal ng mga ito sa orihinal na Do Eun.
Ipinangako niyang gagamitin niya ang pangalawang buhay niyang ito para kay Do Eun at bawiin ang mga bagay na nararapat para rito. Gusto niyang hindi mapasakamay ng mga ito ang lihim ng pamilya Do. Tutuklasin niya ang lahat maging ang aksidenteng pag-reside ng kaluluwa niya sa katawan ng Do Eun ng mundong ito.
Hindi alam ng magandang dalagang ito ang yamang inihabilin ng mga magulang niya para sa kaniya. Sa isang iglap ay maaari niyang pabagsakin ang mga ito gamit ang mga yamang meron siya.
Ngunit alam niyang hindi simpleng bagay lamang ang pagpili ng mga magulang niya sa kaniyang mapapangasawa. Nagtitiwala at naniniwala siyang may nakita ang mga itong espesyal sa magandang dalagang nasa harapan niya.
Hindi siya naniniwalang simpleng bagay lamang ito. Lubos siyang nakaramdam ng kuryusidad sa dalagang nasa harapan niya.
Kumpara sa mga ito ay alam niyang kayang-kayang bilhin ng mga magulang niya ang pamilyang ito kung gugustuhin ng mga ito.
They are too way higher that a rich family. Hindi mabilang ang digits ng yamang meron siya ngayong ipinagkatiwala sa kaniya ng mga magulang niya ang joint account ng mga ito.
Total ay nakikipaglaro sa kaniya ang magandang dalagang si Nam Bongseon ay sisiguraduhin niyang tuturuan niya ito ng leksyong hindi nito makakalimutan. Kaisa-isang tagapagmana siya ng Do Family kaya nagkakamali ang mga itong kalabanin siya. Aalamin niya ang katotohan sa likod ng arranged marriage na ito ng dalawang pamilya.
"At mukhang ikaw pa ang galit na galit Do Eun. Tandaan mo, walang-wala ka na ngayon at baka bukas makalawa ay wala ka ng makain kaya tanggapin mo na ito ng hindi ka na mahirapan pa sa pang-araw-araw mong gastusin hahaha!" Mapanghamak na sambit ng magandang dalagang si Nam Bongseon. Kitang-kita ang pangmamaliit niya sa binatang kaedaran niya lamang. Sa tingin nga niya ay ngayon pa lamang ay naghihirap na ito.
Ibinato nito ang isang golden card. Sigurado siyang tatanggapin ito ng maralitang si Do Eun dahil 50 million Gene Money din ang laman ng nasabing golden card na binigay niya ng walang kaabog-abog.
Eh paano ba naman eh butas-butas ang damit nito maging ang pantalong suot nito na baka kunting hawak lamang ay masisira na ng tuluyan. Sobrang dungis pa ng pagmumukha nito at parang di rin ito naliligo. Halatang daig pa nito ang mga palaboy na mga nilalang sa mga kalyeng nadadaanan nila. In short cheap at dukha ang tingin niya sa binatang si Do Eun. Nagtataka nga siya kung bakit ito pa ang ipinagkasundo sa kaniya ng mga magulang niya eh sobrang dukha na nito at mukhang di na kumakain dahil sa kapayatan nito. Habang naiisip niya ito ay hindi niya mapigilang mainis sa loob-loob niya.
Agad na pinulot naman ito ng binatang si Do Eun habang tinitingnan niya ito ng maigi. Makikitang parang ignorante itong inobserbahan ang nasabing golden card na nasa kamay nito.
"Tatanggapin mo rin naman pala eh. May gana ka pang tanggihan p---- grrr bakit mo tinapakan ang golden card!" Nakangiting sambit ng magandang dalagang si Nam Bongseon nang biglang gumuhit ang galit sa mukha nito.
Kitang-kita ng dalawang mata ng magandang dalagang si Nam Bongseon maging ng abogado nito ang walang awang pagtapak ng binatang si Do Eun sa golden card na may laman ng 50 million Gene Money. Nanlalaki ang mga mata ng mga ito habang makikita ang labis na gulat at inis sa mga mukha ng mga ito.
"Mawalang-galang na binata ngunit ang ginawa mong iyan ay maaari kong gamitin sa mataas na hukuman upang s*******n kang ipakulong dahil sa ginawa mo upang lagdaan ang breach of contract!" Seryosong saad ng lalaking abogado habang makikitang nainis ito ngunit nangingibabaw ang panghihinayang nito.
Imbes na matakot ang binatang si Do Eun ay napangisi na lamang ito habang tumingin bigla sa dalawang nilalang na tila hindi maipinta ang mga mukha ng mga ito.
"Talaga ba? Sigurado naman akong makukuha mo pa rin ng buo ang laman ng golden card na ito. 50 million Gene Money lang ito hindi ba? Panggastos mo lang to ng ilang araw Nam Bongseon, why bother? Mukhang sa ating dalawa ay mukhang ikaw pa ang nanghihinayang. Tutal ay may sampong milyon pa ko sa loob ng Gene Bank mula sa savings account ko, pwedeng-pwede kong palitan ang nasirang golden card na ito." Nakangising turan ng binatang si Do Eun habang nakatingin sa dalawang nilalang na mukhang hinayang na hinayang.
Agad na makikitang napahiya ang magandang dalagang si Nam Bongseon habang matalim nitong tiningnan ang lalaking abogadong isinama niya rito. Yung tinging tagos hanggang kaluluwa.
"Paumanhin binibini, nakalimutan kong isang virtual money lamang ang laman ng golden card na ibinigay mo sa binatang iyan. Ang totoong pera ay nandoon pa sa mismong gene bank kung saan ko dineposito ang perang gusto mong ibigay sa binatang yan." Aligagang saad ng lalaking abogado sa mahinang boses habang garalgal ang boses nitong nakatingin sa dalaga habang sinamaan nito ng tingin ang nasabing binatang si Do Eun.
Halatang hindi ito natatakot sa binatang galing sa pamilya Do. Tutal ay maralita na ito ay wala itong magagawa upang pinsalain siya sa paraang hindi niya magugustuhan.