Sasha's POV Nasa harap ako ng isang mansyon. Andito na ulit ako, sa lugar kung saan marami alaala na ang nagawa namin ni Denver. Napabuga na lamang ako ng hangin habang mahigpit na napahawak sa bitbit kong bag. Hanggang bungad ng subdivision gate sina Tiya Nelly kaya nilakad ko na lang mula roon hangang dito ang bahay ni Denver. Hindi ko alam kung nasa loob si Denver o wala. Huminga ako ng malalim atsaka nagdoorbell. Matapos ang ilang segundo, may nagbukas na kaagad ng pinto. "M-Ma'am Sasha?!" Gulat na sambit ng isang tagapagsilbi ng makita ako. Isang tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kanya bago ako pinapasok. Nagkandaugaga naman ito na tawagin ang amo niya sa itaas. So Denver is here... Inilibot ko kaagad ang aking paningin at kasabay non ay ang pagsampa ni Denver sa kanyang grand

