1 - Follow His Orders

2548 Words
Sasha’s POV Anak ng tokneneng! Minsan ayoko na talaga sa trabaho ko! Kung ano-ano na lang kasi ang nakikita ko sa mga kwarto ng guest dito. Hindi na birhen ang mga mata ko. Pano ba naman kasi? Tatawag ng room service for housekeeping pero imbes na kalat na mga gamit ang madadatnan ko, yung mga guest mismo ang makalat! Kaya nga minsan nagdadalawang isip ako na papasok sa isang kwarto na couple ang nag-oocuppy! Jusko marimar! “P-Pasensya na po. N-Naiwan niyo po kasing bukas ang pinto kaya pumasok na lang ako. Pasensya na po talaga!” Sabi ko atsaka yumuko sa kanila. Naabutan ko kasi silang nagkakadyot mga tsanggala talaga! Ako pa talaga ang humingi ng tawad sa aking nasaksihan. Hindi na dapat sila tumawag ng room service kung may gagawin pa pala silang milagro sa loob, tsaka jusmiyo! Bakit ba naman kasi iniwan nilang bukas ang pinto? Nahihiyang umalis na lang ako sa kanilang kwarto atsaka bumalik sa station ko sa loob ng restaurant dito sa resort. Matapos ang ilang mga minuto ay nagbreak muna ako para naman makapagpahinga at kumain ng dala-dala kong baon sa staff room namin dito. May nakasabayan din ako dito na kapareho ng break time ko pero hindi sila lahat ay kakilala ko talaga. “Uy Sasha, bat di ka man lang nag-aya? Sana tinawag mo ‘ko kanina na magbebreak ka na pala.” Napalingon ako sa kabilang direksyon nang marinig ko ang boses ni Nicole, isa sa mga naging close ko na rito. “Hindi kita makita kanina eh, tsaka gutom na ang bulate ko sa tiyan,” wika ko sabay subo ng pagkain sa aking bibig habang bitbit ko ang isang tupperware sa aking isang kamay. Napatingin ako sa taong nasa likuran ni Nicole atsaka ito ininguso. “Oh anyare sa kanya? Bat nakabusangot ang mukha niyan?” Tanong ko kay Nicole tungkol sa isa pa naming kaibigan dito na si Juan na nagiging Joana tuwing sasapit ang gabi. “Ewan ko d’yan,” wika ni Nicole atsaka binuksan ang locker niya dito sa loob para kunin na rin ang baon niyang pagkain. “Bakla, anong nangyari sa’yo?” Salubong ang kilay kong tanong ni Juan. “Kainis bakla, hindi ko na naabutan yung nagcheck-in sa room 702. Ang aga kasing nagcheck-out, nubayan!” Natigilan ako sa pagnguya nang sambitin niya ang room number kung saan nakacheck-in si Denver. Napalunok kaagad ako atsaka napainom ng tubig. “Ang dami ko kasing narinig na chupapi ‘yon! Kahit silip man lang sana sa mukha niya hindi ko nagawa!” Inis na wika pa ni Juan atsaka napanguso, mas lalo tuloy humaba ang baba niya. “Si Sasha ang nagbigay ng towel sa nakacheck-in don kahapon eh, paniguradong nakita niya.” Kaagad na napaderetso ng tingin sa akin si Juan nang marinig niyang sabihin ‘yon ni Nicole. Awtomatiko akong napastraight ng upo atsaka nailayo ang aking pang-itaas na katawan ng biglang lumapit ang bakla sa akin. Kulang nalang mapahawak siya sa magkabilang balikat ko. “Totoo?!” Umiwas ako ng tingin atsaka mahinang tumango bago iniwakli ang kamay niya sa braso ko. “Chupapi ba talaga?” Sunod pa niyang tanong. “S-Sakto lang naman,” wika ko atsaka sumubo ulit ng pagkain. Deny pa, Sasha! Kahit ubod naman talaga ng gwapo at sarap si Denver! Pwede na siyang maging substitute sa ulam ko ngayon. Mukha pa lang niya busog na nga ako, paano pa kaya ang hotdog niy—anubayan! Kung ano-ano na lang naiisip ko! Biglang uminit ang aking mukha nang maalala ko ang ahas niya kahapon. Shemay, ang laki non kahit hindi pa matigas. Mabubulunan ata ang kung sino man ang susubo no—ano ba Sasa maghunosdili ka! “Hoy bakla, anyare sa’yo? May sakit ka ba? Kahit morena ka, pansin ko pa rin pamumula ng mukha mo. Napano ka ateng?” salubong na ang kilay ni Juan habang si Nicole naman ay nakatingin na rin sa akin. Pareho na silang naguguluhan sa naging reaksyon ko ngayon. “Kumain ka na nga lang diyan. Maiksi lang break natin ngayon dahil maraming mga guest, kaya bilisan mo na ang pagsubo mo.” Sinubo ko ang huling kutsara ng aking pagkain bago ito ninguya atsaka nilunok. “Sus! Mabilis akong sumubo bakla, wag kang mag-alala.” Ibinuka niya ang kanyang bibig atsaka iginiya ang kanyang isa kamay papalapit doon na parang may sinusubo talagang hotdog. Natawa na lang kami ni Nicole sa ginawa niya. Walangya talaga ‘tong bakla na ‘to, ang kalat-kalat kahit tanghaling tapat. Napailing na lang ako habang pinagmamasdan ang dalawa kong kaibigan na ngayon ay kumakain na. Kaagad ko namang niligpit ang dala kong tupperware atsaka ito ipinasok sa loob ng aking bag na nasa aking locker. “Oh san ang punta mo, Sasha?” Napahinto ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Nicole. “Babalik na ako sa trabaho, baka kasi kailangan nila kaagad tayo.” Linggo kasi ngayon at maraming guest ang hotel at resort kaya magiging busy talaga kami. “Sabay na lang tayong tatlo, bakla!” Sabi ni Juan sa akin. “Magiging employee of the month ka talaga niyan,” dagdag pa niya. Napangisi na lang ako atsaka umupo ulit sa pwesto ko kanina upang mas makasama pa sila. Susulitin ko na lang ang natitirang minuto ng break namin dahil paniguradong magiging abala kami mamaya sa trabaho. “HIDALGO, assist the guest to their rooms.” “Hidalgo, dalhin mo ‘to sa room 413.” “Sasha, pwede mo ba akong tulungan maglinis sa room 296?” Ilan lang ‘yan sa mga naririnig ko dito ngayon habang nagtatrabaho ako. Nakakapagod talaga tuwing linggo at kahit sabihin nating naging routine ko na ito, hindi ko parin magawang masanay sa dami ng tatrabahoin. Pero dahil ginusto ko ‘to at kailangan ko ng pera, nakahanda akong magtiis sa kahit na anong klaseng trabaho basta’t marangal ito. Ginawa ko na ang huling utos ng manager sa akin bago ako pumasok ulit sa loob ng staff room upang makapagbihis ng pamalit. Malapit ng mag 6pm kaya maghahanda na ako dahil matatapos na ang aking trabaho ngayong araw. Tuwing linggo kasi ay maaga akong aalis sa condo ni Celestine; kaibigan at kababata ko, pero maaga naman rin akong uuwi. Pwera na lang siguro kung sobrang dami talaga ng mga guests yung tipong fully booked ang hotel, kaya kinailangan ko talagang magovertime. Isinakbit ko na ang aking bag atsaka kaagad na umalis sa hotel and resort na pinagtatrabahoan ko. Kaninang 5pm ang out ni Juan habang nag undertime naman si Nicole dahil birthday ng Nanay niya, kailangan niya raw itong ipasyal dahil baka magtatampo na naman sa kanya. "Sasha, uuwi ka na?" Napahinto ako sa paglalakad nang madatnan ko ang manager namin na si Mrs. Delantes. Kaagad ko siyang binati atsaka tumango. "Mag-iingat ka sa pag-uwi, Miss Hidalgo. You did a good job again today," aniya na ikinagulat ko ng bahagya. Sa loob ng mahigit isang buwan ko ng pagtatrabaho at nong nagtetraining pa ako, ni minsan ay hindi ko narinig ang mga ganong klaseng salita mula sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa kanya. "Salamat po, Mrs. Delantes. Kayo rin ho," sabi ko sa kanya bago tuluyang naglakad palabas ng resort. Abot langit naman ang ngiti ko habang naglalakad ako ngayon sa kalsada atsaka naghihintay ng masasakyan pauwi. Ganda sa pakiramdam na makitang ngumiti ang manager namin sa akin. Palagi kasi 'yong seryoso sa trabaho tsaka terror na terror rin pagdating sa amin. Napabuga ako nang hangin dahil kahit na uuwi akong pagod ngayon, may nangyari namang maganda. Napatingin ako sa aking relong pambisig upang tignan ang oras doon. "Pasado alas sais na pala." Bulong ko sa sarili atsaka napatingin sa mga dumadaang sasakyan sa kalsada. Biglang bumilog ang aking mga mata nang may maalala ako nang makita ko ang billboard na ineendorse ang hotel at resort na pagmamay-ari nina Denver. Putragis! Nakalimutan ko! Napatampal ako sa aking noo atsaka dali-daling pumara ng bus papunta sa kompanya ni Denver. Lagot ako ne'to! Kabilin-bilinan pa non kahapon na dapat hindi ako malate! Anong oras na, tas bibiyahe pa ako! Nang huminto ang pinara kong bus sa aking tapat ay kaagad akong sumakay doon. Buti na lang at linggo ngayon kaya hindi ganon kabigat ang trapiko dahil day off ng ilang mga manggagawa ngayon. Kaagad kong sinabi sa konduktor kung saan ang destinasyon ko atsaka nagbigay ng bayad. Hindi nagtagal ay kaagad ko na ring narating ang kompanya ni Denver kaya pumara na ako. “Kuya sabi ko para, bababa na po ako.” Pag-uulit ko pa sa kondukto. Lumagpas na ako kompanya niya. “Sa bus stop ho tayo hihinto miss,” sabi niya kaya hindi na lang ako tumutol pa. Napatingin ulit ako sa aking relong pambisig at muntikan na akong mapamura dahil ilang minuto na lang ay mag-aalas siete na. “Pwede ka ng bumaba miss.” Walang pagdadalawang-isip na tumayo kaagad ako atsaka lumabas sa bus. Mahigpit kong hinawakan ang aking bag na nakasakbit sa aking balikat atsaka napatingin sa layo ng distansyang lalakarin ko pa papunta sa mismong kompanya niya. “Anak ng—! Talaga nga naman oo!” Inis kong sambit sa sarili atsaka inumpisahang maglakad kaagad. Nasa kalagitnaan pa lang ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napasinghap ako atsaka ginamit ang aking bag upang hindi ako mabasa pero wala rin itong silbi. Kaagad kong tinakbo ang kompanya ni Denver dahil wala na talaga akong oras para magpasilong pa sa tabi. Tila isa akong basang siwsiw nang makapasok na ako sa loob. Awtomatikong napatingin sa akin ang mga empleyado sa loob pero pinagsawalang bahala ko lang ito atsaka dumiretso sa lobby nila rito. “Miss, andiyan ba ang boss ninyo?” Kaagad kong bungad sa babae. Nang mapatingin siya sa akin ay halata ang pagtataka sa mukha ne’to. “Oo bakit? May appointment ka ba sa kanya?” Tumango ako sa kanya bago niya tinanong ang pangalan ko. “17th floor ang office niya dulong bahagi ng hallway sa kanan.” “Salamat.” Kaagad akong nagpunta sa elevator atsaka iton pinindot upang bumukas. Nang makapasok na ako sa loob ay pinindot ko rin kaagad ang number 17. Iniayos ko ang aking sarili habang nasa loob pa lang ako ng elevator dito sa kompanya ni Denver. Kinakabahan ako kasi para akong sasalang sa isang interview, tsaka idagdag mo pa ang suot ko ngayon na sobrang basa at bumabakat na ang dibdib ko. Bumukas ang elevator kaya kaagad kong tinahak ang mahabang pasilyo sa kanan. May nakita akong babaeng nakaupo sa labas ng opisina niya kaya kaagad ko itong tinanong kung nasa loob pa ba si Denver. Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago niya ako sinagot. “Yes, he’s still inside his office.” Tila nabunutan naman ako ng malaking tinik dahil don. “Ikaw ba si Sasha Hidalgo?” Tanong niya pa habang may tinitignan sa harap ng computer niya. Mukhang nasa listahan ang pangalan ko sa mga kikitain o kakausapin ni Denver kaya tumango kaagad ako. Kaagad itong tumayo atsaka lumapit sa pinto na sa tingin ko ay opisina na ni Denver. Una itong pumasok muna bago ako tinawag. Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang pumasok na ako sa loob habang yung babae naman ay lumabas na. Nahigit ko ang aking hininga nang makita ko ang isang lalakeng nakaexecutive attire habang abala ito sa harap ng kanyang mamahaling laptop. Tuluyan ko nang naisara ang pinto sa aking likuran at hindi parin maiwasang kabahan habang nakatingin sa isang sobrang gwapong lalakeng nakaupo sa kanyang silya. “So... You’re finally here,” aniya habang hindi parin ako tinitignan. “I thought we both agreed to the given time, Sasha. I told you to meet me at exactly 7pm sharp, am I right?” Dagdag pa ne’to habang may tinatype sa kanyang laptop. “P-Pasensya na, n-nawala kasi sa isip ko ang oras.” Nauutal kong sambit sa kanya. “Tsk, tsk, tsk! Hindi ka uunlad kapag ganyan ka palagi. Stop the toxic trait of Filipino time. Sa susunod, ayokong malate ka.“ Napalunok ako dahil bakas ang pagiging seryoso sa kanyang boses. Nakakatakot pala kapag sobrang seryoso niya, halos hindi ko alintana ang lamig dahil sa nabasa kong damit. “O-Opo Sir Denver.” “Cut the formality, Sasha, just call me Denver instead. Ngayon, sabihin mo sa akin ang totoong rason kung bakit ka hindi sumipot sa tamang oras.” Hindi niya parin ako nagagawang tignan ngayon, mabuti na lang siguro ‘yon dahil baka hindi ako makasagot sa kanya kapag nakatitig sa akin ang mga chinito niyang mga mata. “Ano po kasi... m-makakaabot naman po talaga ako kung hindi pa lumagpas ang s-sinasakyan kong bus t-tsaka kung hindi pa po umulan.” Napalunok ako pagkatapos ‘yon sabihin. “Ulan?” Salubong ang dalawang kilay niyang sambit. Mukhang hindi nga talaga maririnig mula dito sa loob ang lakas ng ulan sa labas. “Opo, malakas po ang ulan kaya nabasa ako papunta rito.” Don niya pa lang ako tinignan. Sa paglingon niya sa akin ay kaagad niya ako tinignan mula ulo hanggang paa. Bakas ang medyo pagkagulat sa kanyang mukha nang makita niya ang aking sitwasyon. Napadako ang kanyang tingin sa aking bandang dibdib at nagtagal doon ng ilang segundo bago tumikhim atsaka ako tinignan ng deretso sa mata. “I see... You really are soaking wet.” Hindi ako nagsalita atsaka napayuko na lang habang pinagmamasdan ko ang tumutulong tubig sa kanyang sahig mula sa aking damit. “Sasha.” Kaagad akong napalingon sa kanya ng tawagin niya ako. “A-Ano po yun?” Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan atsaka kaagad na isinilid ang dalawang kamay sa bulsa. “Come closer.” Napalunok ako nang sabihin niya ‘yon. Payak lang ang kanyang boses habang deretso siyang nakatingin sa akin. “P-Po?” He tilted his head to the other side. Ako lang ba? Pero parang lumalalim ang kanyang tingin sa akin. “I said, come closer to me. Kailangan ko pa ba ‘yon isalin sa wikang tagalog?” Hindi ko na maiwasang kabahan ng todo-todo ngayon. Hindi ako umimik sa kanya. “Lumapit ka sa akin Sasha, ngayon din.” Dagdag pa niya. Kaagad akong sumunod sa sinabi niya kaya wala pang ilang segundo ay nakalapit na ako sa kanya. Hindi ko siya magawang tignan ng deretso sa mukha kaya nasa ibang bagay ang aking atensyon ngayon. “I am asking you this once again... Gagawin mo ang lahat ng ipapagawa ko sa’yo, tama ba? Babawi ka sa pagkakamaling nagawa mo, hindi ba?” Sunod-sunod niyang tanong sa akin dahilan upang lingunin ko na siya. I got lost in his eyes the moment it meets my gaze. Hindi ko lubos maisip na mas lalo pala siyang gagawapo kapag nasa malapitan. Perpektong-perpekto siya sa aking paningin. Wala sa huwisyo akong napatango sa kanya habang medyo nakaawang ang aking labi. Kaagad na sumilay ang isang ngisi sa kanyang mukha habang nakaangat ang isang sulok lang ng kanyang labi. “That’s good to know, kitten.” Palihim akong napalunok nang sabihin niya ‘yon. “Now...” umayos siya ng tayo bago magsalita ulit. “Remove your clothes,” sabi niya na ikinagulat ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD