3 - ANG LALAKI SA BUROL

2257 Words
Ang Lihim sa Punong Acacia (CHAPTER 3) (M2M Love Story) ni JM Misteryo ⚠PAALALA: Ang kwentong ito ay Rated SPG na hindi angkop sa mga batang mambabasa. ➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡ KABANATA 3: ANG LALAKI SA BUROL . . . . . Hinay-hinay siyang lumapit at mga ilang dipa nalang ay marating na niya ito. Nagmamasid, tinitingnan ang mukha ng taong iyon, kasi sa isip niya baka kilala niya ito o kaya naman may problema lang. "S-sino kaaaa!" sigaw ng lalaki nang makita ang taong paparating kung kaya't ikinabigla ito ni Joshua. "Uhmmnn... Si Joshua po ito! Nakita kasi kitang tumakbo rito, baka naman napaaway ka sa pistahan!" kaba na sinabe bi Joshua at huminto sa paglalakad. "H-hindi kita kilala Pre! At isa pa, hindi ako nakipag-away! Kaya makauwi ka na, gusto kong mapag-isa!" sabi ng lalaki at halatang problemado ito. Tinitigan talaga ni Joshua ang mukha ng lalaki kung sino iyon at totoo nga, hindi sila magkakilala. "P-pre! Pasensya ka na kung naabala kita, nagulat lang kasi ako kanina na merong tumatakbo papunta rito!" si Joshua at mga ilang sandali napansin niyang nakayuko ito. "Uhmmnn... Pre! Safe ka naman dito eh! Kung gusto mong mapag-isa iiwanan na kita!" pero di parin ito sumagot. Aalis na sana siya, pero may kung anong demonyo ang nagpapalakas ng kanyang loob para lapitan ito. Samahan, o kaya'y kausapin man lang. "Pasensya ka na!!! Makulit ako eh,... baka gusto mo samahan nalang kita!" palusot ni Joshua at umupo sa tabi ng lalaki na nakayuko ito, tamihik lang. "Mukhang mabait naman yata ang mokong na ito!" sabi ng isip ni Joshua habang hinihintay makita ang itsura ng lalaki. "Ano baaa! Gusto ko nang mapag-isa, kulit mo.naman Pre!" galit na sinabe nang lalaki at sa wakas namukhaan na nila ang isa't-isa. "Uhmmn... uhmmmnnn!" medyo kinabahan si Joshua at sa isip niya ay mapapahamak siya sa gabing iyon. "Ano ba? Di kaba aalis?!" "Baka naman kasi may problema ka at matulungan kita! At isa pa, anong oras na at mag-isa kalang dito!" palusot ni Joshua pero sa totoo lang lumakas ang kanyang loob dahil narin sa nakainom din siya. "Pera! pera ang kailangan ko!" hiling ng lalaki at parang gustong matawa si Joshua sa nalamang iyon. "Hahaha... Ang drama mo! Akala ko kung napaano ka! Hinawalayan ka ng jowa! May kaaway ka! Eh, pera lang pala eh!" "Gago ka ba?! Kailangan ko kasi iyon pambayad at hindi ako binigyan ng jowa ko! Imbis na ibigay sa akin, ayon winaldas niya lahat sa mga barkada niya!" reklamo ng lalaki at halatang nakainom rin eh. "So, ibig sabihin! Nag-away kayo ng jowa mo dahil hindi ka binigyan kung kaya't pumunta ka rito para magpakalayo-layo!Oh, bakit siya ang magbibigay ng pera sayo, bakit bakla ba ang jowa mo?" "Dami mong sinasabe! Badtrip ako ngayong gabi... ano ba! Makakaalis ka na!" Dulot ng kalasingan... agad kinuha ni Joshua ang pitaka para kumuha ng pera. Napatingin sa kanya ang lalaki. "Anong ginagawa mo?! Bakla ka no!" sabi ng lalaki at bigla itong napangisi. Hindi alam ni Joshua kung magtatampo siya o umuwi nalang kasi parang nagsasayang lang siya ng oras sa lalaking iyon. Mukhang masama ang ugali kasi. "Paano kung sabihin kong... Oo, ang mahalaga matino akong tao. Hindi ako barumbado, walang akong tinatapakang tao! Kahit mukhang lalaki ako, mas gwapo pa ako sayo!" yabang na sinabe ni Joshua dulot ng kalasingan at kung anu-ano na ang sinasabe. Napangisi lang ang lalaking iyon dahil sa ugaling pinapakita sa kanya ni Joshua. Hindi niya kasi akalaing, sa pangangatawan ay nagkakagusto ito sa kapwa lalaki. "Bakla ka ngaaa! hahaha!" Hangga't sa nagkatitigan ang dalawa sa sandaling iyon. Kahit na buwan lang ang nagbibigay liwanag. Klarong-klaro sa mukha ng lalaki na siya ay may itsura at mabango pa. "Gago ka pala eh!" galit na sinabe ni Joshua at agad ibinalik sa bulsa ang pitaka. "Hoy,.... huwag kang ma-offend sa sinabe, sa bibig mo na nga nanggaling na bakla ka!" Agad tumayo si Joshua para umalis na sa walang kwentang kausap na lalaki kasi sa totoo lang nabadtrip siya. "Saan ka pupunta!" pahabol ng lalaki at agad sinundan si Joshua para harangan. "Uuwi nako! Ang presko mo! ang presko, presko!" galit si Joshua pero nakaharang sa kanyang dinadaanan ang lalaki. Matangkad ang lalaki, siguro mga nasa 5'9 at mukhang basketbolista ang pangangatawan. Ang edad nito ay mga nasa 23-26. "Pasensya ka na... badtrip lang talaga ako!" sabi ng lalaki. "Uuwi na ako!! Umalis ka dyan!" "Paano yan, lasing ka na! Parang di mo na kayang maglakad oh!" "Malapit lang ang bahay namin... kaya mag-isa ka na rito! Magkapalamok ka! Mag-isip ka ng mga problema mo! alisssss!" galit narin si Joshua. "Paano kung ayaw ko?! Mukhang ok ka naman kausap eh! Samahan mo nalang ako dito hanggang umaga kasi hindi na ako uuwi sa bahay!" malungkot na sinabe ng lalaki. "Tanga ka ba! Eh, diba ininsulto mo ang kasarian ko kasi hindi ako puro na lalaki! Mabuti ka nga sinabe ko sayo, ni pamilya ko hindi ko siniwalat ang totoong pagkatao ko!" "Nag-sosorry na nga diba!" "Kahit na,... di ko nagustuhan ugali mo! Uuwi na ako!" "Bakit saan ba bahay niyo!" "Iyan oh.." sabi ni Joshua sabay turo ng kanilang bahay sa baba. "Anlapit mo lang pala..eh!" sabi ng lalaki. "Paki-usap, nahihilo na ako kaya umalis ka na sa daanan ko!" Pero parang di nakikinig ang lalaki. "Ang tigas mo talaga no! Diba pera ang problema mo! Heto......!" galit si Joshua at agad kumuha ng pera sa pitaka para matapos na ang pangungulit ng lalaking iyon. Nabigla ang lalaki nang biglang inabot sa kanya ang hinugot na pera ni Joshua sa pitaka nang pagalit. "Ano ito?!!" gulat ang lalaki at biglang ngumiti ito na parang aso. "Sayo na yan kaya makakaalis na ako!" "Okay.... kailangan ko ito eh! P-pero dapat, may kapalit ito sayo..." nang bigla niyang pinuwersang yakapin si Joshua sabay halik para hindi na ito makapagsalita pa. "Uhhhmmm...ughhhrrrr!" nagpupumiglas si Joshua pero wala siyang sapat na lakas para labanan ang lalaki dahil sa kalasingan nito. At iyon ang kanyang huling natandaan nang magising siya sa kanyang kwarto. Dali-dali siyang tumayo, kahit na medyo nahihilo pa siya at nakita ang Itay na nagsisibak ng kahoy sa labas. "Itay! Itay! Paano ako nakauwi rito?!" pagtatakang tanong ni Joshua sa Itay. "Naku, anak! Lasing ka! Hinatid ka rito ng lalaki mga alas 6 kanina. Napasobra yata ang inom mo anak!" "H-ha? hinatid ako?! P-paano?!" "Syempre binuhat ka... Kaya sa susunod, kapag uminom yong sakto lang!" "Hinatid niya ako? P-pero, wala akong matandaan. Basta ang huling naalala ko hinalikan niya ako, may nangyari sa amin!" sabi ng isip ni Joshua at pilit inaalala ang pangyayari kasama ang lalaking iyon. Dali-dali siyang bumalik ng kama para e check ang dalang gamit kagabi, kasi baka ninakawan siya gayong hindi niya kilala ang lalaking iyon. Agad binilang ang pera, chineck ang mga importanteng ID's, ATM card. Pero lahat ng iyon ay walang nawala, kompleto. "Diba binigyan ko siya ng pera, pero bakit nandito iyon. Hindi ako magkamali talaga! Pero bakit binalik? Akala ko kailangan niya, at mukhang pera siya!" sabi niya sa sarili. Dahil wala naman nawala sa kanya. Biglang napatiya siyang napatihaya sa kama at pilit inaalala ang lalaking iyon. Sariwa pa sa kanyang isip kung paano sila nagtatalo, hanggat sa mawalan ng malay. Hindi maikubli ni Joshua ang ngiti sa kanyang labi. Ngiti ng paghanga kasi yong akala niyang masamang tao ay hindi pala. Hinatid pa siya sa kanilang bahay at hindi pinabayaan. Tanghali na nang siya ay magising.... Tulad nang sinabe ng dalawang magpinsan, ay meron silang pupuntahan. Pumunta ang dalawa sa isang water falls kung saan madalas silang naliligo noon. Maganda roon lalo na't maganda ang panahon tirik na tirik ang araw. Maraming taong naliligo, mga batang masayang nagtatampisaw sa tubig at mga binatilyong tumatalon mula sa kataas-tasan. Mga pamilyang nag-bobonding, kumakain. Mga.barkadang naghahabulan at paligsahang lumangoy. Namiss talaga iyon ni Joshua. Kahit na tirik ang araw ay wala siyang pakialam kung masusunog ang bakat, ang mahalaga ay maranasan niya ulit maligo doon. "Insan tara na!!!" yaya ni Erik at excited na itong maligo, tanging short lang ang suot at walang pang-itaas. Inilatag ni Joshua ang dalang gamit at pagkain. Maya-maya ay dali-daling siyang naghubad ng damit at naka short lang. Masaya ang dalawa sa sandaling iyon. Nagbabasyahan ng tubig at paligsahang lumangoy papunta sa kabilang malaking bato. "Namiss mo ba ito Insan?!" "Oo naman!" "Naalala mo bang, dito moko unang sinubo!" bulong ni Erik kay Joshua. "Gago ka talaga...umiiral na naman ang kamanyakan mo, di mo talaga makalimutan hahahaha at isa la matagal na iyon!" Patuloy ang halakhakan ng dalawa. Nang magutom ang dalawa, ay agad silang umahon at pumunta sa kanilang pwesto para kumain. Habang kumakain ang dalawa.... "Joshua? Joshua! Ikaw ba yan?!" gulat na sinabe ng lalaki sa kanyang likuran. Agad naman itong lumingon. "Lester! Lesteeeer!" sigaw ni Joshua at agad niya itong nilapitan. "Kailan ka lang!? Bruha ka talaga, di ka man lang nagparamdam sa akin! Bwuset kaaa!" masayang niyakap ang kaibigan. Si Lester ang kaibigan ni Joshua. Isa siyang bakla at nag-susuot pambabae. Mahal na mahal nila ang isa't-isa kasi noong mga bata pa magkaramay sila sa mga nanungutya sa kaibigan. Si Joshua ang kanyang sumbungan kapag nilalait siya ng mga lalaki sa skul. Kahit na gano'n si Lester ay tanggap niya ito, kahit na palagi niya itong pinapayuhan huwag magsuot ng pambabae kasi kukutyahin lang ang kaibigan pero nagmamatigas ito. Buong puso tinanggap ni Joshua ang gusto ni Lester. Ang mahalaga ay patuloy silang magdadamayan bilang kaibigan, sa saya at panglalait ng ibang tao. "Borta ka na ngayon! Manly ka na bess! hahaha.. ang laki ng pinagbago mo!" sabi ni Lester. "Ganito naman talaga ako dati auh... Di tulad sayo, naku nagsusuot ka paring pambabae. Uhmmmnnn.. pero, ang ganda mo na ngayon babaeng-babae ka na!" "Syempre... maalaga ako sa katawan! At isa pa, maganda na ako dati pa!" "Tigilan mo na yang pills mo, baka magkaside effect ka niyan... di ka na nakontento, parang babae ka na!" sabi ni Joshua habang nagtataray at pinapakita ang kurba ni Lester. "Aba! kasama mo pala si Baby boy!" arti na sinabe ni Lester kay Erik. "Tigilan mo nga ako! May jowa kana baka isumbong kita eh!" pagmamaldito ni Erik sa kanya. "Kung pumayag kalang kasi, saka ikaw naging jowa ko! Mula noon, hanggang ngayon stikto ka parin!" "Ayoko magjowa ng walang matress hahaha!" pang-iinsulto niya kay Lester. "Sus! dami mong alam! Alam mo, Erik! Kabisado na kita eh, sa mga pamamakla mo!" "Hoy wala kang ebidensya!" nairita si Erik. "Nako! Baka, isumbong kita sa pinsan mo! Kung makapanglait ka sakin ha, eh yung pamamakla mo kalahi rin namin iyon hahaha!" "Tumigil na kayo, para kayong bata!" si Joshua at tumahik ang dalawa sa bangayan. "Hmmnnn.... Mabunganga ka talaga!" "Ikaw kasi eh!" "Pst! Tama na yan, baka iuntog ko kayong dalawa eh!" "Bhess, dito ka na sa amin dalawa lang kami rito ni Insan. Sumabay ka na, o baka naman marami kang kasama!" yaya ni Joshua kay Lester. "Sa kabila kami ng jowa ko... pero wait lang ha kasi lilipat kami rito!" "Landi mo talaga Bhess, mula noon hanggang ngayon!" "Dami nating satsat, balik ako.... babalik!" si Lester at agad umalis para lumipat sa pwesto nila ni Joshua. Patuloy si Erik sa pag-iihaw, at si Joshua naman naglalagay ng coke sa baso. "Inom ka muna insan!" alok ni Joshua sa pinsan. 6 Makalipas ang ilang minuto... Kita ni Joshua si Lester na nagbubuhat ng mga gamit kasama ang sinasabe niyang jowa. "Bhesss! Im here naaaa!" sigaw ni Lester. Ngunit biglang huminto ang mga oras na iyon noong nakita ni Joshua ang lalaking kasama ni Lester. "H-hindi maaari! S-siya ang lalaking nakasama ko kagabi sa puno ng Acacia! Hindi ako magkamali!" sabi niya sa sarili. "Bheesss! Bheeeesss!" sigaw ng kaibigan. Laking gulat rin ng lalaki nang makita niya sa pangalawang pagkakataon si Joshua. May ngiti sa kanyang mga labi kung kaya't nagbibigay kapogian ito sa lalaking iyon. Nagkatitigan ang dalawa nang biglang sumulpot si Lester. "Bheess ano ba! Nakakita ka ba ng multo? O baka naman nakakita ka ng mala-anghel kong jowa hahaha..." Kung kaya't biglang natauhan ang kaibigan na may kunting hiya sa sarili, panginginig at gulat sa nalaman. Kasi hindi niya akalain, ang lalaking kasama at naghatid sa kanya sa bahay ay jowa ng kanyang best friend. "Baliw ka talaga! Lester!" kunwari ni Joshua na hindi siya affected. "Saan ko ba ito ilagay?" tanong ng lalaki karga ang dalang pagkain. Kapansin-pansin ang hubog ng kanyang katawan at ang pandesal nitong abs sa tiyan na parang pinagdikit-dikit. At ang bikini line nitong parang iginutin. "Diyan lang Pre!" sagot ni Erik. "By the way bhess! Siya si Richard, jowa ko at babe siya naman ang bestfriend ko, si Joshua" wika ni Lester sabay ngisi sa kaibigan. "Hi, Joshua!" nakangiting aso ito sabay titig sa pagmumukha ni Joshua at kamayan ang dalawa. "s**t! ganda naman ng ngipin ng mokong na ito! Kung alam ko lang ganito ka gwapo sana pinantasyahan na kita kagabi pa!" bulong ni Joshua sa sarili. "So paano na???!! Sabay na tayo maligo, mamaya na ang kwentuhan sabik na akong maligo eh?!" yaya ni Lester at dali-dali itong tinungo ang tubig. Pagtapos ni Erik sa ginawa, ay agad itong tumakbo para maligo. "Tara na.. maligo na tayoooo!" sigaw ni Erik at naiwan ang dalawa. Hindi alam kung ano ang sasabihin ni Joshua kay Richard. Hindi niya alam kung saan mag-uumpisa, hihingi ng tawad dahil sa nagawa nilang dalawa o kaya'y magpapasalamat dahil safe siya sa gabing iyon at paghatid sa kanilang bahay. Naguguluhan, nahihiya, kinakabahan ang kanyang nararamdaman sa sandaling iyon. Nang biglang binasag ni Richard ang gulo ng isip ni Joshua. "Oh, bakit??!! Anong iniisip mo? Kalimutan mo.na yon, okay lang iyon!" sabi niya kay Joshua. "Ha??? A-ako... nag-iisip?? Wala....!" pautal-utal na sinabe ni Joshua na halos maihi na siya sa hiya. "Kanina ka pa eh,... tulala, daming iniisip! Huwag kang mag-alala, lihim lang natin iyon!" "Haaaa?!" "At isa pa, walang may nangyari sa atin! Pinahirapan mo pa nga ako eh, ambigat mo!" biglang napahiya si Joshua. "Talaga, Richard? P-pasensya ka na lasing lang talaga ako!" "Oo, alam ko! Yun nga pala, hindi ako kumuha ng pera mo binilang mo ba lahat? Baka kasi sabihin mong, ninakawan kita!" "Hindi naman... at sana, kalimutan na natin iyon tutal wala naman palang nangyari!" at doon, nakahinga nang maluwag si Joshua dahil sa sinabe sa kanya ni Richard. ITUTULOY..... LINK: h***:://w**************m/KwentongRatedSPG
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD