Sasha's POV Denver and I decided everything. Matapos naming mag-usap tungkol sa bagay na 'to, napagpasiyahan naming puntahan si Parise sa bahay niya. According to Denver, Parise has a weak heart. Hindi naman daw ito nagkakaganito noong sila, posible raw na dahil ito sa matinding stress sa trabaho at pagbubuntis niya kaya naging mas maselan ito. Parise took a break in showbusiness. Alam na raw ng manager niya ang tungkol rito na ikinagulat ng kanyang buong team. Hindi pa isinapubliko ang tungkol sa pagbubuntis niya dahil paniguradong dudumugin siya ng media. It will just stress her out. "Love?" Napalingon ako kay Denver nang pumasok ito ulit sa loob ng kwarto namin. "Are you ready?" Tanong pa ne'to habang naglalakad papalapit sa akin. Kaagad niya akong hinalikan sa leeg bago tinignan s

