2 - His True Self

2265 Words
Sasha’s POV “A-Ano pong sabi n’yo?” Hindi ko maiwasang mautal. Tila hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan ngayon habang nakatingin ng deretso kay Denver. Sobrang lakas ng pagkabog ng puso ko. Bumuga ito ng hangin bago inulit ang sinabi niya sa akin. “Your clothes. I want you to remove it.” Ilang ulit na akong napalunok. I-Ito ba ang kapalit? I-Ito ba ang paraan niya upang pagbayaran ko ang kasalanang nagawa ko sa kanya at sa kanyang nobya noon? P-Puri ko ba ang kapalit? P-p********e ko lang ba talaga ang magiging kabayaran sa kasalanan ko? Napahakbang ako paatras atsaka ilang ulit na umiling sa kanya. Kahit na mahal ko si Denver, hindi ako papayag na basta-basta ko na lang isuko ang bataan. Ito ang kayamanang pinakaiingatan ko. “H-Hindi po ako papayag.” Kaagad na nagsalubong ang dalawang kilay ni Denver nang marinig niya ang sinabi ko. Nakakatakot siya. “Ano ang ibig mong sabihin? Hubarin mo ang suot mo Sasha, ngayon din.” Matigas niyang utos sa akin pero hindi ako nakinig sa kanyang sinasabi. Ayoko! Hindi niya ako mapipilit! Nanlaki ang aking mga mata nang humakbang na siya papalapit sa akin. Mabibigat ang kanyang bawat yabag kaya hindi ko maiwasang kabahan ng todong-todo. Seryoso ang kanyang gwapong mukha at nakatuon lang sa akin ang chinito niyang mga mata. “Remove it now or you want me to remove it for you?” Napalunok na naman ako. Tuluyan ko nang naiyakap ang aking sarili atsaka napapikit habang ilang ulit na umiiling. “W-Wag po Sir Denver! V-Virgin pa po ako!” Sigaw ko sa kanya habang nakaiwas ng tingin at yakap-yakap ang sarili. Diyos ko! Wag naman po sana! Mahal ko ang p********e ko, a-ayokong ibigay ‘to sa kanya na ganon-ganon lang. Tsaka, may iba siyang babaeng napupusoan, kung ibibigay ko sa kanya ang kanyang gusto ngayon paniguradong ako naman ang masasaktan ng sobrang-sobra sa huli. Kung maaari, sa magiging asawa ko lang ‘to gustong ibigay! Nabato ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko si Denver na napahagalpak ng tawa. Nang idilat ko ulit ang aking mga mata, nakita ko siyang halos mapaluhod na sa sahig habang hawak-hawak ang tiyan sa kakatawa. Ang mga singkit niyang mata ay mas lalong sumingkit na tila isang kurbang linya na lang ito sa kanyang gwapong mukha. “Potang*na—HAHAHAHA!” Napaawang ang aking labi nang makita ko ang kanyang sitwasyon. Napaderetso naman ako ng tayo atsaka napalunok nang tignan niya ulit ako. “Hell, that was funny!” Aniya atsaka pinunasan ang namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata dahil sa kakatawa. Namumula rin ang mukha niya atsaka tainga dahil sa kanyang maputing kutis. A-Anong nakakatawa don? “Do you really think I’ll do that ‘thing’ with you right now? Right here in my office?” Aniya habang nakangisi atsaka umayos na rin ng tayo. Kaagad akong nahiya sa sinabi niya. Oo nga naman, sino ba namang loka-loka ang magchugchugan sa loob ng opisina? “Tsaka kailanman hindi ako gumamit ng pwersa upang maikama lamang ang isang babae, Sasha,” aniya atsaka sumeryoso ang kanyang gwapong mukha. Palihim akong napalunok atsaka napahawak sa likod ng tumama ang aking likuran sa isang maliit na mesa. “Don’t worry, hindi naman kita gagalawin. Your virginity is still safe.” Dagdag pa niya na ikinaginhawa ng aking kalooban. B-Buti naman kung ganon, akala ko kasi may mangyayari na. Huminga ako ng malalim bago magsalita sa kanya. “P-Pasensya na po, pilit niyo po kasing pinapahubad sa akin ang damit ko,” nahihiyang sambit ko sa kanya bago yumuko. “Oh, it’s not what you think it is, I’m sorry about that. Pinapahubad ko lang ‘yang damit mo dahil basang-basa ‘yan, tsaka naka aircon pa dito sa loob ng opisina ko. I have some spare clothes here, you can use it.” Tinanaw ko siyang naglakad papunta sa kabilang parte ng kanyang opisina. Kumunot ang noo ko nang makitang may isa pang pinto doon, mukhang panibagong kwarto ata. Nanatili lang akong nakatayo sa aking pwesto nang bigla akong tawagin ni Denver sa loob. Kaagad naman akong sumunod sa kanya sa loob atsaka idinungaw muna ang aking ulo sa loob ng silid bago tuluyang pumasok. Hanep! May sarili siyang silid dito sa loob, may kama kasi tas cabinet. May iilang personal na gamit din dito sa loob tsaka talaga nga namang maamoy mo sa bawat sulok ng silid na ‘to ang pabango ni Denver. Hindi mo maitatangging pagmamay-ari niya talaga ang kwartong ito. Hays... parang ang sarap matulog dito sa loob. “Sasha.” “P-Po?” Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin niya ulit ang aking pangalan. Nakalahad na sa akon ang isang pares ng damit, isang shorts tsaka plain na black shirt ang nasa kamay niya. “Wear these,” aniya kaya naglakad na ako ng tuluyan papalapit sa kanyang pwesto. Napatingin ako sa kanyang mukha bago yumuko atsaka kinuha ang inabot niyang mga damit sa akin. “Salamat po Si—este Denver. Salamat Denver.” Ngumiti ito sa akin na ikinalaglag ng aking puso. Jusmiyo marimar! Chupapi nga naman talaga ‘tong lalakeng nasa harapan ko. “Hihintayin kita sa labas para mapagusapan na natin ang bagay tungkol sa sinabi mo kahapon.” Tumango kaagad ako sa kanya bilang pagtugon. Nilagpasan na ako ni Denver atsaka naglakad palabas ng kwarto bago tuluyang sinara ang pinto. Dali-dali naman akong nagbihis dahil bigla akong nakaramdam ng sobrang pagkaginaw dahil sa basa kong suot. Kumuha ako ngt plastic sa loob ng aking bag atsaka doon na inilagay sa loob ang damit ko. Napalunok ako bago tinanggal ang bra tsaka panty ko dito sa loob bago tuluyang sinuot ang damit ni Denver. Nilagay ko naman sa harap ang aking mahabang buhok para takpan ang bumabakat kong ut*ng sa damit. Malaki-laki naman ang tshirt ni Denver kaya hindi ganon kahalata na wala akong suot na bra. Siguro? Napabuga ako ng hangin bago napahawak ng mahigpit sa aking bag atsaka lumabas sa kanyang silid. Kaagad kong kita si Denver na nakaupo sa kanyang swivel chair. Nailigpit na niya ang ilang dokumento na nasa ibabaw ng kanyang mesa kanina atsaka ang mamahaling laptop din ne’to. Ang bilis naman. Nilingon niya ang aking direksyon na ikinagitla ko ng bahagya. Sa oras na itinuon niya ang kanyang mata sa akin, bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso ko. Putragis! Napakagwapo talaga niya kahit hindi pa nakangiti! Pinagmasdan niya ang aking kabuoan mula ulo hanggang paa kaya hindi ko maiwasang mailang at maconscious sa sarili ko ngayon. “Bakit nakatayo ka lang diyan Sasha? Join me here.” He gestured the chair in front of his desk which made me walk towards it before taking a seat. Hindi ko maiwasang nyerbiyosin dahil ito ang unang pagkakataon na kaming dalawa lang ni Denver sa iisang lugar. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.” Biglang may kinuha siyang mga papeles sa loob ng kanyang drawer atsaka ito inilapag sa ibabaw ng mesa. Deretso akong napatingin doon bago siya nilingon. “Nakasaad sa dokumentong ito ang lahat-lahat. All my terms and conditions are written in these papers, you can read everything from the beginning until the end.” Halos mapaawang ang aking bibig sa dami ng pahina. Mahigit kumulang 15 to 20 pages ata ‘to. May ganitong kakapal bang kontrata? Tsaka kailangan pa ba ng ganito? Tutuparin ko naman ang mga salitang binitawan ko sa kanya kahapon. “You might be wondering why I did all of these,” aniya atsaka sumandal sa kanyang upuan bago itinukod ang dalawang siko sa armrest ne’to. “Sigurista akong tao, Sasha. Mas gugustohin ko paring may panghahawakan ako kung sakaling bigla kang aayaw sa kalagitnaan ng proseso.” Muntikan ko ng mahigit ang aking hininga nang sabihin niya ‘yon. Kitang-kita na sa kanyang mukha ang pagiging seryoso ngunit kalmado. Nakakatakot siya sa oras na ‘to, parang ayokong makagawa ng panibagong kasalanan sa kanya ngayon dahil kung hindi, tiyak na hindi ko magugustohan ang gagawin niya sa akin. Itinulak niya ang mga papeles papalapit sa akin bago magsalita. “Go ahead, take your time reading it. Wag kang mahiya kung may tanong ka sa’kin, I am willing to explain everything to you. At kung may ayaw ka diyan, magagawan natin ‘yan ng paraan.” Deretsahan niyang sambit. Kumuha siya ng isang pen sa kanyang pen holder bago ito inilahad sa akin. Napatingin ako doon bago ito kinuha mula sa kanya atsaka napatingin sa unang pahina ng dokumento. Palihim ako napalunok bago siya tinignan sa mata na ngayon ay nakatingin parin sa akin na tila pinagmamasdan ako ng mabuti kung itutuloy ko pa ba ito o hindi dahil sa kanyang ginagawa ngayon. It seems like Denver is trying to test me whether I am that firm with my decisions or not. And if I failed his expectations, he might probably won’t look at me the same way again. Walang pagdadalawang-isip na tinanong sa kanya kung saan ako dapat pipirma. “Dito banda,” aniya atsaka tinuro ang gilid ng pahina. “Each paper must have your signature. And for the last part, I want your fingerprint stamp together with your signature of course.” Dagdag pa niya. Grabe, napakasigurista niya nga! Kung tutuosin, tutulungan ko lang naman siyang magkabalikan sila nong ex-girlfriend niya. Parang dinaig ko pa ang contract signing ng mga empleyado niya rito. Napakibit balikat na lang ako bago sinimulang pirmahin ang mga papeles. Napansin ko namang napaderetso ng upo si Denver habang nakatingin sa aking direksyon. “Teka lang—hindi mo ba babasahin muna?” Aniya. Tinignan ko lang siya gamit ang aking mga mata bago umiling. “May nakasaad ba dito na kailangan kong ibigay sa’yo ang pagkabirhen ko, Sir?—E-Este Denver?” Deretsahan kong tanong sa kanya. Napansin kong natigilan siya sa aking sinabi bago umiling. Napangiti ako dahil don bago buklatin ang kasunod na pahina para pirmahan. “Eh yun naman pala, may tiwala ako sa inyo kaya hindi ko na kailangan pang basahin ang lahat. Tsaka baka abutin pa tayo ng dalawang oras dito sa opisina niyo kung ganon.” Wika ko sa kanya habang nakatuon lang ang aking atensyon sa mga papel. “I see... pero sigurado ka bang ayaw mo munang basahi—“ “Sure po ako,” sambit ko. Tumahimik ang buong silid habang pinipirmahan ko ang ilang papel na lang. Nang matapos ko nang pirmahin ang lahat ng pahina, ibinigay ko ulit ang ballpen sa kanya atsaka yung dokumento. Nakita kong may kinuha ink pad si Denver bago niya ito binuksan para sa akin. Napatitig naman siya sa kamay ko, more specifically at my fingers. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin bago magsalita. “Give me your hands.” Napalunok ako bago sinunod ang kanyang utos. Tila may maliliit na boltahe akong naramdaman nang hawakan niya ang aking kamay dahilan upang hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Idiniin niya ang isa kong daliri sa ink pad habang nakatitig ito ng maige doon. “You have candle-like fingers...” aniya na ikinatingin ko ng deretso sa kanya. Halos malaglag naman ako sa aking kinauupuan ng tignan niya rin ako ng deretso. “I like it.” Oh Diyos ko, may balak po ba Kayo na mangisay ako dito sa kilig? Dahil baka don talaga ang punta ko. “S-Salamat po,” nahihiya kong sambit sa kanya. Si Denver na mismo ang gumiya ng daliri ko atsaka ito inilapat sa huling pahina ng dokumento. Natapos na ang lahat sa pagkakataong iyon. Kaagad na niligpit ni Denver ang ink pad atsaka ang mga papeles sa loob ng drawer niya. “We’re done. Thank you for cooperating, Sasha,” aniya na ikinangiti ko lang at tango sa kanya. “Magsisimula tayo bukas, I’ll pick you up after your shift to plan everything.” Napanganga ako sa sinabi niya. Bukas? Agad-agad? “I don’t want to waste more time in getting Parise back. I want her as soon as possible, are you with me?” Napalunok ako bago tumango ng ilang beses. Sinundan ko lang si Denver ng tingin nang bigla itong tumayo atsaka naglakad papunta sa aking mismong harapan. “It seems like you’re against my idea.” Kumabog ang puso ko nang maamoy ko ng malapitan ang kanyang pabango nang bigla itong inilapit ang kanyang mukha sa akin atsaka itinukod ang isa niyang kamay sa sandalan ng aking inuupuan. “I don’t want any rejections from you. Nakasaad ‘yan sa papel na pinirmahan mo, Sasha. So, you have to agree with me no matter what,” he said in a very low yet serious voice. I stiffened as my eyes automatically widened in disbelief. Halos mapatalon ako nang iangat niya ang aking baba upang matignan ko siya ng deretso sa mata. His face is emotionless but his eyes shouts danger. “I told you to read the papers, kitten...” Nabato ako nang haplosin ni Denver ang aking labi gamit ang kanyang hinlalaki. “But this mouth of yours told me that you trust this man in front of you right now,” dagdag pa niya. Umiling-iling siya habang nakatitig sa aking mga mata paibaba sa aking mga labi na hinahaplos parin niya hanggang ngayon. “Be a good girl, okay? And follow my orders.” Napalunok muna ako bago tumango sa kanya. Kaagad na sumilay ang mala-anghel niyang ngiti bago hinawi ang ilang hibla ng aking buhok sa aking mukha. “That’s my kitten...” Denver is... A monster you don’t want to mess up with.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD